ILANG SAGLIT pa pareho na silang nakatayo sa teresa ng kanilang bahay, tanaw nila ang kanilang pool."Anong gagawin natin ngayon?" sabi ni Jamela, habang nakatingala sa Buwan habang tangan nito ang isang mug na pinahatid niya roon.
"Gala na lang kaya tayo, nasasayang ang ganda ng gabi...." baling niya sa kaibigan.
"Oo nga bakit hindi tayo mag enjoy, mag hanap tayo ng fafa, na mas pogi kay Papa Jared noh. Alam mo sis mas marami pa tayong makikita." Pabirong sabi nito at sinabayan ng bungis-ngis.
Sumangyon na din siya dito.
"Okay I change my attire na lang"
"Okay take your time."
Isang tank-top na Magenta ang kulay saka faded jeans ang ipinalit niya. Kahit anong suot niya ay bumabagay sa kanya.
Pinatungan niya ito nang Como plods niyang jacket na brown. Dahil balak niyang gamitin ang kanyang Big Bike itinaas na lamang niya ang kanyang buhok, para hindi sagabal sa kanyang pagmamaneho. Nang ma-satisfied siya sa kanyang looks, mabilis na siyang lumabas at bumaba.
"Wow I like your out-fit, kahit anong isuot mo amiga bagay na bagay pa rin sayo." Sabi nito habang papababa siya ng hagdan.
"Ano kaya kung tangapin mo na lang ang offer ni Don2x, Para hindi nag-iisa si Tricia, Kung biniyayaan lang ako ng ganyang height katulad mo hindi ko talaga papalampasin ang chance." May kaliitan kasi ang kaibigan niya kung ikumpara sa kanilang tatlo, siguro nasa five feet lang ito at three inches lang ito.
"Tange bibigyan mo pa nang sakit ng ulo si Don2x, at hindi ko Porte ang pag rampa, mas gusto kung magbabad sa tubig." Sabay pa silang nag tawanan.
"Tara na nga ng makarami tayo." Sabay abot rito ang isang extrang helmet.
"Wow! Joy ride! tayo nito." Excited na sabi nito.
"Sa Malate tayo may bagong bukas doon," sabay na isinuot ang kani-kanilang helmet.
At ilang saglit pa mabilis silang umarangkada kasabay nang mga sasakyan.
KASALUKUYANG papauwi pa lang si Jared ng mga oras na iyon. Kakatapos niya lang sa isang Business Transaction niya sa Mandarin Hotel.
"Mag kapareho lang talaga siguro." bulong niya habang pinapakingan ang magandang song na puma-painlang sa loob ng kanyang sasakyan.
Nang umarangkada ng husto ang Big-bike nakita niya ang plate # niyon.
"4 7 0 9 9, 4-7-0-9--9." sabi pa ulit niya.
"4--- 7---- 0---9---9 shit! si Alexandra iyon ah! Damn!" napahampas siya sa manubila ng mga sandaling iyon.
Nang tanawin muli niya ang Big-bike na sinasakyan ng mga ito ay may kalayuan na ito sa kanya. Parang kanya ang kalsada kung makaarangkada damn that woman! pipilipitin niya ang leeg nito sa oras na maabutan niya. Ilang saglit pa hindi na niya ito natatanaw.
Shit!
For sure hindi naman mapakali ito kaya nasa kalsada naman, Damn! Those electronic gadgets, Hindi dapat ito magkaroon kahit anong uri ng mga gamit na magagamit nito sa pakikipag komunikasyon sa mga kaibigan nito, kung pwede nga lang ba ipaputol niya muna ang linya ng telepono sa bahay nito. Hindi naman sa ayaw niya sa mga kaibigan nito, kundi ayaw niya lang na laging wala ito sa bahay, She know Alexandra, ito ang numero-unong pasimuno.
Mukhang naisahan naman siya nito. Kanina ng hindi niya ito inaasahang makita sa Mall, nagulat na lamang siya na nasa harapan na niya ito.
Pakiramdam niya mina-matyagan siya ng dalaga. Ito ang babaeng may nunal sa talampakan siguro, Kahit saan nakikita niya.
Parang nawala siya sa kanyang sariling katinuan kanina, ilang araw ba siya nitong hindi pinatulog, mangani-ngani na nga niya itong puntahan sa bahay nito para masilayan ito at kamustahin.
Ang mukha nito at ang mamula-mula ng ang malalambot nitong mga labi, Ang lagi niyang nakikita sa kanyang imahinasyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo ng mga sandaling iyon.
Ngunit ewan nga ba at wala siyang lakas ng loob para gawin niya ang nais niyang gawin rito. Napansin rin pala nito kanina ang kanyang looked he looks haggard, kung alam lang nito na hindi siya nito pinapatulog kapag napasok na nito ang kanyang sistema.
At Kung alam niya lang rin na aalis pa ito ng ganitong oras sana hindi na niya ito inihatid. Saan naman niya maaring dalhin ang babaeng iyon kung saka-sakali naman.
Hey Jared! Parang wala ka sa sarili mong pag-iisip! Bulyaw niya sa kanyang sarili. May palagay siyang Bar ang susunsunin ng mga ito pag nasa ganitong oras na naman ang labas nito.
Kanina lamang ng makita niya ito nais niyang yakapin ito kuyumusin ng halik sa mga labi nito, nagpipigil lang siya. Ilang gabi ba niyang pinanabikan ang mga labing iyon, kahit pa nga na halos magkasama na sila ni Nicole, Alexandra should always remain in his mind! That's so cruel! Halos isang linggo rin niya itong hindi nasilayan mula noong sinundo niya ito sa isang mall hangang sa maihatid niya ito.
Ang tuwid nitong buhok na hinayaan lamang nitong nakasabog sa mga mukha nito kanina, at naka-ngusong bumaba ito sa kanyang sasakyan. Iyon ang pabalik-balik na eksina sa kanyang isipan. Batid niyang nag damdam ito. Kaya ba naisipan nitong lumabas naman ng dis-oras ng gabi?
"Hayaan mo na, May sarili na 'yong pag iisip." Pampalubag niya sa sarili. At tinigma niya ang daan patungo sa condo niya sa Ortigas. Bahala siya sa buhay niya.
Kung siya lang ang intindihin ko baka masiraan siya ng ulo. Hindi nga ba? Ilang araw na siyang nasisiraan ng ulo ng dahil na rin sa dalaga. May kung ano uring gayuma meron ito at akit na akit siya at mula noong ay hindi siya nito tantanan ay parang may magic spell itong ginawa sa kanya.
"Damn!"
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomanceAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!