FAMILY ISSUE (PART 2)

36 1 0
                                    

REGGIE,

Alam ko masakit para sa kanila na mapatawad at makita si papa dito pero ito lang ang tanging paraan para mapagamot ko si papa at rhian ayaw kong mawala sa kanya yung mga taong tumatanggap sa kanya kung ano siya ngayon alam ko nagbago na talaga siya at itong pagkakataon na lang ito ang inaantay niya para makausap niya kaming lahat.

Masakit din naman para sa akin na makita si mama na umiiyak dahil sa sakit na nalalaman niya ngayon pero ito na eh wala na akong magagawa pa.

Ito ang dessisyon ko at sa tingin ko maiintindihan din naman nila ako balang araw.

Maiisip nila na tama ang desisyon ko na ginawa, nagalit pa nga si Chelsea sa akin eh.

Pa anong mangyayari ngayon?

Tanong sa akin ng asawa kong si Chelsea, ano nga ba mangyayari ngayon?

Wala ni isa ang nagsasalita sa amin ngayon lahat kami nakupo sa sala ng bahay ko. Yung mga bata pinaakyat na namen sa taas para di na sila madamay sa mga isyu naming matatanda.

Kuya kelan mo pa nalaman ang tungkol sa sakit ni papa?

Tanong sa akin ni Eugene.

Matagal na rin mga dalawang taon na rin siguro nung aksidente kong nalaman ang tungkol sa sakit ni papa, nalaman ko yun nung minsan kaming magkita nung kaibigan ko na isang doctor na siya ring doctor ni papa ngayon, siya rin nagsuggest sa akin na dalhin siya dito para ipagamot at ipaopera. Inirefer niya kami sa kaibigan niya ring espesyalista dito para sa condisyon ni papa pati na rin si rhian isinama ko na rin para maipachemo dito.

Paliwanag ko sa kanilang lahat.

Pero kuya bakit mo nilihim sa amen to wala ka bang tiwala sa amen na mga kaptid mo lalo na kay mama bakit di mo sinabi ganun na ba kaliit ang tiwala mo sa amen na hindi namen maiintindihan pag sinabi mo ha? At kailangan pa talaga umabot sa punto na magaaway- away tayo ng ganito?

Mahinahon pero may diin at galit na tanong sa akin ni heaven.

Hindi naman sa ganun princess kaya lang gusto ko rin naman na maintindihan niyo ang sitwasyon na kailangan na ni papa na magamot kaya mas inuna ko ang kapakanan niya kesa unahin na sabihin sa inyo at iyon ang malaking pagkakamali ko dahil hindi ko naisip ang mararamdaman niyo pag nalaman niyo na lang ng biglaan.

Paliwanag ko sa kanila, pakiramdam ko nasa interrogation room ako ng mga pulis sa gingawa ng mga kaptid ko sa akin.

Ma wala ka man lang ba sasabihin kay kuya o sa amin?

Tanong ni jaycee sa mama namen na tahimik lang sa isang tabi at nakatingin sa amen, nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at masakit yun para sa akin dahil ngayon lang nalungkot at nadismaya si mama ng husto sa akin at masakit ito sobra.

Ano ba sasabihin ko sa inyong lahat? Na masaya ako na buo tayo ng ganito pero malungkot ako dahil nagaaway-away naman kayo.

Masakit para sa akin na maglihim ka reggie dahil umaasa ako na ikaw na panganay ang mangangalaga sa amen at hindi magsisinungaling sa amen pero ikaw pa talaga ang gumawa ng ganito sa pamilya naten.

Matagal ko ng alam na tinutulungan mo ang papa mo at hinihintay ko lang na sabihin mo pero kahit kaylan hindi mo sinubukan.

LEARNING FROM THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon