Chapter 31

1K 16 17
                                    




TULOY-TULOY niyang binagtas ang building kung saan ito nag oopisina, nasa Mandalayong iyon, nasa ika- twenty five floor ang inuukupa nito ang buong palapag. Ma buti na lang wala siyang kasabay sa elevator ng mga sandaling iyon, pwede siyang mag rehearse ng kanyang sasabihin sa binata, gusto niya itong sumbatan dahil parang iniwan siya bigla nito sa Ere.. Maraming tanong siya rito at marami rin siyang nais malaman rito. Pag sapit sa ika- twenty fifth floor, agad siyang lumapit sa receptionist,. Tinanong niya kung nasa loob ba si Engineer Mendez. Nang sabihin nitong OO, hindi na siya nag atubiling iiwan ito. Tuloy-tuloy siya sa isang pinto kung saan nakalagay roon CEO President. Nasa kanang bahagi nito ang isang babaeng inuukupa ang isang cubicle room, batid niyang ito ang Secretary nito.

"The CEO expecting me. His here?" Tanong niya rito.

"Yes Maam you have an appointment with Engineer Mendez, could you please wait for a moment..." Habang inaabot nito ang kawad ng telepono.

Ngunit hindi na siya nag paawat, agad niyang tinalunton ang isang pasilyo at kanognog nito ang private office ng binata. Agad niyang pinihit ang seradura ng silid. Halos manlaki ang ulo niya ng mga sandaling iyon. Hindi siya nakapagsalita sa nadatnang eksina. Halos manlaki ang mata niya, sa nasaksihan. naka kandong ang sexing babaeng ito sa binata at halos hindi magkamayaw sa pagkikipaghalikan ng mga sandaling iyon. Animo, mga gutom at sarili nila ang mundo ng mga sandaling iyon. Hindi man lang natinag ang mga ito sa presinsiya niya.

Nanginig ang buo niyang kalamnan sa mga sandaling iyon, kasabay niyon ang tuloy-tuloy na bumagsak sa mag kabilang bahagi ng kanyang mukha ang kanyang mga luha. Kaya ba hindi siya pinagka-abalahang kamustahin nito dahil ang babaeng ito ba ang nakakapagbigay ng isang bagay na hindi niya ibinigay. How couldn't so naïve!

"Sir sorry hindi ko po napigil si Miss tuloy-tuloy po siya kasi." Nauutal na sabi ng Sekretarya nito. Na nakasunod pala sa kanya. Ramdam sa boses nito ang nerbiyos baka makagalitan ng Amo.

Doon pa lang tila nahimasmasan ang mga ito. Parang nakakita ang mga ito ng multo ng mga sandaling iyon, lalo na si Jared. Pero sa babaeng kaulyaw nito na walang iba kundi ang glmorosang si Nicole Teves. Wala itong pakialam sa presinsiya nila ng sekretarya. Hindi man lang ito natinag sa pagkakandong sa binata. Nakayapos pa rin ang mga kamay nito sa leeg ni Jared.

"Yes! Anything you want to say?" Nakataas ang kilay nito paukol sa kanya. "Hon I know she one of your tenants siguro, but hindi naman siguro tamang magtuloy-tuloy siya rito sa private office mo." Baling nito sa binata.

"Sorry Sir hindi ko lang po siya napigil." Singit muli ng Secretary. Tumikim muna ang binata, bago ito sumagot na nakatunghay sa kanya. Sa nakikita niya sa mata ng binata hindi niya nababasa kung anong emosyon meron ito ang nakikita niya sa mga mata nito. Dala ng labis na nasaksihan sa mga sandaling iyon, mabilis siyang lumabas ng silid na iyon.

"Its Okay Ms. Tina." Narinig pa niyang sabi ng binata sa babae.

Tuloy-tuloy siya sa Elevator, maswerting pababa na rin ito, dalawang palapag na lang at makakasakay na siya. Halos hindi niya mapigil ang luhang lumalabas sa kanyang mata. Mabuti na lang dala-dala niya ang kanyang big black shades at naisuot kaagad niya bago pa man bumukas ang elevator. Kahit tigmak ng luha ang mukha niya ng mga sandaling iyon, wala siyang pakialam kahit naka tingin sa kanya ang lahat ng lulan ng elevator. Wala siyang maisip sa mga sandaling iyon, ang gusto niya lang ay makalayo siya sa lugar na iyon.

Agad siyang sumakay ng Taxi at nagpahatid sa bahay nila. Mabilis siyang inakyat ang silid at nagpalit ng damit, isang skinny jeans ang mabilis niyang sinuot at isang spaghetti tank top na violet ang pinili niya. Mabilis siyang naglagay sa kanyang tote bag ng isang set ng underwear, at isang tank top uli. At ang iba pa niyang gamit. Mabilis na kinuha ang kanyang favorite na Jacket na nakasabit lang sa pinto ng kanyang silid at nagmamadaling bumaba.

Agad niyang tinungo ang kanyang Big bike. Mabilis na chenik ang fuel nito, ng makuntento agad na nilagay sa U -box nito ang kanyang tote bag at agad isinuot ang kanyang helmet. Ilang saglit pa isa na siya sa mga motoristang animo nakipag habulan ng mga sandaling iyon. Nais niyang lumayo muna, mag isip at mag tangal ng sama ng loob. Kahit four o'clock na ng hapon masakit pa rin sa balat ang sikat ng araw, mabuti na lang suot niya lahat ng protection.

Umaangil ang tunog ng Motor niya sa kahabaan ng Edsa, nag mistulang laruan na animo'y ginamitan ng remote control dahil sa sobrang bilis, parang doon niya binuhos ang sama ng loob na nararamdaman, ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Saan ba siya maaring pumunta? Hindi niya alam, basta nais lang muna niyang lumayo. Binaybay niya ang SLEX na animo nasa isang motor raze siya ng mga sandaling iyon.

Binagtaas niya ang daan patungong Batangas. Doon muna siya magpapalamig. Halos isang oras lang niyang tinakbo ang Batangas, its already Six evening, Gumawi muna siya sa isang Mall roon, pinilit niyang kumain muna sa isang sikat na past food chain. At mabilis na pumasok sa Department store, agad niyang tinungo ang women's section. Tinungo niya kung saan naroon ang mga swimsuits attire. Agad siyang pumili ng kanyang nagustuhan dalawang pares ang napili niya isang Red ang kulay na one piece pero makikitang masyadong revealing nito. Batid niyang babagay ito sa kanya. At ang isang pares naman ay Black bikini style. Mabilis niyang binayaran iyon at agad na tinungo ang kanyang Bigbike.

Ilang saglit naman nasa kalsada naman siya, tinutugma niya ang daan patungo sa Anilao Batangas kung saan siya maglalagi. Its almost four years ang nakalipas mula ng magtungo silang magkaibigan rito.

Dito nakalimutan niya ang kanyang iniisip, siguro naman bago niya maiwan ang lugar na iyon, limot niya na ang Binata.

She sighed!

Kahit papano nabawasan na rin ang paninikip ng kanyng dibdib, dala rin siguro na hawak niya ang manubela ng kanyang motor. Pasaan ba't makakalimutan rin niya ang lalaking iyon,

Hindi pasaan ba't?

Pipilitin niyang kalimutan ito. Bago dapat niya lisanin ang lugar na iyon ay limot na niya ang binata. Ganon lang ba iyon kadaling gawin halos buong buhay niya mula ng magkaisip siya si Jared na ang itinatangi niya, magagawa ba niynag iwaglit ito sa kanyang isipan. She could be? How come? Kaya niya kakayanin niya? Ang daming tanong ang pumapasok sa kanyang magulong isipan.

Dahil Summer pa rin kahit patapos na ang buwan ng May, marami pa ring nagbakasyon. Doon niya pa rin pinili mag check in sa Villa Anastacia, It has been four years ng nangaling silang mag kaibigan roon. Now maraming ng nagbago, mas lalong naging progressive ang Hotel and Resort na iyon. Its feel relaxing, ang ganda ng simoy ng hangin, magugustuhan niya ang kanyang pamamalagi sa lugar na iyon. Pinili niyang ukupahin ang isang cottage na medyo nasa dulong bahagi na ng resort, mas gusto niyang malayo siya sa karamihan.

Pressure or restlessness ay hindi na niya alam. Ang gusto niya ngayon ay ibigay ang gusto ng kanyang katawan na makatulong kaagad. Nakatulong ang hot bath upang makaramdam siya ng antok. Wala siyang dalang damit gaano, ngunit hindi niya nakaligtaan dalhin ang kanyang favorite t-shirt na ginagawang pantulog.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon