Chapter 24

471 11 0
                                    




NAKA-ILANG ikot na ba siya sa buong ground ng rest house na ito, ngunit wala siyang makitang pwedeng madaanan man lang niya, may maliit na gate sa bandang likuran ngunit nakasara naman at may pad lock din iyon. Tanaw niya sa bakod na may ilang damong umaakyat na rin sa bakod mula sa kabila, may palagay siyang magubat ang nasa kabila.

Magtatatlong araw na siya dito, ni-ho ni-ha walang Jared man lang na dumating. Natutuo siyang magluto ng sarili niyang pagkain, kahit nasunog yong sinaing niya tinis niyang kainin iyon, dahil gutom na gutom siya, hindi naman niya kayang kumain ng noodles sa buong araw, hindi kayang tangapin ng sikmura niya. Naglalaba na rin siya dahil iyon lang ang dala niyang damit, kailangan talaga niya, kaya wash and wear siya.

Kaya nagkasugat-sugat ang daliri niya kahit iyon lang ang nilalabhan niya, hindi naman kasi siya sanay maglaba, lalao sa maong medyo may kakapalan mahirap kusutin, mabuti na lang merong malalaking t-shrit sa cabinet na inuukupang kwarto niya, at merong mga underwear na hindi pa gamit dahit nandoon pa and brand tag nito, duda siyang kay Nicole iyon,

Ayaw man niyang gamitin but she hadn't choice, mag-iinarti pa ba siya eh mangangati siya, hindi naman siya sanay ng walang panting suot. Naglilinis rin siya ng bahay, lahat ng sulok ata winalis na niya, punas dito punas doon ang ginawa niya, hindi lang niya napasok yong kabilang silid na katabing silid niya dahil naka lock iyon. Pakiramdam niya OFW siya.

Kahit papano naibsan ang pagkainip niya sa maghapon dahil inaabala niya ang kanyang sarili sa trabahong bahay, aminado siyang marami kaagad siyang natutunan. Ang hindi niya nagawa sa kanila dito nagawa niya.

Ano kaya ang sasabihin ng mga kaibigan ko, si Kuya tumawag na kaya? Ang walang hiyang lalaking iyon iniwan ako dito ni hindi lang naman nag abalang tawagan ako o kamustahin. Paano nga naman siya nito tatawagan wala yong cell phone niya, at wala ring linya ng telephono, 'sang lupalop ba siya ng laguna naroon.

Mabuti na lang pumupunta si Mang Jose tuwing umaga para dalhan siya ng sariwang gatas ng kalabaw at mga prutas. At lutong pagkain na rin, ibinilin din pala siya nito sa katiwala kahit papano, may puso naman pala ang lalaking iyon. Hindi nga lang siya nito masasamahan dahil may sarili rin itong bahay at merong mga alagang hayop ang mga ito. Ayaw naman niyang magpabigat rito, pero may assurance naman itong very safe ang lugar na iyon para sa kanya. Malaki pala ang farm ng mga Mendez sa Laguna, Ayaw niya lang mamasyal, kinatatamaran na niya.

TINALUNTON niya ang daang papunta sa Green House dahil sa sobrang inip at kawalan ng magawa. Maraming Ornamental Plants, at Orchids lalo't may ibat-ibang breed, kulay ang mga ito.

Napa "Wow" talaga siya ng makita niya iyon, mga imported halos ang lahat ng na-breed, ang dami-dami niyang gusto, mga favorite niyang kulay. May isang uri ng Orchids ang agaw pansin sa kanya, Isa itong Black na may combination white. Kung nanaisin ni Jared magtayo ng Flower farm dito ay pwedeng-pwede.

Hmm.....Mukhang makakahiligan na niya ang mga bulaklak. Kahit ganito kalayo sa bayan ang lugar na iyon ay Okay lang, ayon kay Mang Jose, may Isang oras pa ang tatakbuhin ng sasakyan bago ka makarating sa Centro.

"Wow ang ganda naman nito," sabi niya at sinamyo ang amoy nito.

Napansin din niyang madaming tuyong dahon na at mukhang hindi pa nadidiligan man lang. Agad nag hagilap ng pwedeng gamitin. Kahit papano noh alam din niya kung papaano mag spray ng insecticide sa mga halaman. Nakita ata niya kay Jamela at Tricia kung paano ang ginagawa ng mga ito sa mga halaman sa maliit na espasyo ng mga condo unit nito. Dahil ang mga kaibigan niya ay mahilig sa mga bulaklak.

"Lilinisin ko kayo ha, Hindi dahil binilin kayo sa akin ng unggoy ninyong Amo Kaya ko kayo aalagaan, Kitang-kita naman sa inyo na ilang araw kayong hindi nadidiligan."

Kausap niya sa mga bulaklak, habang sinisimulan niyang tangalin ang mga tuyong dahon nito... Mas mabuti raw kung kausapin rin ang mga halaman paminsan -minsan para raw magbigay ito ng maraming bulaklak.

"Ang gaganda ninyong tingnan," patuloy niya habang insprayhan niya ng tubig ang mga ito.

Wiling-wili na siya sa kanyang ginagawa at hindi na niya namalayan na madilim na pala sa labas. At mukhang uulan pa ata dahil medyo madilim ang kalangitan kahit five o'clock pa lang ng hapon, sabay nasa probinsya siya kaya siguro ganon.

Dahil doon pinag patuloy pa rin niya ang kanyang ginagawa. Nang makaramdaman siya na pumapatak na ang ulan na tumatama sa kanyang mukha mula sa pinaka bubong ng green house na gawa sa screen. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa. Ilang saglit pa nakarinig na siya ng pagkulog.

"Paano babalikan ko kayo bukas ha. Madilim na rin at nakakagutom rin pala ang pag aasikaso ko sa inyo." Bulong niya. Kung may makakarinig lamang sa kanya mapag-kakamalan na siyang may sayad, dahil kanina pa siya dakdak ng dakdak sa mga ito.

Kahit malakas pa ang ulan hindi niya alintan ito, patuloy pa din siya sa paglakad kahit medyo may kalakasan na ang ulan Itinupi pa niya ang laylayan ng kanyang pantalon upang hindi mabigat sa paglakad. At batid niyang nag iisa siya lamang dahil madilim pa rin, walang ilaw pa rin ang loob ng Rest house.

Nang medyo lumakas pang lalo ang ulan, nag tatalon siya sa tuwa, dahil ang huling ligo pa ata niya sa ulan ay grade school pa siya. Dahil lagi siyang pinag babawalan at pinag sasabihan ng Kuya niya na h'wag maligo sa ulan, dahil mahina ang pulmon niya. Lakad-takbo, talon ang ginawa niya ng makarating sa harap nang Rest House.

Agad na hinubad ang suot na pantalon at damit, itinira niya ang kanyang panloob, batid niyang nag iisa lamang siya wala naman sigurong makakakita sa ganong itsura... Agad na inihagis niya ang mga ito sa kalapit terrace at ipinag patuloy ang pagtampisaw sa malakas na ulan.

Nang makaramdam nang panginginig ng buong katawan saka pa lamang naisipang pumasok sa loob at umaakyat sa kanyang inuukupang silid. Agad na naligo at nag hanap ng mapag bihisan.

"Shit! Wala akong damit na maisusuot," Agad na naghalungkat sa loob ng closet, mabuti na lang may nakita pa siyang unused underwear. Hindi kasi siya nakapaglaba kanina gawa ng kumikirot pa rin ang sugat niya sa kamay pag nakababad sa sabon.

"Mukhang kay Nicole pa din ito ah," inis na wika niya.

"Hmmp! I don't care kung kay Nicole pa, ang importante may maisusuot siya't nilalamig na talaga siya, Naku pano pag sinumpong siya ng hika niya rito siya wala yong portable inhaler na daladala niya lagi.

Bahala na nga, minsan lang siyang maligo sa ulan ng walang asungot, walang Kapatid ang sisita sa kanya ngayon, so why she be anxious she want to enjoy, ngayon niya nga lang na-enjoy ng husto.

Nang walang makitang maisusuot, lumipat siya sa kabilang silid sinira niya ng ang padlock ng doorknob nito ginamitan niya ng fork, bahala na wala siyang options, at ng makapasok naghagilap siya ng maari niyang maisusuot. Napansin niyang halos malalaking t-shirt ang laman ng nasa closet kumuha siya ng isa at mabilis na isinuot agad. Alam niyang iyon ang inukupang silid ni Jared ang napasok niya, my personal TV set doon at air-condition pa.

"Dito na nga lang ako" sabi niya habang binubuksan ang TV. Lumabas muna siya saglit at kumuha ng makakain sa Ref, Fresh milk at cake, agad nag sliced siya dinala na sa silid.

Plano talagang iwan siya dito ni Jared dahil puno ng makakain ang refrigerator, karamihan ay favorite niya.

Nang makapasok sa silid ni Jared agad nilantakan ang dinalang cake habang nanood ng TV. May bagyo palang darating ngayon. Kaya pala biglang naging masama ang panahon. Naka tulugan na niya ang panood ng TV. Nagising siyang tila lamig na lamig at patuloy pa rin ang malakas na ulan sa labas. Agad na inayos ang sarili at tumalukbong ng kumot dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam niya.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon