Chapter 32

57 1 0
                                    

•A N D R E E•

"I'll call you later, bye."

Binaba na ni Brace yung phone niya at tumingin sa malayo ng ilang segundo bago ako tinignan.

"Sorry about that," sabi niya na ikinatawa ko.

"Bakit ka nagso-sorry? What's wrong about that?" Tanong ko.

"Oh, yeah. Sorry," sabi niya.

Tumahimik kami ng ilang segundo. Napansin kong panay ang tingin niya sa relo niya. What? Inip na siya dahil gusto na niyang tawagan si Mami niya? Psh. Then, go. Ba't nagpapapigil siya? Damn it.

Ilang minuto rin ang lumipas na tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsalita. Hanggang sa...

"Happy New Year, Andree."

Agad akong napatingin sa kanya. Bago siya bumati, tumingin muna siya sa relo niya! Don't tell me, naghihintay na siya mag-12 am para batiin ako ng happy new year at hindi naman pala hinihintay yung tawag nung Mami!

Babati rin sana ako nang bigla kong naramdaman na may umakbay sakin. Pagtingin ko, si Ritsu.

"Happy New Year, AC."

Ngumiti ako. Bumati rin si Sattori. Si Janna, Shane, Angelique, Nash, John, Joaquin at Grae. Of course, bumati ako pabalik.

Pagkatapos nun, hindi namin nakasabay sa pag-uwi si Brace. Ang sabi ni Joaquin, may kailangan daw gawin si Brace kaya hindi siya makakasama. Ano naman kaya yun? Konektado ba sa Mami na yun?

---

"Wala pa rin si Brace?" Tanong ko pagkagising na pagkagising ko.

Kaninang 5 am kami natulog. 9 am sila nagising habang ako 12 pm na. Napasarap ang tulog ko e!

Dun ko na napansin na kulang kami ng isa. Wala pa si Brace.

"Wala pa rin e," sagot ni Janna.

"Ay, ay. Ano yan, huh? Ngayon hinahanap-hanap si Brace. May nangyari ba kahapon?" Nakangiting tukso sakin ni Shane.

Napakamot ako ng ulo. "Wala namang nangyari kahapon e. Nag-usap lang kami. Ang oa niyo!" Sabi ko.

"Oy, bakit kami napasok dyan? Si Shane lang tumutukso sayo a. Nananahimik na nga kami rito e," sabi pa ni John.

Namula ako. Oo nga pala! Inirapan ko na lang silang lahat. Maliligo na lang ako!

---

"Uy, brad. Saan ka galing? Ba't ngayon ka lang?" Rinig kong tanong ni Nash kay Brace.

10 pm na at kauuwi lang ni Brace. Saan ba talaga siya nanggaling?

"Hindi ako pinaalis agad ni Mami pagdating ko sa bahay nila e," rinig kong sabi ni Brace.

Para akong tanga dito na nakikinig sa kanila. Tulog na silang lahat e.

"Kanina ka pa nila hinahanap samin," sabi ni John.

"Oo nga. Lalong-lalo na si AC," sabi naman ni Grae.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon