Heaven,
My ghad heaven shaila park saan ka ba galing ha at ngayon ka lang ha!?
Bungad ni mama sa akin pagkabukas niya ng gate namen.
Ah, ma kasi!!!
Ano?
Mam maistorbo na kayo, ako po ang kasama ni ms. park kanina may pinatapos po kasi ako na project sa kanya kaya ngayon lang siya nakatulog din kasi siya.
At sino ka naman ha?
Ah, ma siya si ms....
Ms. Francisco po proffesor niya sa business management.
Ay sorry ms. Francisco, pasensya na kayo sa anak ko ha naabala pa kayo, pasok po kayo muna.
Tiningnan ko lang si ms. Savior ng sinabi niya iyon, siya proff ko?
Kelan pa?
Di ko matandaan, iba ang proff ko sa subject ko na yun eh, mwf kasi pasok ko dun.
Hala baka naman proff siya ni pj.
Naku wala po yun, ako pa nga dapat magpasensya dahil late na siya sa paguwi dahil sa pinagawa ko, kaya hinatid ko na lang siya.
Ay wag na po may dadaanan pa rin po kasi ako sa sunod na lang po mrs. Park.
Ay sige, salamat po sa paghatid sa anak ko ha!
Wala po yun, mauna na po ako.
Kaagad din siyang pumasok ng kotse niya at pinaandar ito.
Sa totoo lang naguguluhan ako eh siya proff ko?
Tsk! Tsk! Tsk!
Napapailing na lang talaga ako, pero salamat naman sa kanya at wala siyang binanggit sa mama ko sa nangyari.
Hoy heaven ano dyan ka na lang sa gate pumasok ka na!
Opo ma eto na po.
Sumunod na ako kay mama sa loob pero dumiretso na ako agad sa taas ng di nagpapaliwanag sa aking ina.
Pagkapasok ko sa kwarto agad kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at nilock.
Pagkaupo ko sa kama ko napatulala na lang ako bigla at di ko napansin na may luha na pa lang tumutulo sa mga pisngi ko.
Naiiyak na lang ako ng dahil sa mga bagay na nangyari sa akin ngayong araw, muntikan na akong marape buti na lang malakas ako at nakatakas agad salamat na rin at mabait ang tumulong sa akin.
Hanggang sa makatulog ako yun pa rin ang nasa isip ko.
KINABUKASAN.
Tok
Tok
Tok
Heaven anak gising na.
Anak si mama to pwede ka bang makausap?
Ang aga naman ata ni mama kumatok, bakit kaya?
Baka tatanungin niya nanaman ako about sa paguwi ko ng late kagabi, buti wala si kuya.
Saglit lang ma.
Tumayo na ako at lumapit sa pinto para pagbukasan si mama.
Dumungaw muna ako sa siwang na ginawa ko sa pintuan ko.
Bakit po ma?
Pwede ba akong pumasok?
Tumango na lang ako at nilakihan ang bukas ng pintuan ko.
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
Storie d'amoreMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...