Chapter 14

438 9 0
                                    





NANG mapadaan sila sa harap nang isang Bar and Restaurant, tanaw sa labas ang mga waiters na paroon at parito. Parang kidlat na bumalik ang kanyang paningin sa main entrance nang mahagip ng tanaw ang lalaking pinag uusapan nila.

Nasa Glorieta Mall sila ng mga sandaling iyon. Napagkasunduan nila ni Jamela na doon na sila magkikita, mula noong huling labas nila.

Mabuti na lang nasa kasalukuyang nasa Shangri-La Mall siya kanina ng tumawag ang kaibigan niya na magkita sila, kasalukuyan namang kinuha niya ang sasakyan ng Kuya niya na mag-iisang linggo na ring naka park sa nasabing mall.

Nawala sa isip niya ang bagay na iyon kaya ngayon niya lang ito napagtuonang pansin. Kaya ayaw na ayaw niyang magdala ng sasakyan mas nais pa niyang gagamitin ang kanyang Bigbike di pala kanya, sa Kuya niya pa iyon. Oh kaya'y mag commute na lang siya.

"Tsssk! Kung sswertihin ka nga naman.....lal lalalala" napapakanta siya ng mga sandaling iyon.

"His, here " pahayag ni Alex nang makita niya si Jared na nakaupo sa isang mesa kasama ang isang middle-aged na lalaki na paubos na ang buhok.

Hindi pa siya napapansin ni Jared. She noticed that he looked miserable. Parang gustong-gusto na nitong lumayas sa lugar na iyon.

"Lalapitan mo ba siya" Tanong ni Jam.

"Well Yes! As you can see, this is my chance, Ka-careerin ko na!

"Go Gurl!" tuwang-tuwang wika nito.

"How do I looked?" tanong niya, sinipat ang damit.

"You looked irresistible. Lapitan mo na siya, bilis. Ako naman, maghahanap ng cute dito."

"Okay ano sa tingin mo Sis, hindi ba nakakahiya na lapitan ko siya, baka importante ang pinag-uusapan nila?..."

"Why not! this is your chance, parang inaadya diba and look he looked miserable at the moment parang ayaw niyang kausap si Tatang." Naka ngusong turan ni Jam.

"Okay sige ka-career-in ko na to....Take my car...Ikaw na bahala..." Inaabot niya rito ang susi.

"Yea...tamang-tama hindi ko dala si Red coding niya ngayon, idadaan ko na ito sa bahay n'yo total sa Wack-wack lang naman kayo, magtataxi na lang ako patungo sa condo malapit lang naman....Go go go! Galingan mo Inday!" pang cheer pa nito.

"Okay Jam thank you...."

"Its okay alalahanin mo may raise tayo d'yan, I was imagining my new looked Hermes.... Kung hindi mo maipapanalo yan ....What do you feel...."

"Yea me too.. Chicken feed lang 'yan. But please now, saka ko na iyan problemahin...ito muna ang uunahin ko, Babu!" Pakinding-kinding na iniwan niya ito.

"Korak go..go...that's my girl! Sige eh kinding mo pa!" Sigaw nitong Kumaway kaway pa itong iniwan niya.

Humakbang siya palapit sa kinaroroonan ni Jared. Patingin-tingin ito sa paligid, tila na bored na bored na. Dinaanan siya nito ng tingin, pagkatapos ay bigla ring bumalik sa parang natuklaw ito ng ahas.

Umupo siya sa kandungan nito, nang makalapit siya rito.

"Hello, Lover Boy!" She smiled sweetly at him.

Nakamaang pa rin ito.

"Miss hindi nag hahanap ng ka- table yang kasama ko, Miss Beautiful. Dito ka na umupo sa tabi ko."

"I'm sorry Mr. Siya ang type ko." Pa cute niya dito.

"Hmm Mr. De Lemos! She not a worst that you could ever think!" Mariing sabad nito.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon