"HELLO JAM""Lex? Napatawag ka?" Tanong nito sa kanya, tinunghayan niya ang kanyang suot na relo. Mag 6:30 na ng gabi.
"Anong klasing tanong ba yan? Masama ka bang tawagan? " Sagot niya dito.
" Nasa opisina pa kasi ako may tinatapos pa akong papel? Bakit ba?" Tanong muli nito. Rinig na rinig niya ang pag ttype nito sa keybord ng computer.
" Man lilibre sana ako eh kakain tayo sa Buffet 101. Ayaw mo bang sumama? Aniya dito.
"Anong meron ba?" Muling tanong nito.
" Anniv namin kaya mag cecelebrate tayo."
" Ha ha ha natawa ako, at kailan nangyari nagkaron ka ng Anniv? Alam ba ni Jared na tatlong taon na natin cenecelebrate ang anniv ninyo na di nia alam?"
" Jamela.... don't spoil my day."
" Tawag dyan H I B A N G! Naku naman peselemet ka kaibigan tayo kaya sakay na sakay ako sa kahibangan mo!"
" Sasama ka ba? Ohh maninirmon ka.! Napipika na ako sayo!," Ganti niya dito.
" Weee..... pasalamat ka pag kain yang inalok mo, kung hindi?" At biglang kabig nito. "Ngaun na ba? May tinatapos pa ako eh." Sagot nito
" Nandito pa naman ako sa School mamaya after class daanan mo ko."
" Ganun... layo ahh Mandaluyong to Taft? Okay ka lang traffic pa ngaun! Wag na ikaw na lang kumain."
" Ganito na lang Jam tatawagan ko si Pipay don tayo magkita na lang. Alam mo naman yun mabagal kumilos. Daming arte sa katawan. Maraming seremonyas yon."
" Maige nga doon tayo mag kita kaysa may pasundo-sunduin ka pang nalalaman dyan! ano doon na lang?"
"Oo na! Mauna ka na Jam doon, mag tataxi na lang ako. "
"Mabuti pa nga at tawagan mo na lang muna yun at tatapusin ko lang to. Tutuloy na ako dun, Opppsss friday ngaun pala? Basta malaman mamaya tapos nating kumain kung saan tayo. Basta mag kita tayo kila Sofie ha. Baka mauna pa ako dun." Sabi nito
" Malamang mauuna ka hangang 8:00 pa ako ng gabi pero pauuwiin ko ang mga bata ng maaga. Paano mamaya na lang."
" Okay got to go na para matapos na tong ginagawa ko."
Knowing Jamela Quevas kapag walang plano ang barkada at dumating ang araw ng linggo na hindi sila nakalabas hindi ito titigil hangat di nakapagyayang umalis dahil mangangati ang mga paa nito. Naalala pa niyang sabi ng Yaya niya nong mga Estudyante pa lamang sila.
"Yang kaibigan mo Iha parang kabuti na sumusulpot dito. "
At ayon naman sa Kuya niya parang nag bibilang ng poste ng Meralco araw -araw na lang nakikita ang pagmumukha ni Jam sa bahay nila.
After an hour
Maaga niyang pinauwi ang mga bata. Eight years old to 13 years old ang handle niya pag gabi. Mas maaga ng kunti ung mga 5years old to 7 years old naman start ng 3:00 pm - 6:00 eve naman. Meron din siyang infants to tuddlers 9:00 to 10:00 am kaya lang special ang time non at nasa Sofitel ang venue nila. Mas pinili niyang doon na lang para hindi hussle sa gurdian and parents kapag dinadala ang mga babies nila. Ito ang trabaho niya, she love her job definitely kaya naman ipinaglalaban niya ito sa kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomanceAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!