ICE CREAM!

48 1 2
                                    

Jade,

Sa mga naririnig ko ngayon di ko alam na ganun kalaki ang galit ni shaila sa papa niya, di ko pa man nakikilala ang papa niya pero nakikita ko na kung sino siyang tao base sa pagtatalo ng magkapatid.

Pero di nila napansin na umiiyak na ang mama nila.

Gusto ko mang lapitan si tita ay di ko magawa dahil hawak ko si shaila. Nanginginig ng sobra ang kamay niya ng dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya.

Ate, Kuya tama na yan umiiyak na si mama oh! DI niyo ba nakikita na nasasaktan din siya sa mga nalaman niya ngayon ha?

Awat sa kanila ni jaycee.

Lahat kami natahimik ng dahil sa mga nangyayari.

Kanina lang ay ayos kaming lahat ngayon parang di ko na alam ang mahalga sa akin ngayon ay si shaila, di na siya kumibo magmula ng umupo siya ulit sa silya niya.

Mabuti pa magsiuwi na lang muna tayong lahat. Bukas na lang ulit naten ito pagusapan pare-pareho na tayong pagod sa ngayon.

Pagkasabi nun ng kuya nila shaila na si reggie ay sabay tayo nila shaila.

Sa condo ni jade muna ako tutuloy ngayong gabi. Tara na love!

Nagulat ako na bigla na lang tumalikod si shaila sa ameng lahat.

Sige na jade sundan mo na si heaven, sa ameng lahat siya ang pinakaapektado dahil mama's girl siya at sobra siyang nasaktan nung nakita niya kung paano magtaksil si papa kay mama noon sa harap pa niya mismo. Pagkasabi ni reggie nun ay tumayo na ako para sundan si shaila sa labas.

Pasensya na po kayo tita, reggie, chelsea, jaycee, kellie, anthony,kristel at eugene sa mga nangyari hayaan niyo po at ako ng bahala kay shaila, kakausapin ko po siya. Pupunta na lang po kami sa bahay niyo reggie bukas.

Sige itext mo na lang ako.

Sige po!

Pagkatapos kung magpaalam sa kanilang lahat ay pumunta na ako sa parking lot nitong restaurant, siguradong nagaantay na si shaila doon ngayon.

Pagkarating ko doon nakita ko si shaila na na umiiyak.

Love are you ok?

Can we go?

Sure! I just open this and were off!

Pagkabukas ko ng pinto ng kotse para sa kanya ay dali-dali naman akong lumipat sa kabila para buksan ang pinto ng driver seat. Agad kong inistart ang kotse ko at drinive ito pauwi sa condo ko.

Medyo malapit lang sa restaurant ang condo unit ko kaya mabilis kaming nakarating.

Pagkababa namen ni shaila ay pumasok din kami agad sa loob ng building kilala naman si shaila ng mga staff dito kaya di na sila nagtataka kung sino ang kasama ko. Nun unang beses kong isinama si shaila dito naitsismis kaagad nila na may dinala akong babae sa condo kaya umabot hanggang business world ang isyu na may kinalolokohan daw akong babae kaya di ako gaano nakakapunta sa mga business gathering na tungkol lang din sa business.

Pagkapasok namen ng elevator di pa rin umiimik si shaila at makikita mo na napakalungkot ng mga mata niya, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya, binigyan niya lamang ako ng isang matipid na ngiti.

Inuunawa ko na lamang siya dahil alam kong mabigat ang kaniyang pinagdadaanan sa ngayon.

Mahirap maipit sa pagitan nilang pamilya.

Pagkarating namen sa penthouse agad na lumabas si shaila at dahil magkahawak kami ng kamay ay medyo nahila niya ako ng slight lang naman.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng penthouse para makapasok si shaila sa loob, pagkabukas ko kaagad din siyang pumasok at dumiretso sa kusina ko.

LEARNING FROM THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon