Pj,
Kinabukasan nagpunta ako sa bahay nila heaven at pagkadoorbell ko pa lang sa gate nila hinarang na kaagad ako ng guard nila.
Teka may guard sila parang ngayon ko lang to nakita ah,
Kahapon wala pa siya ah.
Ah sir ano po kailangan niyo?
Nandyan po ba si heaven?
Ah si mam heaven po tulog pa po siya. Ano po ba kailangan niyo kay mam?
Gusto ko lang po sana siyang kausapin pwede po ba?
Naku pasensya na po kayo sir pero sabi po ni sir reggie di po ako pwede magpapasok ng wala pong pahintulot niya.
Sino naman yung reggie na yun? Kailangan ko lang po talagang kausapin si heaven kuya eh.
Sorry sir pero bawal po talaga.
Nakakainis na tong guard na to ah, at sino ba yung reggie na yun at ayaw niya akong papasukin.
Paano ko makakausap si heaven ayaw ko naman siyang tawagan baka maistorbo ko ang tulog niya.
Kuya eric sino ba yan?
Sir reggie gusto daw pong kausapin si mam heaven.
Ah sige kuya ako na kakausap balik ka na sa pwesto mo, salamat.
Ah siya pala yung asungot na reggie na yun lakas ng loob pagbawalan akong pumasok sino ba siya.
Ah ikaw pala, di ba ikaw yung naghatid kay baby girl kahapon?
Baby girl sino naman yun? Di kaya si heaven yun lakas ng loob niyang tawaging baby girl si heaven. Bakit sila ba?
Mukha namang mas matanda pa siya kay heaven ah.
Ah oo ako nga, nandyan ba siya? Kakausapin ko lang sana siya.
Natutulog pa siya.
Aba tingnan mo nga naman masama pa tingin niya sa akin tila kakain niya ako ng buhay ah, kala niya aatrasan ko siya mukha niya, mas gwapo ata ako sa kanya.
Ah baka naman pwedeng intayin ko na lang siya?
Hindi pwede umuwi ka na dahil di siya pwedeng magentertain ng bisita.
Bago pa ako umalma sa kanya may isang may edad na babae na lumabas sa bahay nila heaven, pero maganda siya kahawig niya si heaven.
Siguro siya ang mommy ni heaven. Kaya pala maganda si heaven may pinagmanahan pala.
Kuya sino yan?
Kuya? Tanong ko sa isip ko sino kaya yun baka yung guard.
Ma wala lang to isang epal na ayaw umalis.
Epal? Ako ba yun? Aba namumuro na siya sa akin ha.
Di ako epal ha, depensa ko sa lalaki dito sa harapan ko.
Ah mam hinahanap ko lang po si heaven nandyan po ba siya?
Oh eh napakagwapo pala ng batang to eh, KUYA! bisita pala ni heaven to eh, bat di mo papasukin ha.
Eh kasi ma!
Eh kasi ma ka pa dyan hala sige pasok sa loob at wag ka ng umalma pa.
Anak niya pala yun, ibig sabihin kapatid siya ni heaven.
Naku lagot! Napatampal na lang ako ng sa noo ko sa isip ko.
Naguumpisa pa lang ako sa panliligaw ko sablay na agad.
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...