Pj,
The first time I lay may eyes on her I think I already fall in love with her.
Ang ganda niya tila siya anghel na hulog ng langit.
Bukod pa na malambot ang mga kamay niya.
Siya na ata ang babae na hinihintay ko di ko na siya papakawalan.
Ang cute niya pagnaiinis na siya sa kulit sa akin, ayaw ko na sanang matapos ang araw nameng dalawa pero akalain mo nga naman magkapitbahay lang pala kami.
Few blocks lang ang layo nila sa amen.
La nandito na po ako.
Apo ang tagal mo naman umuwi kanina pa kita inaantay ah, ang mommy mo kanina pa tumatawag dito sa bahay nagaalala na sayo.
Ah ganun ba la, sige la ako na lang tatawag kay mommy.
Pj apo kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong monggo.
Naku la mukhang masarap nga yang niluto niyo ah, sige po magpapalit lang po ako tapos sabay na po tayo magdinner ha la.
Sige apo intayin kita sa kitchen ha, wag na magtagal ha, nagaantay ang mommy mo sa tawag mo.
Ok po la, saglit lang po talaga to.
Umakyat na ako sa kwarto ko at pagkabukas ko ng kwarto ko aba may package nanaman pala ako ah.
Kay mommy nanaman siguro to galing.
Ako nga pala si paul jhonne sveint, pj na lang for short.
German daw ang tatay ko pero di ko na siya nakilala dahil nabuntis lang daw ang mommy nung minsan na bumisita siya sa germany.
Alam niyo na teenager, party dito, party doon kung sino-sino nakikilala kaya eto ang kinalabasan ako.
Nung una kinilala naman daw ako ng tatay ko kaya ng sveint ang apelyido ko, sa tatay ko to eh.
Pero iniwan din niya si mommy kaya ayun si mommy doble kayod sa canada for me at sa dalawa ko pang kapatid, pero sila kasama ni mommy ako naiwan dito sa pilipinas.
Ayaw ko doon di ko gusto yung ugali ng stepfather ko doon yung tatay ng dalawa kong kapatid.
Si lola emmy na lang kasama ko dito sa bahay, mayaman naman ang angkan ni mommy eh.
Sa katunayan malakas pa si lola at siya pa rin ang presidente ng kompanya namen na soon magiging akin daw sabi ni lola.
Mahal na mahal ko yang lola emmy ko na yan kahit na minsan masungit siya hehehe, wag kayo maingay ha baka umusok nanaman ang ilong nun pag narinig na masungit siya.
Pagkatapos ko magbihis bumaba na ako sa sala.
Naabutan ko dun ang mga pinsan ko na sila alfred, gino at gabriel na naglalaro ng ps3 ko.
couz alfred: Oh couz andyan ka pala?
pj: Oo kanina pa. Kayo?
couz gino: Ngayon lang couz, ano shot tayo?
lola emmy: Anong shot nanaman ha gino, naku kayong mga bata talaga kayo tigilan niyo nga ang bisyo na yan ha, at wag niyo bunubuyo si pj sa mga bagay na ganyan ha.
Huli kayo kala niyo ha, sermon kayo ngayon kay lola emmy.
pj: La sa kusina lang ako ha, kain lang ako mga couz ha, at saka nga pala di ako marunong ng mga sinasabi niyo noh, takot ko lang kay lola.
gabriel: sama ako couz, la pakain po ha.
lola emmy: hala sige kumain na kayo doon, at kayong dalawa anong balak niyo ha?
alfred&gino: kakain na rin po lola.
Yun na ang huling salita na narinig ko bago ako pumasok sa kusina para kumain kasabay si gabriel.
gabriel: buti na lang pala di ako sumabat kanino noh tol.
pj: naku kung sumabat ka pa damay ka malamang.
gabriel: kamusta pala pagkuha mo ng card kanina? Nakita kita ha may kasama kang chick tol ah.
pj: sira nabangga ko nga yon eh. Pero tama ka tol chick talaga.
Habang sinasabi ko yun kay gab naiimagine ko ang mukha ni heaven ganda niya talaga.
gabriel: mukha nga.
pj: ha?
gino: mukha daw tinamaan ka.
pj: kanina pa kayo dyan?
alfred: ou at huling-huli ka namen sa pagiimagine mo dyan sa chick na sinasabi mo. Maganda ba? Panalo ba ha tol?
May aksyon pa si alfred na seksi daw ba ang katawan, manyak talaga ng mga to, palibhasa mga babaero eh.
gino: nakuha mo pangalan tol?
pj: ou, at katulad niya maganda rin ang pangalan niya, heaven.
gabriel: heaven ba kamo? Yung heaven na nakatira dyan sa malapit?
pj: ha kilala mo siya couz?
gabriel: ha a.. e.. ou
pj: talaga eh bakit tila nautal ka dyan ha couz?
alfred: yun ba yung pinapantasya mo dun sa malaking bahay ha gab? Kaw ha, aagawan mo pa ang bunso naten ha.
gabriel: hala hindi ah, kapatid niya kasi tropa ko kaya kilala ko siya, kayo naman eh, at saka di ko type ang mga suplada noh.
Naningkit ang mata ko kay gab, at siya naman umiwas lang sa tingin ko.
Hmm, mukha trip din siya ng couzin ko ah mukhang kailangan ko ng gumawa ng moves para maging akin siya agad at di ko siya papakawalan kahit na anong mangyari.
At yun nga pagkatapos magsilamon ng mga pasaway kong pinsan dito sa bahay, eh ayun mga nagsilayasan na agad may lakad pa daw sila.
Naku magbabar lang sila ayaw pang aminin di lang nila ako masama eh.
Napakahigpit kasi ni lola eh.
Nakahiga na ako dito sa kama ko pero 10 pm na di pa rin ako dalawin ng antok ko.
Kanina ko pa kasi iniisip kong itetext ko si heaven o hindi.
At ayun nga tinext ko na siya para matahimik na ako.
Nagtext lang kami buong magdamag, naamin ko na rin sa kanya na gusto ko siyang ligawan.
At bukas sisisguraduhin ko na papayagan ako ng pamilya niya na ligawan siya.
Mahal na nga yata kita heaven shaila park.
***raen***
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...