Chapter 28

529 12 0
                                    

ANG TANGA-TANGA ko akala ko ay gusto din niya ako, ano ba ang kulang sa akin, Halos manlambot siya, at nanginginig ang mga tuhod niya ng mga sandaling iyon.

God!

Hindi ba ito nakakahalata, halos ipagduldulan na niya ang sarili dito pero, anong ginagawa nito, tumatangi pa! God tell me what to do! Kulang na lang ipagsigawan na niya ang kanyang nararamdaman.

Kahit masama ang pakiramdam, pinilit niyang magbihis at ayusin ang sarili. Naka pag disisyon na siya lilisanin na niya ang lugar na iyon, lalo lang siyang mahihirapan kung nasa malapit lang ito.

Kahit gaano pa man kasama ang panahon. Kahit malapit ng lumaganap ang dilim wala siyang paki-alam. Ang importante ay maka-alis siya sa lugar na iyon, harangan man siya ng sibat ni Jared hindi siya nito mapipigilan..

Napasukan ni Jared si Alexandra na inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Habang sambakol ang mukha. Hindi pansin ang pumasok na si Jared.

"Where do you think you're going?"

Inignora niya ang sabi nito. Ngunit mabilis siyang nilapitan nito. At ubod siyang mahigpit na hinawakan nito sa isang braso.

"Saan ka sabi pupunta?"

"Uuwi na ako!"

"Ganon ba? Sige mag papakamatay ka ba? Alam mong may sinat ka pang nalalabi! Bakit nangngangati na naman ba ang paa mo at kung saan na man balak pumunta!"

"Pakialam mo! FYI! Kahit mamatay ako, wala akong pakialam, basta gusto kung umalis dito at ayaw kitang makasama pa!" nanginginig na isigaw niya rito ang kanyang niloloob, dala ng labis na tension at galit.

"Ganon!"

Bigla siya nitong hinila papalapit, At mabilis na pinatahimik ng mariing halik nito ang mga labi niya. Nang sa umpisa'y mapagparusa. Ngunit ng lumaon ay naging mapanuyo na.

Hangang sa manaig ang pusong nag mamahal pa rin ni Alex. At nasasaktan lamang. Nilasing naman siya ng mga halik at haplos ni Jared....

"Mahal kita...." Paos na sabi niya.

Mabilis siyang binitawan ni Jared na marinig ang mga salitang binitawan niya. Tila ba binuhusan ng isang balding malamig na tubig ito sa mga narinig nito mula sa kanya.

"Jared..... Mahal kita..." umiiyak na ulit niya.

"God! Narinig mo ba ako Mahal kita.." Nagsumamong sabi niya rito.

Ilang saglit rin itong natigilan sa sinabi niya.

"Hindi mo ba akong kayang Mahalin Jared?" Paos na sabi niya.

"God! Alex.. What did you said?"

"Jared, I said...I love you. Mahal kita, mahal na mahal kita. Bata pa lang ako minahal na kita..."

Wala pa ring sagot mula kay Jared, parang nang hinaan na siya ng loob, lakas loob niyang inilabas ang kanyang nararamdaman para rito.

Pakiramdam niya sasabog siya ng mga sandaling iyon, Sa oras na hindi pa niya rito nasabi kung ano ang nararamdaman niya.

Kahit walang katugon o pagtawanan siya nito, who cares! Ang importante nasabi na niya. Hindi naman siya humuhingi ng katugon, ng kapalit.

Batid niyang may ibang mahal ang binata, hindi niya ipagpipilitan rito ang sarili. Napapikit siya ng mga sandaling iyon, ayaw niyang makitang naka-ngisi ito sa kanya ng mga sandaling iyon, at kasabay niyon ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon