SYMPHATY OF A MOTHER PART II

43 2 0
                                    

Gie,

Di ko alam na ganun na pala ang nangyari sa anak ko, di ko man lang nalaman agad.

Nagiging pabaya na ba akong ina?

Mahal ko ang mga anak ko kahit iniwan kami ng ama nila di ko sila pinabayaan, higit akong nagsumikap at nagpursige na maiahon sila.

Pasalamat na lamang ako dahil sa iniwan na pamana sa akin ng magulang ko bago sila yumao, pinalago at iningatan ko ang lahat ng binigay nila sa akin para sa mga anak ko.

Masakit maiwan ng asawa pero mas masakit makita na nasasaktan ang anak ko ng dahil sa isang mapangahas na lalaki na yun.

Tinanggap namen siya at ginawang parte ng pamilya namen para sa anak ko na si heaven pero anong ginawa niya, sinasaktan at tinangkaan na gahasahin.

Gusto ko man siyang maparusahan ngunit mas mahalaga ang anak ko sa ngayon kailangan niya ako... Kami na pamilya niya.

Pagkasabi ko sa kanya na aalis kami para makapagbonding ang pamilya medyo umaliwalas ang mukha niya kahit halata ang mugto niyang mata.

Sinabihan ko siya na magpahinga muna at gigisingin na lang pagaalis na kami.

Pagkaakyat niya sa kanyang silid, ay siya namang biglang paglabas ni reggie sa aking likuran.

Ginulat mo akong bata ka, bakit ka ba nandyan? Kanina ka pa ba dyan? May narinig ka ba? Ha reggie? Sunod-sunod na tanong ko sa kanya na siya namang ikinatungo niya, bakit kaya?

Ma gusto kong gantihan ang lalaki na yun sa ginawa niya kay heaven, 😠 puno ng galit ang hinagpis ang boses niya habang nakayuko at nakakuyumos ang kamao sa kanyang tabi.

Anak alam mong magagalit si heaven pagginawa mo yun di ba, ayaw na ng gulo ng kapatid mo at naawa ako sa kanya dahil sa nangyari sa kanya, ni wala man lang tayong magawa para sa kanya, para mabawasan ang takot at pangamba na nararamdaman niya, malakas ang kapatid mo pero di lahat ng pagkakataon malakas siya at kaya niya.😞

Alam ko ma, gusto ko mang gumanti di rin niya magugustuhan, ma sasamahan ko siya sa canada. 😞Mahinahon ngunit nagsusumamo ang tinig niya ng makiusap sa akin.

Pero paano ang gf mo? 😑Tanong ko sa kanya

Maiintindihan niya ma eh, ipapaliwanag ko sa kanya, di ko na hahayaan na masaktan pa si heaven lalo na doon na halos wala pa siyang kilala. 😑Malalalim ngunit nakakasigurong sagot niya sa akin

Naiintindihan ko sige ipapahanda ko na ang mga passport niyo at drop form niyo sa school, ipapasettle ko na rin ang lahat sa canada kay kuya para pagdating niyo doon ayos na ang lahat, pakiusap reggie bantayaan mo ang kapatid mo doon ha, di ko na kakayanin pag may nangyari pa ulit sa kanya lalo na at malalayo na kayo sa akin.😞

Isang tingin lamang ang iginanti niya sa akin bago nagtangkang bumalik sa loob ng mansyon.

Teka reggie may lakad ka ba ngayon? Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

Meron ma bakit? Diretsong sagot niya sa akin.

Pwede bang ipostpone mo muna kahit ngayong araw lang magbobonding lang muna tayo buong araw pwede ba anak? Pakiusap ko sa kanya.

Oo sige ma sasabihan ko na lang si chelsea na bukas na lang kami aalis. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi sa sinabi niya, mahalaga pa rin kami sa kanya kahit may kasintahan na siya.

Salamat anak.

Wala yun ma basta para sa inyo.

Nang makapasok na si reggie sa loob bumalik na ako sa aking ginagawa, may tinatapos akong proposal para sa bago kong cliente.

Nagpapasalamat ako at napakamaunawain ng mga anak ko kahit napakabusy kong tao.

Natapos na ako sa ginagawa ko kaya tatawagan ko naman ngayon ang secretarya ko para ayusin ang mga papeles nila reggie at heaven sa school at sa canada.

Pagkapasok ko sa loob aba ang mga anak ko excited ng umalis may mga kanya-kanya ata silang lakad ngayon ah.

Yun nga lang di ko sila papayagan.

Mga anak san ang punta niyo?😕 Jhaycee? Tawag ko sa pangalan ng ikatlo kong anak.

Ma magmamall po sana ako kung pwede po sana? Magkadikit ang mga daliri niy sa harapan niya at mukhang gumagawa lang ng rason, makikipagkita nanaman to sa nobya niya, tsk.

Anthony? Tawag ko naman sa ikaapat ko

Ma magbabasketball kami ng tropa ko ngayon eh. Yan ang ayaw ko sa batang to laging nasa basketball court halos di na nakakauwi kasama ang barkada niya.

Kristel at Eugene san ang punta niyo? Tawag ko naman sa dalawa kong bunso.

Ah ma kasi nagpasama yung klasmate ko kaya isasama ko po sana si eugene para may kasama ako pauwi. Palusot ng bunso kong babae sa akin, ako pa talaga ang niloko ng mga batang to.

Oo nga ma. Mukhang kinunstyaba pa ang kapatid sa kalokohan. Tsk, tsk

Walang aalis ngayong araw.

Dumating na ang kuya nila lagot nanaman sila.

KUYA NAMAN EH!!!!

Sabay-sabay nilang sigaw, ay nakakabingi. Kahit di ko sila dinidisiplina sa palo alam naman nila paggalit na ako at lalo na pagayaw ng kuya nila.

Reggie pakigising na si heaven para makapagayos na siya ha, salamat anak.

Utos ko sa panganay ko.

Ok ma babalik ako.

Pagkaakyat ni reggie saka ako nagsalita.

Jhaycee, walang shopping for today, anthony sabihin mo sa mga kaibigan mo na di ka makakasama sa basketball niyo, kristel ngayon pa lang itext mo na ang klassmate mo na di ka makakapunta, eugene baby halika ka dito.

Agad namang lumapit sa akin ang bunso kong lalaki, at yung tatlo kanya-kanyang tipa ng cellphone nila.

Bakit po ma? Tanong agad ng bunso ko pagkalapit sa akin.

Aalis tayo gusto mo ba kasama sila ate at kuya, di ba gusto mo yun? Bulong ko sa kanya.

Sunod-sunod na tango naman ang isinagot niya sa akin.

Kayong tatlo tapos na ba kayo ha? Pasigaw na tanong sa tatlo na lumayo sa amen.

Ma bakit ba di kami pwedeng umalis? Nagtatakang tanong sa akin ni jhaycee

Kasi... Magpapaliwanag pa lang sana ako ng may pumutol sa sasabihin ko.

Kasi may pupuntahan tayo ngayong araw, lahat tayo. Magbobonding tayo. Sabi ng panganay ko sa kanila pagkababa nito.

Hay naku tong batang to ang hilig akong pangunahan.

Yehey aalis kaming lahat, mama kasama po ba sila nay crising, kuya eric, ate leni at mang edgar?

Inosenteng tanong ng bunso ko sa aking tabi.

Nak di sila pwede kasi tayo lang ang aalis pero sa sunod na linggo kasama naten sila magoouting tayo, gusto mo ba yun ha nak? Paliwanag ko sa kanya.

Opo ma gusto ko yun. Eh ma sino magdridrive sa aten? Tanong niya ulit sa akin. Baka iniisip niya na kung di kasama si mang edgar wala kaming driver.

Tumingin ako sa baba ng hagdan dahil andito pa kami sa pinto papunta sa likod nakapwesto, kanina pa pala kami nakatayo dito.

Tiningnan ko si reggie at tumango naman siya sa akin.

Si kuya ang driver naten ngayong araw ok.

Ok. Nag'ok sign lang siya at tumakbo na papalapit sa kuya reggie niya.

Mga anak akyat muna ako at magpapalit ha, intayin niyo ako pagbumababa na si ate heaven niyo ha.

Opo ma. Sabay sabay nilang sagot sa akin bago ako umakyat sa taas at pumasok sa aking silid.

***raen***

LEARNING FROM THE PAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon