HEAVEN,
Pagkapasok namen sa bahay ni kuya lahat magulo, lahat nagsisigawan ano to, hindi ko sila maintindihan, si mama umiiyak sa sofa, kasama si Eugene at hinahagod ang likod niya. Si kristel naman ay nakatulala lang sa isang tabi, si jaycee at Anthony naman ay nakikipagsagutan kay kuya reggie samantalang si ate Chelsea naman ay nasa likod niya umiiyak na rin. Pero ang isang tao na hindi ko inaasahan na makikita ko dito ay ang taong hindi ko gusting Makita sa ngayon. Bakit ngayon pa ano ba kasing nangyayari dito?
At dahil hindi ko na kaya ang kuryusidad ko ay sumabat na ako sa kanila dahil ni isa walang nakapansin na nandito na kami ni jade sa labas ng pintuan.
Anong nangyayari dito at bakit nandito ang taong yan? Sinong nagimbita sa kanya dito baka naman may gustong magpaliwanang sa akin ng nangyayari para naman hindi kami mukhang tanga dito na nakatanga pwede?
Nagulat ko ata sila dahil lahat sila ngayon ay nakatingin sa amen.
Heaven tatay pa rin naten siya kaya irespeto mo siya.
Kuya ang punto ko lang naman bakit siya nandito?
Bahay ko pa rin to heaven kaya may karapatan ako kung sino ang papapuntahin at papatirahin ko dito at desisyon ko na dito siya tumuloy.
Kuya alam ko na bahay mo to pero dito ako nakatira at karapatan ko rin naman na malaman kung sino ang mga tao dito at karapatan ko rin naman na wag sumangayon sayo hindi dahil matanda ka at kuya kita pero tao pa rin ako may damdamin at alam mo naman na ayaw ko sa taong yan di ba. At saka ano ba ang nangyayari ditto ha kuya bakit umiiyak si mama bakit kayo nagtatalo ni Anthony at jaycee ha kuya? Bakit?
Nanginginig ako sag alit habang sumisigaw sa kuya ko alam ko na parang wala na akong respeto sa kanya pero alam ko na may punto pa rin ako.
Ate heaven alam mo ba na may kasama yang tao na yan na pumunta dito hindi lang siya ang nandito.
Nabaling ang paningin ko kay jaycee ng bigla itong magsalita.
Bakit jaycee sino pa ang kasama ng tatay kuno naten na yan ha?
Tanong ko sa kanya, habang binalingan ko ng masamang tingin ang ama ko.
Babae niya lang naman ate at hindi lang yan kasama niya pa yung anak niya sa labas daw kuno at nagpunta sila dito para humingi ng tulong dahil may sakit daw ang anak niya at tayo lang daw malalpitan nila.
Nagulat ako sa sinabi niya bakit? Yan ang bagong tanong na namumuo ngayon sa utak ko. Bakit sa dami ata ng bakit hindi ko na alam kung ano at sino ang sasagot ng mga tanong ko na yan.
At isa pa ate kasama pala yan ni kuya na pumunta dito ni hindi nga alam ni ate Chelsea na kasama pala yang mga tao nay an nsa plane na sinakyan nila naghiwalay kasi kami ng flight kaya pala dahil kasama niya pala sila.
So kuya bakit nga? Bakit mo sila dinala dito ha para saan?
Ano? Sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko na alam kung bakit ganito ang nangyayari ngayon sa pamilya ko.
Kuya wala ka bang paki alam sa nararamdaman ni mama bakit mo tinutulungan yang mga tao nay an ha? Bakit kuya sagutin mo naman kami oh.
Wag niyo sisihin ang kuya niyo kasalan ko to, kung magkakagulo lang din naman kaya ng dahil sa akin, sa amen aalis na lang kami para sa ikakatahimik niyo.
Pa no! Hindi ka pwedeng umalis may sakit ka kaya kita dinala dito para ipatingin sa magaling na doctor dito at pati na rin si rhian kaya hindi kayo aalis at isa pa wala kayong pamasahe pa saan kayo titira sa kalye, hindi ako papaya. Narinig niyo hindi aalis sila papa dito.
Kuya magpaliwanag ka naman muna bago ka magdesisyon magisa dito dahil hindi lang ikaw ang masusunod dito dapat lahat tayo lalo na si mama.
Napupuno na ako sa kuya kong to ni wala kaming makuha na sagot sa kanya mula pa kanina puro na lang kami bakit kuya, bakit kuya.
Ako na magpapaliwanag, may sakit ako at malala na daw ito sabi nung doctor na tumingin sa akin sa pilipinas kaya dinala kami dito ni reggie para humingi daw ng second opinion. At pati si rhian na anak ko papatingnan na rin namen dahil sa may sakit sa dugo at nagaalala ako na baka may leukaemia ang anak ko ang kapatid niyo na si rhian, wala naman talaga kaming balak na sumama kay reggie kaya lang wala na talaga kaming choice kundi isalba ang buhay namen magama.
Kuya anong sakit niya?
Tinanong ko si kuya dahil hindi ako naniniwala na may sakit talaga ang taong yun.
Totoo ang sinasabi ni papa, may sakit siya sa puso at kailangan niya maoperahan para mas humaba pa ang buhay niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni kuya bakit? Bakit siya pa, marami pa akong bagay na hindi nasasabi sa kanya kahit siya mismo hindi pa humihingi ng tawad sa amen kahit yun man lang sana.
Alam ko mga anak marami akong pagkukulang sa inyo at hindi ko na maiibalik pa ang panahon na nasayang at nawala ko dahil kahit anong gawin ako pa rin ang mali, nagkasala ako sa inyo at ngayon nga ay humihingi na ako ng tawad sa inyo lalo na sa iyo gie alam ko marami akong pasakit na naibigay sayo at alam ko rin na walang kapatawaran ang mga kasalanan ko sa inyo, sa iyo, pero ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad dahil magiging pabigat na naman sa inyo. Ayaw ko man pero eto na to eh, wala na akong magagawa kung hindi ang humingi sa inyo ng pangalawang pagkakataon. Sana naman ay pagbigyan niyo ako na bumawi sa inyo sa mga kasalanan ko, mahal ko kayong mga anak ko kahit na hindi ako madalas nandyan para sa inyo pero lagi pa rin akong naksuporta sa mga nais at gusto niyo.
Alam ko hindi ko mapapantayan ang paghihirap ng mama niyo sa inyo pero ito lang ang alam ko ang hingiin ang kapatawaran niyo.
***raen***
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomansMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...