STALKER (part 2)

38 1 0
                                    

Heaven,

Matapos nameng kumain ni jade nagaayos muna kami ng pinagkainan namen bago niya inayos ang mga gamit niya.

Pagkalabas namen sa opisina niya nakita namen na busy si secretary cruz kaya lumapit ako sa kanya at kinalabit siya.

Secretary cruz!

Ma'am heaven, ma'am jade ano pong maipaglilingkod ko sa inyo ? Aalis po kayo ma'am jade?

Oo may date kami ni heaven ngayon, pakiclear lahat ng sched ko after ng free time ko, lahat ha.

Opo ma'am jade kaya lang po may tumawag po na cliente ngayon lang po gusto daw pong makipameeting regarding daw po sa isang item na gusto nilang bilhin mula po sa aten.

Pakitawagan na iresched na lang nila kamo at busy ako ok. After mong matapos dyan pwede ka na ring umuwi for today.

Talaga po ma'am jade?

Tumango lang kami pareho ni jade sa kanya at saka kami magkahawak kamay na umalis sa table niya.

Love di ba importante yung cliente na tumawag ngayon lang?

Ayos lang yun love mas importante ka kesa doon okay! Minsan na nga lang ako dalawin at ayain ng soon to be wife ko tatanggihan ko pa.

Ikaw talaga!

Aray ha!

Pinalo ko kasi siya sa braso niya, napalakas ata.

Sorry love! Masakit ba sorry!

Oo masakit kaya ngayon kiss mo ako nasaktan ako eh.

Naku yang mga palusot mo jade ha! Umayos ka nga!

Naglalambing lang naman eh!

Bulong niya pero dinig ko naman kaya napangiti na lang ako sa kanya.

Nakasakay kasi kami sa elevator at pababa na kami sa ground floor kung saan ang parking lot. Nahihiya kasi ako baka may pumasok na empleyado kaya ayaw ko siyang pagbigyan.

Itong isa naman na to na nasa tabi humahaba nanaman ang nguso at di ako pinapansin.

Hanggang makalabas kami sa elevator di niya pa din ako pinapansin.

Love

Inisnob ba naman ako ng tawagin ko. Naku talaga pag si jade tinopak.

Kaya ang ginawa ko kinuha ko cellphone ko at tatawagan ko ang driver namen para ibalik kotse ko. Pinakuha ko kasi kanina kasi kotse ni jade ang gagamitin namen.

LEARNING FROM THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon