Chapter 8: One Camp

109 6 0
                                        

BRACE

May gaganaping camp ang school ngayon. I think, it's Science Camp.

Gaganapin ito sa isang gubat. Marami naman kaming kasamang teachers kaya pinayagan ang karamihan.

4:25 am palang, nasa school na kaming lima. Marami-rami na din ang mga estudyante dahil pagsapit ng 4:30 ay aalis na kami ng campus.

"Dude, baka mabalian ka ng leeg. Kanina ka pa mukhang may hinahanap ah." Sabi ni Grae.

"Hay nako, Grae! Kahit kailan ka talaga. Syempre, sino pa ba ang hahanapin niya? Edi ang nag-iisang si Andree Camille Bonifacio!" Sabi naman ni Joaquin.

Binatukan ko naman silang dalawa. Ang daldal! Baka may makarinig sa mga sinasabi nila eh! "Tumahimik nga kayo." Sabi ko. Ngumuso si Grae habang hawak-hawak yung parte ng ulo niya na binatukan ko. Habang natawa lang si Joaquin.

Pero totoo naman.

Totoo namang hinahanap ko si Andree. Malapit na kasi yung time, hindi ko pa siya nakikita.

Siya pa naman yung dahilan kung bakit sumama ako sa camp na 'to.

Pero nung paglingon ko...

"Hahaha! Ano ba, Janna! Ang epic nun!"

Nakita ko kaagad siya. Nakita ko kaagad ang napakagandang ngiti na magpapangiti sakin buong araw.

Napatingin siya sakin at ngumiti. "Oh, nandun pala sila Brace!" Tapos tinuro niya ako. Oo. AKO yung tinuro niya.

Lumapit sila samin habang nakangiti ako na parang tanga habang nakikita siyang lumalapit.

"Good morning!" Masigla niyang bati.

At itong apat kong kasama eh, nag-unahan sa harap ni AC. Mga 'to! Iniwan ako dito!

"Good morning, AC!"-Grae.

"Morning."-John.

"Good morning!"-Nash.

"Hi. Good morning."-Joaquin.

Tapos tumingin silang lahat sakin.

Agad akong ngumiti at bumati rin. "Hi, good morning, Janna and AC." Luh? Nauna ang pangalan ni Janna! Pero okay lang. Wala naman siguro para sa kanya yun! Hahaha.

"Yo! Good morning."-Janna.

"Morning." Shit. Nahihilo ako! Joke. Hahaha.

Tapos bigla na lang...

"AC! Janna!" Napalingon kaming lahat sa tumawag kina Andree at Janna.

Wait. Si Shane?!

"Uy, Shane! Good morning." So, magkakilala pala sila? Mukhang close na close na sila ngayon ah.

Napatingin naman ako kay John. Baka na-collapse na nang makita si Shane. Hahaha. Pagkatingin ko kay John, hindi maipinta ang mukha niya, nakasimangot at napaka-itim ng aura. Haluh? Anyare?

"Uy, girls! Samahan niyo muna ako sa bus! Ilagay na natin 'tong mga gamit natin." Biglang yaya ni Shane.

"Okay, sige. Ilalagay din naman namin 'tong bags namin." Sabi din ni Andree.

Pero...

Tumingin siya ULIT SAKIN tapos ngumiti. "Sige, ilalagay na muna namin itong bag sa bus. Sunod na lang  kayo maya tutal same bus lang ang sasakyan natin." Sabi niya.

Para akong tanga na tumango. What the hell? Ang bilis ng tibok ng puso ko! Gay pakinggan pero totoo! Shet lang.

Naglakad na sila paalis while ako, nakatingin lang sa kanila na umaalis.

Pero bigla akong inakbayan ni John. "Pansin mo, para tayong nilalayo ni Shane kay AC at Janna nuh?" Tanong ni John.

Tinignan ko siya ng nagtataka. "Huh? Hindi naman. Bakit mo naisip yan?" Tanong ko.

"Eh, everytime kasi na nag-uusap tayo, sumusulpot agad siya." Sagot niya.

Napapailing na lang ako. "Nasobrahan ka lang sa shabu, John." Natatawa kong sabi at tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin.

"Dude! Paano mo nalamang nagsha-shabu yang si John? Kami-kami lang nakakaalam nun ah!"-Nash.

"Huh? Huy, hindi ako nagsha-shabu noh! Mga gago kayo!" Natatawang sabi ni John at hinabol yung tatlo na nagtakbuhan na natatawa.

Mga loko talaga yung mga yun! Hahaha.

---

Chapter 8 done! Do vote and comment. Thanks♥

-jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon