STALKER

28 1 0
                                    

Heaven,

Isang taon na ang nakalipas  magmula ng umuwi ako dito sa pilipinas.

Oo isang taon na nga, nandito na rin si jade isang buwan mula ng dumating ako dito saka siya sumunod sa akin. Tinotoo niya ang sinabi niya na isang buwan lang susunod siya sa akin.

Si jenny nakapanganak na siya at malapit na ang binyag ng anak niya gusto niya dito sa pilipinas binyagan ang anak niya yun din ang gusto ng magulang niya kaya si zayn walang palag, hahahahaha! Buti nga sa kanya.

Sa ngayon di na ako nakatira kela mama nagbukod na kami ni jade ng tirahan, nakatira kami sa bahay niya na minana niya sa magulang niya dahil nagiisa naman siyang anak. Napakalaki ng bahay nila mas malaki pa sa bahay namen tila palasyo ang bahay nila at take note dalawa lang kaming nakatira doon. Ang mga katulong sa umaga lang nagpupunta sa gabi ay kami na lang dalawa, sanay naman kami na gumawa ng gawaing bahay eh.

Sa loob ng isang taon ko dito sa pilipinas maraming nagbago si Kristel may boyfriend na si anthony graduate na si eugene hay naku sakit sa ulo namen ni kuya at ni mama ang batang yun.

Di kasi nagaaral laging nawawala.

Ako naman eto busy sa pagpapatakbo ng business ko. Lumalago na nga ang restaurant ko ngayon meron na akong tatlong branch sa bulacan, batanggas at bicol, magbubukas pa ako ng dalawa pa sa cebu at davao naman.

Sa lakas ng business ko di ko na gaano namamalayan na di na pala kami halos nagkikita ni jade ng madalas kahit nasa isang bahay lang kami sa gabi paguwi ko nakakatulog na agad ako di ko na namamalayan na dumating na si jade sa umaga naman mas maaga siyang umaalis sa akin, pero ipinaghahanda niya muna ako ng almusal bago umalis. Di na nga kami lumalabas eh, sobra ko na siyang namimiss kahit na magkasama kami sa gabi at magkayakap.

Kaya nagdecide ako na ngayong araw hindi ako papasok at ipaghahanda ko siya ng lunch at pupunta ako sa company niya.

Matapos kung magluto since nandito naman sila manang sinabihan ko na sila na ibalot ang niluto ko at maliligo lang ako at magpapalit.

Pagkatapos kung magayos syempre dapat maganda ako sa paningin niya kaya todo effort ako.

Bumababa na ako at kinuha na ang pinaayos ko kela manang na niluto ko.

Manang aalis na po ako kayo na po muna bahala dito sa bahay ah, itext niyo na lang ako paguuwi na po kayo ha!

Opo ma'am, ingat po kayo.

Bilin ko kela manang saka ako umalis at lumabas dala ang pack lunch namen ni love ko at susi ng kotse ko.

Pagkalabas ko ng kotse tila may napansin ako na isang kulay asul na kotse na nakaparada di kalayuan dito sa bahay.

Kaya ko siya napansin ay alam ko naman na walang ganyang kotse dito sa malapit na kapitbahay dahil puro itim at puti ang mga kotse sa lugar namen sa amen lang naman ni jade ang may ibang kulay na kotse dito eh akin kasi violet kay jade naman pula at maroon. Dalawa ang gamit niyang kotse dahil yung maroon ay van namen pagumaalis kami kasama sila mama.

Di ko na gaanong binigyan ng pansin yung kotse na nakita ko baka kasi bagong lipat lang ang may ari di ba.

Pinaandar ko na ang kotse ko at nagumpisa na akong magbyahe papuntang opisina ni jade my love ko. Habang nasa byahe ako napapansin ko na tila kanina pa nakasunod yung kotse na nakita ko na nakaparada malapit sa bahay.

LEARNING FROM THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon