C H A P T E R 1: Letter

296 11 2
                                        

ANDREE

"AC! Hurry up! Male-late na tayo! Hindi ko na makikita ang face ng aking future husband!"

Tss. Kainis! Bakit kasi ang aga ng klase namin ngayon eh! Edi sana, hindi ako male-late ngayon!

At ito pang si Janna, nagmamadali! Ano namang pakialam ko kung hindi niya makikita yung future husband chu-chu na niya yan?!

"Sandali lang nga! Tsaka 'wag kang sigaw ng sigaw kung ayaw mong mag-landing itong sapatos ko sa mukha mo!" Sabi ko sa kanya habang nagsusuot ng sapatos. Hindi ko nga alam kung tama ba yung pagsuot ko ng medyas. Pakiramdam ko, baliktad eh. Pero hindi yan ang issue ngayon! MALE-LATE NA KAMIII!

"Sorry naman! Eh, sa gusto ko na talagang makita ang mukha ni Nash eh." I rolled my eyes kahit hindi naman niya nakikita dahil nasa labas siya ng pinto ng kwarto ko.

"Bahala ka na nga! Puro lovelife yang inaatupag mo. Aral muna bago landi!" Humarap ako sa salamin at dun ako nagsuklay ng buhok.

"Che! Bitter ka masyado. Bilisan mo na kasi!"

"Oo na!"

--

"WAAAAAAAAAH! Hindi na natin naabutan si Nash! Ikaw kasi eh, ang bagal-bagal mong gumalaw! Mas mabagal pa sa pagong!"

Napaupo na siya dahil sa pagod at dissapointment na nararamdaman. Aba! At sa pagong pa talaga ako kinumpara ah!

"Hayaan mo na. Hindi pa end of the world. May bukas pa." Hinihingal kong sabi.

"Ayokooooo! Gusto ko siyang makita ngayoooon!" Para siyang bata na mangiyak-ngiyak at nagdadabog.

I sighed. Ang OA-OA ng babaeng 'to! Sarap sapakin eh! "Tumigil ka nga. Baka hindi lang talaga kayo destined sa isa't-isa."

Tinignan niya ako ng masama. "Che! At sayo pa talaga nanggaling yun ah!" Sabi niya sabay tungo. "Balak ko pa naman sanang mag-confess ngayon."

Napasimangot ako. Oo na. Kasalanan ko na kung bakit hindi namin naabutan yung grupo ni Nash. Oo na! Tanggap ko na! Ako na yung mali!

Tumahimik kami sandali hanggang sa may isang ideya ang pumasok sa utak ko. "Ah!"

Napatalon naman siya dahil sa biglaan kong pagsigaw. "Ano ba, AC! Nanggugulat ka eh!" Sabi niya tapos pinalo ako ng malakas sa braso.

"Aray ko!" Reklamo ko sa kanya at hinimas-himas yung braso kong pinalo niya. Hmp! Namula tuloy! "Ano ba, makinig ka muna. May ideya ako kung paano ka magco-confess kay Nash Aguas."

Kumunot yung noo niya at tinaasan ako ng isang kilay. "Ano namang ideya yan? Siguraduhin mong matino yan ah."

Tumango ako. "Oo."

"Sige, ano ba yun?"

"Magsulat ka ng love letter."

--

"Sigurado ka bang ayos na 'to? Parang ang corny kasi." Sabi niya sakin pagkatapos naming magsulat ng love letter niya.

"Oo! Maayos na yan. Oh, here. I-spray mo para mabango!" Sabi ko naman at inabot sa kanya yung mabango niyang perfume na kinuha ko kani-kanila lang sa bag niya.

"Eh? Kailangan ba yan?" Kunot-noo niyang tanong. Ano ba yan! Imbes makinig na lang sakin eh!

"'Wag ka nang magtanong ng magtanong. Sundin mo na lang lahat ng sasabihin ko para iwas batok." Sabi ko at hinablot yung love letter sa kanya at ako na mismo ang naglagay ng perfume sa papel.

Nag-pout siya. "Oo na."

Actually, ngayon lang din ako nakagawa ng love letter kasama si Janna. Napapanood ko lang kasi yun sa mga dramas na pinapanood ko. Kinokopya ko lang. Mukhang maganda kasi eh.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon