Jade,
Mula ng nangyari yung sa ecopark di na napakali si heaven, sobra siyang natakot. At mula din non inalam ko na kung sino ang sumusunod sa kanya. Di lang siya basta stalker dahil sa tingin ko masama siyang tao.
Naghire pa ko ng pinakamagaling na investigator para lang malaman kung sino ang hayop na yun.
Tinakot niya ng sobra si shaila ko at yun ang di ko mapapatawad. Sa sunod pa na linggo kami nakatakdang magkita nung hinire ko kaya ang pinakasafe na ginagawa ko ngayon ay ihatid at sunduin si shaila sa trabaho niya. Naghire din ako ng bodyguard para sa aming dalawa. Di man ako sanay kaya lang kilala din ako sa buong mundo at isa sa pinakamayaman na business tycoon sa asia kaya nagaalala ako na baka kaya minamanman si shaila ay dahil sa akin. Dahil gusto nilang gumanti sa akin.
Makalipas ang isang linggo
Nandito ako ngayon sa opisina ko at nakatanaw sa tanawin sa ibaba. Inaantay ko ang hinire ko na imbestigador na dumating dahil ngayon ang usapan namen.
Gustong-gusto ko ng malaman kung sino ang walanghiya na yun. Never niya akong sinundan pero ilang beses pa rin siyang nagpakita kay shaila nung nakaraan nagagawa niya pa ring lusutan ang mga bodyguard ni shaila kaya ang love ko isang linggo ng nasa bahay at nagkukulong ayaw lumabas.
Nagaalala na ako sa kanya kaya gusto ko na rin malaman kung sino talaga ang hayop na stalker na yun bago pa siya gumawa ng ibang hakbang para makalapit sa shaila ko.
Sobra akong nanggigigil pag naiisip ko ang hayop na gumagawa nito sa mahal ko.
Ma'am jade nandito na po si inspector corpuz.
Sige papasukin mo na siya.
Bago isara ni secretary cruz ang pinto ay pumasok na si inspector corpuz.
Maupo ka inspector.
Salamat po ma'am jade!
Ano na nangyari sa pinapahanap ko sayo?
Actually ma'am jade nahanap ko na siya yun nga lang po.
Ano yun?
Ang sabi niya inutusan lamang siya ng kung sino para sundan si ms. Park.
Sino daw? Umamin ba siya?
Ayaw niya pong sabihin kung sino pero yun po ang inaalam ko ngayon.
Sige gawin mo lahat ng paraan para magsalita ang hayop na yun.
Opo ma'am.
Sige makakaalis ka na ipapadala ko na lang sa account mo ang ikalawang bayad ko sayo at ang karagdagan ay asahan mo pag napagsalita mo ang hayop na yun.
Makakaasa po kayo ma'am.
At isa pa pala alamin mo kung sino ang nagutos sa kanya lahat-lahat ng impormasyon na kailangan ko, maliwanag ba.
Opo ma'am, sige po aalis na po ako.
Tinanguan ko na lamang siya at pabagsak na umupo sa upuan ko.
Kung akala niya maiisahan niya ako nagkakamali siya. Gagawin ko lahat maprotektahan lang ang mahal ko.
Heaven,
Isang linggo na ako dito sa bahay dahil sa takot ko doon sa sumusunod sa akin. Kaya lang sa loob ng isang linggo napagisip ko na nabobore na ako at napapagod na ako tumakas sa taong yun. Kaya ngayong araw ay lalabas ako nagtext na ako kay jade na mamasyal lang ako kahit sa mall lang sana at ayaw ko sanang may kasamang bodyguard.
Nung una ayaw niyang pumayag pero alam niyo na makulit kasi ako kaya napapayag ko rin siya. Di rin naman ako magtatagal bibili lang ako ng mga bagay na magpapagaan ng loob ko which is my collection of hello kitty at teddy bears. Pati na rin mga libro na maaari kong basahin.
At eto na nga ako nagmamaneho ng kotse ko papuntang mall dito lang naman sa malapit.
Pagkarating ko sa mall umikot muna ako at naghanap ng mapaparkan ko. Ng makahanap na ako ng parking space ko at nakapagpark ng maayos tsaka ko bumaba ng kotse ko at naglakad papasok sa loob ng mall.
Pagkapasok ko naghanap kaagad ako ng national para sa mga libro na gusto ko. Ng mahanap ko na ang national, naghanap kaagad ako ng interesting book at nilalagay ko na sa basket na dala ko.
Marami na akong nakuha kaya sa tingin ko ok na to. Madami akong nakuha, mga english novels, pocketbooks, at iba pa.
Pagkatapos kong magbayad at mabalot lahat nakaramdam ako ng gutom at parang gusto ko ng fastfood ngayon kaya naghanap ako ng masarap na makakainan na fastfood at napunta ako sa greenwich. Umorder ako ng bakemack at pizza nila at chicken.
Pagkakain ko naghanap naman ako ng mga bears. May nakita akong magandang bear na cute kaya nilapitan ko ito at hinawakan ng tatawagin ko na ang sales lady may bigla na lang humawak sa kamay ko at napatingin ako sa taong yun.
Ikaw!
***raen***
![](https://img.wattpad.com/cover/77457351-288-k768921.jpg)
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...