Heaven,
Ilang buwan matapos ang pangyayari na yun sa bar nila kuya at mula naman nun di naman nangulit yung kumuha ng number ko, di ko na sinabi kay kuya dahil baka magalit pa siya at magwala.
Eto na nga ngayon kami graduation ko na, kompleto naman kami ng pamilya ko umuwi sila dito sa canada para lang sa graduation ko, kaya lang kinabukasan aalis na rin sila kasama sila kuya pabalik ng pilipinas.
Congatulation graduates of batch 2012-2013.
Sabay-sabay namen hinagis ang mga toga namen sa ere,
Pagkatapos nun lumapit na ako sa pamilya ko.
Gusto ko pa sana silang makasama pero alam ko naman na saglit lang sila dito dahil marame pa silang gagawin sa pilipinas di pa kasi tapos ang schooling nung apat, si mama naman nagleave para dito kahit na napakabusy niya, sila kuya naman magiging busy na sila ni ate para sa wedding preparation nila.
And ako maiiwan dito para tapusin pa ang isang course na kinuha ko.
This my choice and pinagtalunan pa namen ni mama to na umabot sa punto na di niya ako pinansin ng isang linggo pero in the end naging maayos din kami, I reason out my want to be independent, ayaw ko na umasa sa kanila, kakayanin kong bumangon sa pagkalubog ko ng magisa.
Nak, ano tara magdinner tayo tapos mamasyal muna tayo saglit let's celebrate, alam mo naman aalis na kami bukas. Ma,
Alam ko naman na gusto rin nila akong makasama pa kaya nalungkot din ako na aalis na sila bukas.
Sige ma tara na magcelebrate tayo, tara dun tayo sa restaurant na pinatayo ko ma.
May restaurant ka na anak? Sabi ni mama na may pagkagulat at syempre natuwa ako dahil nakita ko sa mga mata niya na proud siya sa akin.
Oo ma may pinagawa yan na restaurant, nung una pa nga sinekreto pa niya sa amen ni chelsea, kaya lang namen nalaman dahil iisa lang ang architect na gumawa ng bar namen sa restaurant niya. Mahabang salaysay ni kuya, di ko naman talaga sinsadya na maglihim sa kanila kaya lang gusto ko silang isupresa sa graduation ko.
Talaga ba heaven? Paano ka nakapagpagawa ng restaurant? Saan galing ang pinangpagawa mo? Takang tanong ni mama sa akin.
Alam ko naman na tatanungin nila ako tungkol dyan kaya hinanda ko na ang sagot ko sa kanila, nakita ko pa nga sila jhaycee na mataman na nakatitig din sa akin. Si kristel at eugene mukhang busy sa mga phone nila ah, si anthony wala lang ang peg, si kuya at ate nakangiti naman sa akin.
Ma sa kotse na lang naten yan pagusapan pwede mainit na kasi ang toga ko eh.
Oh sige anak, jhaycee, anthony, kristel at eugene tara na. Reggie ikaw ang magmaneho, chelsea ija come join us.
Sure tita my pleasure.
No! I want you to call me mama ok.
Yes ti- I mean ma-ma.
Nakakatuwa naman, I saw my mom smile at here at si kuya halatang in love to the max kay ate chelsea malamang pumapalakpak nanaman ang tenga niyan sa tuwa.
Kuya namumula ang tenga mo hahaha! Pangaasar ni anthony sa kanya.
Manahimik ka dyan thony kung ayaw mo tenga mo ang mamula sa pingot ko. Asar na tugon ni kuya.
Ngakukulitan kami at inaasar si kuya habang naglalakad papuntang parking lot ng venue ng graduation namen.
Pagkasakay ng kotse I mean ng van namen, kanya-kanya silang ng pwesto sa loob ng sasakyan. Si kuya at ate nasa unahan kasi si kuya ang magmamaneho, siya naman kasi ang driver namen kanina pagpunta ng venue eh. Si jhaycee nasa likod at ayun si gaga nakapasak ang earphone sa tenga at pumikit. Si anthony nasa likod din sa tabi ni jhaycee ang trip naman ng isa na to maglaro sa tablet niya. Si kristel at eugene naman nasa unahan nila jhaycee at anthony, si kristel nakatingin sa labas, si eugene eto nakayakap sa akin sa likod ko, nasa unahan kasi niya ako katabi ko naman si mama dito kami sa likod ng driver seat nakapwesto.
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
RomanceMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...