JADE,
Isang buwan din ang tinagal ni shaila sa hospital dahil kailangan niyang magrecover ng husto. Wala siyang ginawa kundi magreklamo sa amen na bagot na siya at gusto na niyang umuwi. Pero dahil ayaw pa nga siyang payagan ng doctor niya dahil di pa nga daw nakakarecover ang katawan niya hindi siya pinayagan.
Wala din naman siyang magawa eh yun din ang gusto namen ang magpalakas siya ng husto para pagnagkita sila ng anak niya ay hindi bumigay ang katawan niya sa biglaang emosyon na mararamdaman niya.
Gayun pa man di naging hadlang sa kanya na makita ang anak niya kahit sa picture at video chat man lang. Palagi niyang sinasabi na sabik na sabik na siya na mayakap at makasama ang anak niya.
Natatawa na lang kami pagnagtatanung siya kung masakit magbreastfeed kasi gusto niya daw maranasan yun.
Posible naman daw sabi ng doktor kaya sobra ang excitement niya.
Nakikita ko ang saya sa mata niya pag nakikita ang anak niya. Kaya kahit anong galit at hinanakit na dapat kong maramdaman ni katiting wala eh.
Nagpapasalamat pa nga ako dahil dumating sa buhay namen ni shaila si javen.
Dahil siya ang bubuo sa ameng dalawa ni shaila bilang isang masaya at totoong pamilya. Wala na ata akong mahihiling pa sa buhay kong ito kuntento na ako na meron akong shaila at javen, kasama ang pamilya niya na itinuring ko na ring pamilya.
Isa na lang ata ang di ko pa nagagawa at yun ang pakasalan si shaila.
At yun ang pangarap ko sa amen na siguradong matutupad sa kahit na anong paraan.
Eto ang huling araw namen dito sa hospital at ako ang susundo kay shaila dahil may hinanda kami na sopresa sa kanya kaya ipapasyal ko muna siya bago kami umuwi alam ko na excited na siya na umuwi sa bahay kaya lang di pa pwede di pa sila tapos eh.
Love tara na ok na ang bills nasettle ko na.
Sige tara na love excited na talaga ako makita ang anak naten.
Pero love may dadaanan pa muna tayo ayos lang ba?
Ay di na ba makakapagantay yang pupuntahan mo love?
Hindi kasi love eh, pasensya na.
Haist! Sige na nga basta ba papakainin mo muna ako ha! Gutom na ata ako eh.
Sige love kahit saan mo pa gusto.
Yehey!
Masaya ka ah!
Syempre ayaw ko na ata mahospital at masama ang lasa ng pagkain dito lasang gamot love. Bleh!
Naku ikaw talaga! Marinig ka ng mga nurses at doctor eh.
Hayaan mo na nga, alis na tayo naiinis na naman ako eh.
Bakit nanaman?
Eh kasi pinagtitinginan ka nanaman nila nagseselos ako.
BINABASA MO ANG
LEARNING FROM THE PAST
Roman d'amourMatutunan kaya ni HEAVEN ang isa sa mga importanteng bagay mula sa kanyang nakaraan kung ang mismong nakaraan na ang bumabalik sa kanya. Paano niya masasabi sa nakaraan niya na tapos na sila, kung umaasa at patuloy na umaasa pa rin ito sa kanya. Mal...
