Chapter 27

504 15 0
                                    




MAG-UUMAGA na nang siya'y magising. Sa buong pagtataka niya ay katabi pa rin pala niya si Jared sa kama. Nakatunghay ito sa kanya at hawak pa rin nito ang kamay niya.

Hindi ba ako iniwan nito? Binantayan ba talaga ako nito?

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Thanks God! Bumaba na ang lagnat mo. You really scared me to death, Kung alam mo lang."

Sinalubong niyang pilit ang tingin nito. Seryoso sa pagkakatingin sa kanya ni Jared. Bigla itong yumuko, Upang siya'y halikan pala sa noo. Saglit lang, Tapos ay muli itong tumuwid ng pagkakaupo para naman haplusin siya sa buhok.

"Alex, kumain ka na, ha? Susubuan kita. Gutom ka na diba?"

Kung tumango siya'y hindi niya matiyak. Basta ngumiti sa kanya si Jared for the first time. Iyong totoong ngiti. Hindi nang-uuyam o kaya'y nang-iinis. Pagkatapos ay mabilis na itong kumilos para kumuha ng pagkain. Saglit lang ay nasa tabi niya uli ito dala na ang naihandang pagkain.

"Iuupo kita. Kaya mo ba?"

Tumango na naman siguro siya dahil inaalalayan siyang makaupo nito. Pasandal sa pinakaulunan ng kama. Parang bata siyang sinusubuan ni Jared. Panay ang titig at ngiti nito sa kanya na ikinaasiwa niya.

"Inumin mo pa itong isang gamot para hindi na bumalik ulit ang lagnat mo, Okay? Hindi ka ba nahihirapan huminga alam kung may asthma ka, bakit ka naligo sa ulan alam mong mahina ang pulmon mo." Malambing na sabi nito matapos siyang pakainin.

Sumunod ulit siya . Niligpit nito ang pinagkainan niya matapos siyang pahigain muli. Saka siya binalikan at tumunghay ito sa kanya habang panay ang pagpapakawala ng buntung-hininga.

"Alex, I'm so sorry. Sorry kung pinilit kitang iwan dito. I didn't mean it. I'm sorry."

Napatitig siyang lalo dito. Bakit naman sa isang saglit lang ay pinahid agad ang lahat ng tampo niya dito. Pati yata inis niya dito tila biglang nag evaporate at tinangay ng hangin kung saan. Takang-taka siya ngayon sa sarili. Ganito lang ba kabilis maalis ang kanyang tampo sa lalaking ito? Sorry lang pala ang katumbas noon.

"Alex...I' am forgiven?"

Hindi pa din siya sumagot.

"Please.....?" waring pagsusumamo nito.

Tumango na naman siguro siya dahil ngumiti naman ito.

"Thanks" sambit pa. Sabay gagap sa dalawang palad niya. Sabay pisil sa mga ito.

"Jared......"

"Shhhh.... take rest. Baka mabinat ka."

Ang sumunod nitong ginawa ay hindi lang basta ikinagulat ni Alex. Pakiwari niya'y parang na-freeze din ang buo niyang katawan.

Hahalikan ba siya ni Jared sa Labi! Ohh God! Ng unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya.

Saglit na napapikit siya, Dumilat siya kasabay ng pag-aalis nito ng labi sa labi niya. Kahit saglit lang ang paglapat niyon sa kanya pakiramdam niya nasa langit siya ng mga sandaling iyon.

Kabuntot ng halik nito ay ang matamis nitong ngiti. May kasabay ring haplos sa kanyang pisngi.

"Matulog ka muna. Babantayan kita."

Matapos niya itong saglit na tinitigan, parang turuang pumikit ng kusa ang kanyang mga mata. Nakadama siyang biglang pagkahapo. Ilang saglit pa'y nakatulog nang muli si Alex. Hindi rin nito nakita kung papaanong buong pagsamba siyang pinanood ni Jared.


IBANG JARED ang nagisnan niya. Nakangiting mukha nito ang nasisilayan niya. Agad na sinalat nito ang kanyang noo.

"Okay na ang temperature mo. Halika doon tayo sa terrace. Or perhaps gusto mo munang maghilamos?"

Tinanguan niya ito. Ngumiti sa kanya si Jared saka mabilis siyang inalalayang makatayo. Naghilamos siya at at nag-toothbrush. Habang sa kanyang likuran ay nakaalalay ito sa kanya. Ginagawa niya iyon habang si Jared ang naglalaro sa isip niya.

Pagkatapos nito ay ibinigay nito ang kanyang maisu-suot, dala marahil nito para sa kanya, kasama na din ang binili niya minsang nagkita sila. Kaya pala hindi niya maala-alang kung saan, iyon pala ay naiwan niya ito sa loob ng sasakyan ni Jared.

Niyaya siya nito sa living room, Magkatabi silang umupo habang hawak nito ang kanyang mga kamay......Pinisil nito at hinalikan.

"Jared...."

"Ssshh." Bulong-daing sa kanyang tainga ni Jared kasalit ng paghalik doon.

Nahirapan siyang huminga, Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa antisipasyon na lalapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

At napapikit na lamang siya nang tuluyang maghinang ang kanilang mga labi. Kahit patuloy pa din ang pag sama ng panahon sa labas, pakiramdam niya tinutupok ang buong pag katao niya sa mainit nitong halik.

Kinabig siya nito sa pagkakaupo, habang patuloy siya nitong hinahalikan. At hindi siya nagpatumpik-tumpik pa na pakawalan ang matagal na niyang ninais na mahawakan, mayakap at mahalikan nito.

Hindi niya akalain ganon pala ang pakiramdam na mayakap ang taong matagal na pinangarap na mapansin nito.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg, pababa hangang marating nito ang puno ng kanyang dibdib. Napasinghap siya sa sensasyong idinulot nito sa kanya at lalo't si Jared lang ang unang nakakagawa niyon sa kanya.

Matagal na hinalikan nito ang kanyang dibdib bago muling bumalik ang mga labi nito sa kanyang mga labi. At wala na sa sariling sinalubong niya ang mainit na halik nito.

"Alex...tell me to stop.... please.... please..." sambit nito Ngunit patuloy pa din ang paghalik sa kanya.

Parang sa isang nagdedeliryo ang kanyang pakiramdam.

"Jared....." narinig niyang sabi lumabas sa sarili niyang bibig,

"C'mon.... please......say it.....stop me.....please.....now.

Nalilito bigla si Alex. Naguluhan, handa siyang magpaubaya. At batid niyang alam ni Jared iyon. Ngunit bakit tila tinatanggihan pa din siya nito nang buong puso niyang inaalay dito.

"Jared.....please .....stop..." nagawa niyang sabihin. Kahit hindi iyon ang totoo gusto ng puso niya.

Agad na mabilis niya itong tinulak at tumakbo papasok sa inuukupang kwarto. At doon ibinuhos ang sama ng loob na natamo.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon