Chapter 9

504 13 0
                                    




MAY USAPAN pala sila ni Jam na mag sho-shopping this afternoon.

Naka ilang hugot na siya sa closet niya, Napag pasyahan niyang faded mini-skirt at tube tank-top white cotton shirt. At mabilis na inayos ang buhok at mukha. At mabilis na bumababa.

"Ohh Morning Nana Minda si Kuya po?"

"Gising ka na palang Bata ka, ipaghahain na ba kita? Kakatawag lang dito daw siya mag la- lunch, pinapasabi niyang hintayin mo siya."

"Naku Nana Minda naman may lakad ako eh! Mag sho-shopping ako, Kukunti na lang ang damit ko." She pouted.

"Naku kukunti pa ba iyon, halos hindi mo nga nasusuot lahat. Kayo talagang mga kabataan ngayon eh, alang pakundangan kung gumastos. Sabagay 'yang suot mo'y kinulang na sa tela." Napapailing na sabi nito.

"Kaya nga ako mag sho-shopping dahil laging kulang sa tela 'yong mga damit ko." Pairap din na sagot niya.

"Basta nag bilin ang Kuya mo na pag nagising ka, hintayin mo siyang dumating."

"Importante daw ba?" Ilang saglit lang narinig na nila a

"Ohh yan na ata may nag bubusina na." sabi nito habang papalabas ng pinto.

"Masesermunan naman ata ako nito," Bulong niya.

Ilang saglit pa naririnig na niya ang papalapit na yabag nito.

"Alexandra saan naman ba ang lakad mo?" tanong agad ng Kuya Glenn niya.

"Mag Sho-shopping lang Kuya."

"Mag Sho-shopping ka ganyan ang suot mo! Palitan mo nga iyan!" asik nito sa kanya sabay turo nito sa suot niya.

"Kuya naman eh, anong ayaw mo sa suot ko?" nag paikot-ikot pa siya dito.

Pinitik nito ang ilong niya,

"Aray!" Sabay hawak sa ilong niya, umaabot lang sa kalahati ng kanyang bilogang hita ang kanyang suot na skirt, ang top naman niya ay tube cotton white lang pero lapat na lapat naman sa kanya na lalong na emphasizes sa kanyang katawan.

"Alexandra, Wala ka na bang damit na pwede mong ipalit dyan? Masyadong reveling madami ka namang damit na pwede mong ipalit d'yan." Matigas na sabi nito.

"Kuya....Ano ka ba? You are so old fashioned, saka ito ang IN ngayon."

"Anong IN ang sinsabi mo, eh halos wala kang itatago na d'yan."

"Hindi ka pa nasanay eh halos naman lahat ng damit ko ay ganito. Saka...kaya nga ako mag sho-shopping eh, bibili ako ng bagong wardrobe ko." nguso niya dito.

"Okay- okay ang tigas nang ulo mo, Kung hindi ako nagmamadali ngayon nungka papalabasin kita. But next time I won't allow you to wear like that! Change your top! Masyadong daring, marami ka pang maipapalit d'yan." Taboy nito sa kanya, padabog niya itong sinunod.

"So pahihiramin mo ako ng card if you don't want to see me like this!" Hinagod niya ang sarili.

"I would change my whole wardrobe..." Pangaasar niya rito

" Wardrobe mo? Ano ka si Imelda! Wag mong sabihin buong closet mo ang papalitan mo? I won't allow that! Imagine yong buong sweldo mo d'yan napupunta at abunado pa ako." Sermon nito at napapailing na sinundan niya ng tingin.

Pag dating sa kanya, masyadong strict ang Kuya niya lalo na sa pananamit, naalala pa niya noong High school pa siya, minsang nagpasama siya na bumili ng damit dito. Ito pa ang pumili, pinag-giitan talaga nito sa kanya ang nagustuhan nitong damit, keso raw na mas presentable tingnan at maayos ang tabas. Grabe sa baduy at wala sa panahon. Mula noon never na siyang nagpasama dito masisira ang fashion statement niya pag ito ang sinunod niya. Napailing siya na lamang.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon