Chapter 15: And Found

90 6 0
                                        

BRACE

"Brace, saan ka pupunta?!" Tanong ni Grae.

"Hahanapin ko si Andree!" Sagot ko at sinuot yung shoulder bag ko.

Nung papaalis na ako, bigla akong pinigilan nina Nash at Grae na umalis. "Sandali, brad. Hayaan na lang natin ang mga teachers na hanapin si AC." Kalmadong sabi sakin ni Nash.

"Shut up! Sa tingin mo ba, makakapaghintay pa ako?!" I need to find Andree as soon as possible. Baka nanganganib na siya sa mga oras na 'to!

Napailing si John. "Eh, paano kapag ikaw rin yung mawala? Edi, nganga?"

"I don't care! So, let me go!" Sigaw ko.

Napakamot na lang ng ulo si Joaquin. "Iba na talaga 'pag in love," rinig kong bulong niya.

What the? Syempre, kahit sila alam kong nag-aalala rin para kay Andree. Pero wait. Ang OA ko ba?

"Ganito na lang," binitawan na ako nung dalawa. "Sasamahan ka na lang namin sa paghahanap kay Andree!" Nakangiting sabi ni Grae.

"Oo nga! Operation: Hanapin ang Nawawalang Dyosa!"-John.

Kahit sa mga sitwasyong ito, natawa pa rin ako sa sinabi ni John. Operation: Hanapin ang Nawawalang Dyosa? Yeah. Dyosa nga si Andree.

"Okay! Simulan na ang operation!"-Grae.

ANDREE

Ilang taon na nga ba ako dito sa loob ng cave na 'to? 20 years?

Ayy, joke. Wala pa pala one day XD

Okay, AC. Hindi 'to joke time. Nawawala ka na nga, puro ka pa biro. Parang in love ka na nga, dinadaan mo pa sa biro. Charr. Hanudaw?

Anyway, kanina pa ako kinakagat ng mga lamok ata o ng mga langgam. Takteeee! Ang katiiii.

Inayos ko yung upo ko at napabuntong-hininga. Okaaaay. Dito na ba ako mamamatay? Plano ko pa naman sanang pumunta sa Busan tapos magti-train to busan kami ni Janna, Angelique at Shane. Syempre, kasama sina Brace dun.

*sigh*

This is the en—

"ANDREE!"

Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses.

"AC! Nasaan kaaaaa?"

"ANDREE! IF YOU CAN HEAR US, PLEASE ANSWER!"

OMO! Sina Brace!

Agad akong tumayo. "BRAAAAAACE! Nandito akoooo!" Malakas kong sigaw.

Maya-maya pa, may narinig na akong mga yapak papunta sa direksyon kung nasaan ako.

Hanggang sa makita ko yung ilaw sa flashlight na hawak ni Brace.

"Andree..." Hinihingal si Brace... Hinanap niya ako...

Dun na ako nanghina. Dun ko na na-realize na kapag hindi ako mahanap sa loob, ano na lang ang mangyayari sakin? Kapag hindi ako nahanap, paano na sina Janna? Yung pamilya ko?

Mabilis akong tumakbo at yumakap kay Brace. At dun ko na nilabas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan lumabas.

Niyakap niya ako balik. I feel safe in his arms. Mabuti na lang at siya ang nakahanap sakin. I'm so glad.

"Come on. Balik na tayo." Yaya ni Brace maya-maya.

Nakangiti akong tumango.

"Yeheeeey! Operation: Hanapin ang Nawawalang Dyosa is completed!" Masayang sabi nina Nash.

Operation: Hanapin ang Nawawalang Dyosa? Hanudaaaaw? XD

Pagkabalik namin, sinalubong kami kaagad nina Janna.

"AC! Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Kamusta kaaaa?" Sunod-sunod na tanong ni Janna.

Natawa ako. "Okay lang ako, Janna. 'Wag ka OA." Sabi ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong natukan. Aba't—Wengya 'to! "Nag-aalala na nga yung tao eh!" Nakanguso niyang sabi.

Nanggigigil naman akong pinisil yung pisngi niya. Ang kyot lang niya. "Oo na po." Sabi ko.

Tinignan niya si Brace na nasa likod ko lang. "Brace, salamat talaga sayo. Salamat sa paghahanap mo sa bestfriend ko. Thank you talaga." Pasalamat ni Janna na kulang na lang ang lumuhod sa harap ni Brace.

"AC," lumingon ako sa tumawag sakin.

Si Nathan.

"What the?! Ilayo niyo sakin yan!" Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Brace.

"Ay, hehehe. Wala lang yun. Geh, alis muna kamiii. Hehehe." Tapos hinila nila si Brace paalis. Sumama na rin sina Janna kaya naiwan kami ni Nathan.

"I'm so sorry. Nang dahil sakin, nawala ka." Sabi niya.

Kung kanina, emotionless siya, ngayon makikita na yung sincerity niya sa paghingi ng tawad sakin.

I smiled. "Okay na yun! At least, nahanap ako."

And for the first time, he smiled. Aww. Pero mas gwapo pa rin si Brace. Hihihi. "Thanks."

And at the end of the day, okay na ang lahat! Nagsaya kaming lahat after what happened.

---

Twitter ko po, please follow. @SweetPatissiere

Thaaaaanks. And please do vote and leave a comment. Thanks a bunch.☺️

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon