Heaven,
Shit ang sakit ng ulo ko..
Teka bakit parang nahihilo ako?
At saka bakit parang mabigat..
Habang inaadjust ko ang mata ko sa paligid ko, at inaalala ang nangyari sa akin ay nakita ko ang taong nasa ibabaw ko,
Nakahubad siya at tila hayok na hayok na nakatingin at nakadagan sa akin.
Nanghihina ako di ako makagalaw, di ako makapanlaban, hinuhubaran na ako ng hayop na to pero wala akong magawa dahil sa panghihina ko.
Pero tila may napansin ako na isang bagay na magagamit ko para ipanlaban sa kanya, inipon ko lahat ng lakas ko na natitira sa akin.
Di ako papayag na may makakuha ng pinakakaingatan ko.
Di ko pinangarap na sa ganito lang mawawala ang pagkabirhen ko.
Kumuha ako ng tyempo na di siya nakatingin sa akin dahil tila may inaayos siya sa may bandang likuran niya.
Bwisit, isang camera di to pwede di niya sisirain ang buhay ko.
Kinuha ko na yung lampshade sa tabi at inihampas sa kanya pagkatayo ko at pagkatapat sa likod niya.
Bumagsak siya at nawalan ng malay.
Kinuha ko ang mga damit ko at isunuot ko ito at kinuha ko din yung camera na inaayos ni pj kanina di ako papayag na sirain niya ako.
Kinuha ko ang gamit ko sa sala pagkalabas ko ng kwarto inilock ko ito sa labas para di siya makalabas sa loob.
Dali-dali akong tumakbo palabas ng condo niya at naghanap ng tutulong sa akin dahil hinang-hina na talaga ako.
Shit! Di ko na kaya babagsak na talaga ako.
Buti na lang at malakas ang resistensya ko at nagising agad ako sa oras bago niya pa magawa ang gusto niya.
Nasa tapat na ako ng elevator ng bigla itong bumukas.
T-t-tu-lo-ng...
Sabi ko sa tao sa loob ng elevator naaninag ko siya buti na lang at may tutulongna sa akin.
Pero pano kung masamang tao pala ito pano na?
Di ko na talaga kaya..
At nilamon na ulit ako ng dilim.
<><><><><><><><><><><><><><><>
Rowena,
Pagod na ako at maaga akong umuwi galing opisina.
Exhausted na talaga pagkapasok ko pa lang ng building ng condo ko.
Pagkapasok ko sa elevator ako lang magisa dahil nga maaga akong umuwi malamang wala pang masyadong tao dito.
Ang mga kapitbahay ko kasi it either student sa college o employee or owner ng isang business like me..
Pero sa floor ko tatlo lang kaming occupant, isang college student at isang business man.
Parehong lalaki sabagay lalaki rin naman ako eh.
Itsurang lalaki.
Ako ang may pinakamalaking condo dito sa floor na to.
I own half of this building kasi, ayaw ko sa penthouse pero nasa second top of the floor ang room ko.
Pero pag open ng elevator may isang babae ang biglang bumulagta sa harap ko, tila ginasa ang itsura nito dahil sa ayos niya.
T-t-tu-lo-ng...
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...