C H A P T E R 2: Ring

197 9 8
                                        

Dedicate porr -- @shiro-kun28

ANDREE

Naglalakad kami ni Janna papuntang cafeteria ngayon.

Mukhang masaya ang bruha ah. Kahit wala siyang natanggap na comment sa corny niyang love letter.

May pa-hum-hum pa habang naglalakad. Ang weird niya talaga. Sino namang babae ang confident masyado pagkatapos magbigay ng love letter sa isang lalake? Haish.

"Janna, may nangyari ba sayo?" Nag-aalala kong tanong. Ang weird niya kasi talaga eh.

Tumingin siya sakin nang may malawak na ngiti sa labi na nagpataka pa sakin ng sobra. "Hmm? Wala ah. Ano ka ba." Sabi niya.

-_-

Okay. Sabi ko nga. Shut up na lang ako.

Pagdating namin sa cafeteria, bigla siyang tumakbo para um-order at iniwan ako dito na parang tanga na nakatayo.

Pero napatingin ako sa bagay na mukhang nahulog galing sa kamay niya.

Isang singsing.

Ngayon ko lang nakita ito na suot niya ah. Hindi naman siya mahilig sa mga ganito eh.

Kinuha ko ito at pinagmasdan. Ang tanong dito...

Kanino galing ang singsing na 'to?

Tinago ko na lang muna sa bulsa ng palda ko ang singsing. Ibibigay ko na lang sa kanya mamaya.

Akmang hahakbang na ako nang biglang may isang lalake na dumaan. At nabangga niya yung balikat ko. Hindi naman malakas kaya walang eskandalong mangyayari!

"Ah, sorry." Sabi niya.

"Ah no. Sorry di—" napatigil ako nang makita ang mukha ng lalakeng nabangga ko.

Nanlaki ang mata ko. Si Brace Arquiza na naman?!

Ngumiti siya. "Oh, ikaw yung babae kahapon ah." Sabi niya.

Para akong tanga na tumango lang. Oh my God! Second time na 'to ah! Hindi na 'to maganda. Waaaaah! "Ah, sige. Alis na 'ko." Sabi ko at akmang aalis na nang bigla niya akong hawakan sa braso ko na nagpatigil sakin.

"Wait," sabi niya sabay tingin sakin. "Pwede ka bang pumunta sa soccer field mamaya? Isama mo yung bestfriend mong nagbigay ng love letter kay Nash."

Kahit nagtataka ako, tumango na lang ako. Seryoso kasi yung mukha niya habang sinasabi yun.

--

Umupo kami sa pang-apat na table dito sa cafeteria. Kakatapos lang naming um-order ng pagkain.

"Ah, oo nga pala. Pumunta tayo sa soccer field mamaya ah." Sabi ko kay Janna.

"Hmm? Bakit naman tayo pupunta dun?" Tanong niya.

"Ah, pinapapunta kasi tayo ni Brace dun eh." Simple kong sagot.

"WHAT?! Nakausap mo na ang gwapong si Brace Henry Arquiza?!" Gulat niyang tanong.

"Huy, mahiya ka nga." Sabi ko sa kanya at pinaupo siya dahil napapatingin samin yung ibang mga estudyante.

"Eh? Talaga? Nakausap mo talaga siya? Seryoso ka?" Pabulong niyang tanong.

I rolled my eyes. "Oo nga. Ano namang big deal dun?"

"Anong big deal dun? Duh? Ikaw palang kaya yung babaeng nakausap niya. Hindi nga yan nakikipag-usap sa mga babae pwera sa kapatid at mga pinsan niyang babae!"

Nagulat ako dun. Weh? Talaga? Pero hindi naman talaga yung issue dito eh. Kaya wapakels ako.

"Pwede na nga yan. Ang pinagtataka ko, bakit tayo pinapapunta ni Brace dun?" Tanong ko. Oo nga. Kanina ko pa pinag-iisipan yan.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon