Chapter 12: Band-aid

119 4 1
                                        

ANDREE

"Okay, students. In this camp, I want you all to be responsible..." Nakikinig kaming lahat sa sinasabi ng teacher namin. Gabi na at madilim. Pero may ginawa naman kaming malaking apoy para magsisilbing ilaw naming lahat.

"And dito sa camp na 'to, kayo mismo ang magluluto ng mga pagkain niyo. Alam kong karamihan sa inyo is lumaki sa mayamang pamilya. But it doesn't mean na chill na lang kayo. Hindi kayo makakakain hangga't hindi kayo magluluto. Understand?"

"Yes, Ma'am!" Sagot naming lahat.

Patay tayo neto. Hindi pa naman ako marunong magluto. Uwaaaaah! Paano na yaaaaan?!

"Ma'am, anong gagamitin namin to cook? Wala po ni isa sa amin ang may dala ng equipment para sa pagluluto." Tanong ng isang estudyante na sa tingin ko ay third year.

"Merong posporo at kahoy." Nakangiting sagot ni Ma'am.

HUWAAAAAAAAT?!

--

"Hoy kayo! Pwede ba, makisabay naman kayo?! Kanina pa namin kayo sinisindihan ah!" Sabi ni Angelique habang tinuturo-turo pa yung kahoy at posporo na nasa harap namin.

Para siyang ewan.

"Namaaaan! Paano ba 'to?! Kanina pa natin ginagawa 'to pero hindi umaapoy!" Sabi ni Shane at napaupo na. Haaaay! Gutom na talaga kami!

"Huy, anong problema niyo dyan?" Napatingin kami sa nagsalita.

Si Grae! Tapos may hawak siyang plato ng pagkain. Uwaaaaaaah! Buti pa sila, tapos na magluto!

"Kanina pa kami dito, ayaw umapoy nung kahoy." Sagot ni Janna habang nakasimangot.

Biglang natawa si Grae. "Pfft. Sandali lang, girls. Tatawagin ko lang sina Brace." Sabi niya at naglakad papunta sa kung saan yung tent nila.

Umupo lang kami sa tabi at hinintay sina Grae na dumating. Maya-maya lang, nakita namin sila na naglalakad papunta dito.

"Hindi pa daw kayo kumakain?" Bungad na tanong ni Brace.

"Oo. Kanina pa kami dito." Sagot ni Angelique.

"Don't worry. Kami nang bahala sa inyo."

Kinuha nila yung kahoy at yung posporo. Maya-maya lang, nagawa nila yung kanina pa naming hindi magawa.

"Uwaah! Salamat sa inyo! Sa wakas, makakakain na kami!" Masayang sabi ni Janna.

Pasimple kong tinignan si Nash. Awtsu! Nakangiti siya oh. Hahaha. Isa pa ring misteryo samin ang nangyari sa kanila ni Janna. Haaay!

"Sige, aalis na kami. Aayusin pa namin yung hihigaan namin eh." Paalam ni Joaquin.

"Salamat ulit!"

Bago pa sila makaalis, tinawag ko ang pangalan ni Brace. "Brace, sandali!"

Tumigil silang lima at tumingin sakin. Ang dami naman nilang Brace. Haha.

"Hmm? Bakit?" Takang tanong niya.

"Halika." Sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sakin. Tumingin ako dun sa apat. "Mauna na kayo." Sabi ko. Ngumiti sila ng parang ewan tapos umalis na.

"Girls, sandali lang. May ibibigay lang ako kay Brace." Hinawakan ko si Brace sa braso niya at hinila siya sa loob ng tent.

Uwaaaaaah! Nahawakan ko yung braso niyaaaa~

"Ano ba yung ibibigay mo sakin, Andree?" Takang tanong ni Brace.

Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso sa bag ko. May kinuha ako dun at ibinigay ko sa kanya.

"Band-aid?"

Tumango ako. "May sugat ka sa pointer finger mo, diba? Kaya ayan, band-aid." Sabi ko.

"Oh, thank you dito. Napansin mo pala yung sugat ko." Sabi niya habang nakangiti.

"Napansin ko yan kanina."

Lumabas kami ng tent at nagpaalam na siya. Kumuha na ako ng plato at umupo sa tabi ni Janna.

"Ano yung binigay mo kay Brace?" Tanong ni Janna.

"Band-aid. May sugat kasi siya." Sagot ko.

Ngingiti-ngiti akong tinignan ni Janna. "Janna, alam ko yang tingin na yan ah." Sabi ko sa kanya.

"Ano feeling?" Tanong niya habang nakangiti pa rin.

Umiwas ako ng tingin. "Wala."

BRACE

"Dude, tama na yan. Matulog ka na." Natatawang sabi ni Nash sakin.

Kanina pa kasi ako nakatingin sa band-aid na bigay sakin ni Andree. First time akong bigyan ng babae ng ganito. Tapos kay Andree pa galing.

"Tumahimik ka nga, Nash. Alam mo namang first time niya yan." Natatawa ring sabi ni Grae.

"Matulog na nga kayong dalawa. May activity pa tayo bukas." Sabi ko sa kanila at tinapunan sila ng unan.

"Hahaha! Ikaw rin, matulog ka na." Natawa na lang ako kay Grae. Walang hiya talaga 'tong lalakeng 'to.

---

Chapter 12 done! Next chapter is their activity! Ehe ehe ehe. Ano kayang mangyayari sa AndRace?

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon