C H A P T E R 6: Heartbeat

148 5 3
                                    

ANDREE

Naglalakad ako ngayon pauwi kasama si Janna. Wala kaming imik dahil parehas kaming may nakasaksak na earphones sa tenga.

"AAAARGH! LEAVE ME ALONE!"

Napatigil kami nang bigla naming narinig ang isang malakas na sigaw.

Nagtinginan kami ni Janna at sabay na tinanggal ang nakasaksak na earphones na tenga.

"Sino yun?" Tanong niya. Kumibit-balikat lang ako. Hello! Magkasabay kaya kami neto!

Napatingin kami sa lalakeng biglang lumabas ng gate ng isang napakalaking bahay.

Wait a minute.

"Si Brace mo yun, diba?" Tanong ni Janna.

Binatukan ko naman siya agad. "Hindi siya sakin, okay? 'Wag mo nga akong ipagpilitan sa kanya. Psh."

Hindi ako ang nagmamay-ari sa kanya nuh. Malay natin, may nagpapatibok na ng puso niya! Siya yung totoong nagmamay-ari sa lalakeng yan.

Nakita ko siyang ngumuso. "Sus. If I know..." I just rolled my eyes.

"Ano na? Sundin natin?" Tanong ko. Mukhang may problema si Brace eh. Hindi naman kasi yun ganun. Parati yung nakangiti at hinding-hindi mo makikita na nakasimangot o malungkot. Pero ngayon... Ramdam mo yung galit niya.

"Sige." Sagot ni Janna.

Pero akmang maglalakad na kami para sundin si Brace, bigla naman naming narinig yung cellphone ni Janna na nagri-ring.

"Hello?"

"Huh? Ngayon na?"

"Hmm... Sige na, sige na. Papunta na."

Pagkatapos ay binaba na niya ang phone. Tapos tumingin siya sakin ng malungkot.

"Ano?" Tanong ko. Mukhang iiyak na kasi eh.

"Hindi ako makakasama! Tinawagan ako ni Mama at may ime-meet raw kami ngayon!" Sabi niya.

Napabuntong-hininga ako. "Then, 'wag na lang sundin si Brace." Sabi ko. Ayokong mag-isa noh. Baka pagkamalahan pa akong stalker.

"Noooo! Sundin mo pa rin siya dahil alam naman nating kailangan niya ng taong iintindi sa kanya ngayon!"

I sighed again. Oo nga nuh. "Oo na, oo na. Susundin ko na. Mag-ingat ka pauwi ah." Sabi ko.

"Yey! Thank youuu!" Tapos bineso niya ako at tumakbo paalis.

Ako naman, sikretong sinundan si Brace Henry Arquiza.

--

Nakasandal ako sa puno habang si Brace naman eh, nakaupo sa bench sa may park na kaharap lang nitong puno.

"Shit. I need to calm myself..." Rinig kong sabi niya sa sarili.

Mukhang malaki ang problema ng lalaleng 'to ah.

Umalis ako sa pagkakasandal ko at hinarap siya. "Hi, Brace." Bati ko sa kanya.

Napatalon naman siya sa gulat. "God! Ikaw lang pala yan, Andree!"

Natawa naman ako. Ang cute kasi niya eh!

"May problema ka ba?" Pasimple kong tanong.

Umiwas siya ng tigin. "Huh? W-Wala."

'Huh! Lokohin mo pusa niyo!'

"Weh? 'Wag mo nang itago. Halata na sayo eh." Sabi ko.

Bumuntong-hininga siya at pagkatapos ay tinignan ako ng seryoso. Wow. Ngayon ko lang nakita ang expression niyang yan ah! "Are you sure?" Tanong niya.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon