CHAPTER 36

73 4 0
                                    

•A N D R E E•

3 years later...

"Ah! AC, ditoooooo!"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Napangiti ako nang makita si Janna na kumakaway sakin.

It's been three years. Bilis ng panahon nuh? At ang bilis rin ng mga nangyari.

Nabalitaan ko na lang na magkasintahan na pala sina Nash at Janna. Habang ikakasal na si John kay Shane next year. Sina Joaquin at Angelique naman, stay strong pa rin kahit parang aso't pusa pa rin. Sina Grae at Sattori? Naku! Ang alam ko, 2 years nanligaw itong si Grae kay Sattori at last year, finally! Sinagot na siya. Si Ritsu? Ayun. Nasa Japan at isa nang businessman. Nagkikita pa naman kami pero di na masyado. Lalong-lalo na't nasa Pilipinas na ako ngayon.

Kababalik ko lang dito sa Pilipinas. I miss this place! I miss the traffic! The school, my house! And my memories here!

Lumapit ako kina Janna. Napansin kong naka-banner pa sila. Natawa tuloy ako. Ang childish pa rin ng mga kaibigan ko. Hahahaha.

Sa ngayon, isa na akong sikat na pastry chef. Yung pangarap kong maging comic artist? Binitawan ko na. After kong mapanood yung Yumeiro Patissiere, naging mahilig ako mag-bake at gumawa ng pastries!

Natupad naman ang mga pangarap ko. Nakakatulong ako sa mga mahihirap. May branch ako dito sa Pilipinas, sa France at sa Japan.

"Welcome baaaaaaack!" Masiglang bati nila sakin. Nagyakapan kaming lahat.

Kompleto na sana kami. Pero after nung insidenteng nangyari sakin 3 years ago, wala na akong naging balita pa kay Brace.

Parati namang umiiwas ang mga kaibigan ko kapag nagtatanong ako about kay Brace kaya minabuti kong manahinik na lang dahil wala naman akong mapapala.

Kamusta na kaya siya? Ano kayang trabaho niya ngayon? May girlfriend na ba siya? Fiancee or asawa? Aish. Nevermind.

"How are you guys?" Tanong ko sa kanila.

Last year, bumalik sila dito sa Pilipinas sa kadahilanang hindi ko naman alam. Marami na silang tinatago sakin pero hinahayaan ko lang. Alam kong sasabihin rin nila sakin ang lahat sa tamang panahon.

"We're fine! Eh, ikaw? Isa ka nang sikat na pastry chef! Omg. Ikaw na ang bahala sa wedding cake namin ni John!" Tuwang-tuwa na sabi ni Shane.

Napapansin ko rin kay Shane na parang mas nag-mature siya after niyang lumisan sa Japan. Hindi na rin talaga siya nagmumura, hindi na talaga war freak. And that's good, by the way.

"Of course! Leave it to me!" Sabi ko.

She's my dear friend so, bobonggahan ko ang wedding cake nila ni John! Aba, dapat lang ano!

Hinatid nila ako sa bahay. Nagkulitan, nagtawanan at nagsakitan kami habang kumakain. Ito talaga yung namiss ko sa lahat e!

Pagkatapos nun, pinapahinga na nila ako. Bago ako magpahinga, inayos ko muna ang mga gamit ko.

Habang nag-aayos ako, nakita ko yung letter ni Brace para sakin bago siya mawala ng parang bula.

Binuksan ko ito at binasa ulit.

Dear Andree,

Hi Andree. Umm... I really wanna thank you because naging malaking parte ka ng buhay ko.

Siguro kapag nabasa mo 'to, wala na ako sa Japan. Bumalik ako sa Pilipinas with Mami. I'm sorry ulit sa ginawa ni Mami sayo. Really, sorry.

Sana kung magkrus man ang landas natin ulit, sana sa Pilipinas na. At sana kapag nagkita ulit tayo, di na ako maduduwag na sabihin sayo lahat ng gusto kong sabihin sayo noon pa.

Sorry ah? Naging duwag ako. Pinangunahan ako ng takot. Akala ko kasi, kapag sinabi ko sayo yung totoo kong nararamdaman para sa iyo, bigla ka na lang mawawala sakin ulit. I hate it. Ayokong isipin yun pero wala akong nagawa dahil yun na ang nakatatak sa isip ko.

Sorry. Sorry. Sorry.

I'm sorry sa lahat. Lalo na nung nasa tren tayo. Ako yung humalik sayo. Pasensya na talaga. Di ko talaga napigilan dahil ang kyooooot mo!

Sana hindi ka magagalit dahil ako ang nakakuha ng first kiss mo. Magbibigti talaga ako 'pag nagalit ka sakin XD

Nasa pag nagkita ulit tayo, masasabi na natin ang totoo nating nararamdaman para sa isa't-isa.

Sana walang magbabago. I'll be back, Andree. Please wait for me.

-Brace.

Noong una, nagtampo talaga ako sa kanya kasi hindi niya sinabi sakin na siya yung nagnakaw ng first kiss ko.

Lutang na lutang ako nun. Iniisip ko pa, paano na lang kami ni Brace? Gusto ko pa naman siya yung magiging first kiss ko. Tapos siya naman pala ang nagnakaw. Aish! Muntik na akong mabaliw dun!

Tinago ko sa drawer ko yung letter ni Brace. Hinding-hindi ko kakayanin 'pag nawala yun sakin. Hahaha. OA ko nuh? But I'm telling the truth.

Hays. Kailan kaya kami magkikita ulit?

----------------------

Epilogue next. Mas mabuti nang matapos ko 'to bago ang sunod-sunod na test namin. I hope subaybayin niyo pa rin ang iba kong story!

—❤️

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon