Jade,
Nagpaalam si heaven sa akin na lalabas siya para magmall kahit wala naman ako magawa dahil alam ko bored na siya sa bahay, ang kulit nga eh ayaw pang magpasama sa mga bodyguard niya. Tsk!
Di na rin naman ako nakipagtalo sa kanya malapit lang naman na mall ang pupuntahan niya kaya pwede ko siyang daanan bago ako umuwi sa bahay.
Pagkatapos ng office hour nagdecide na akong umuwi dadaanan ko pa kasi si shaila ko, kaya lang kanina niya pa di sinasagot mga tawag ko at text kaya medyo nagaalala na rin ako sa kanya ngayon, di naman niya ugali ang di magreply sa mga text at calls ko eh, di kaya nasa bahay na siya teka nga at matawagan si manang.
Ring
Ring
Ring
Hello po mam jade bakit po kayo napatawag?
Bungad sa akin ni manang ng sagutin niya ang telepono sa bahay.
Ah, manang tatanong ko lang kung nanjan na si mam heaven niyo?
Naku mam jade wala pa po kanina pa nga po umalis eh, bakit po?
Ah wala po manang ah sige po text niyo na lang po ako o tawagan kung nanjan na siya ha!
Opo mam jade!
Pagkababa ni manang ng telepono saka ako napabuntong hininga. Kinakabahan kasi ako eh, kaya sumakay na ako agad ng elevator patungo sa parking area. Pagkalabas ko ng elevator dali - dali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito patungo sa mall kung saan malapit sa amen.
Pagkarating ko doon palinga - linga pa ako, pero naisip ko di ko siya mahahanap kung mano - mano lang kaya nagpunta ako agad sa security area ng mall at kinausap ang mga nakaassign sa cctv camera's, hinahanap kaagad nila si heaven di ako nakatingin dahil chinicheck ko ulit kung sasagot siya sa mga tawag ko pero hindi pa rin kaya bumaling na ako sa head security na nagchecheck ng mga kuha sa mall.
Nahanap niyo na po ba siya?
Sir may kahinahinala po na kuha dito at gusto po namen kumpirmahin na kung ito po ba ang girlfriend niyo?
Di ko na pinansin ang pagtawag nila sa akin ng sir dahil sanay naman na ako. Pero nagulat ako ng makita ang kuha na sinasabi nila. Isang babae na walang malay ang bitbit ng isang tao na nakahood at cap na hindi kita ang mukha palabas ng mall papunta sa parking lot. Pero di ako pwedeng magkamali dahil likod at katawan pa lang nung babae alam ko na si shaila ko yun. Shit! Nakidnap ang love ko kung sino ka mang hayop ka magbabayad ka pag may ginawa kang masama sa babaeng mahal ko sisiguraduhin ko di ka na sisikatan ng araw.
Siya yan ang girlfriend ko di ako pwedeng magkamali, pwede niyo po bang ireport ito sa pulis kalingan ko lang tawagan ang pamilya niya para mainform sila at pakirecord na ring plate number ng kotse na ginamit para matrace ng mga pulis.
![](https://img.wattpad.com/cover/77457351-288-k768921.jpg)
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...