MALAYO pa lang batid niyang si Alexandra na ang paparating dahil tunog pa lang ng sinasakyan nito ay kabisadong kabisado na niya. Natatanaw na n'ya ang Big Bike ni Alexandra ng mga sandaling niyon.Naikuyom niya ang kanyang mga kamay halos mahigit tatlong oras rin siyang naghintay sa pagdating nito, muntik na nga siyang makatulog sa loob ng kanyang sasakyan sa kahihintay, kung hindi niya na pagpasyahng lumabas malamang ang sarap na ng tulog niya.
Mas pinili niyang sa labas na lang muna maghintay kaya pinili niyang umupo taas ng hood ng kanyang sasakyan upang maiwasan niya ang pagkainip sa kakahintay rito. Halos mapudpod na ang kanyang daliri sa kakapindot ng numero nito ngunit kung bakit hindi niya makontak ito.
Nagsalubong ang kilay niya, kitang-kita niya kahit may kalayuan pa kung gaano ito kabilis magpatakbo parang kanya ang kalsada hindi ba nito naisip kung gaano kadilikado ang ginagawa nito.
Malilintikan talaga ito sa kanya!
Makikita nito inuubos na nito ang kanyang pasinsiya. I could crew her beautiful neck with his bare hand.
Dapat turuan ito ng leksyon, dahil mahirap putulin ang sungay ng batang paslit lalo't may kaitagasan na, maaring hindi ito napalo o maari rin nag kulang ang mga magulang. Kaya ayon sa mga matatanda habang bata pa putulin na.
Eh kung ganito na kay Alexandra may pagkakatanda na hindi na palo ang kailangan nito. Ano kaya ang maari niyang gawin ng matuto ito? Puwes magalit na ang magalit ito sa kanya, sumusobra na ang ginagawa nito.
Naikuyom niya ang kanyang mga kamay ng sulyapan niya ang kanyang wristwatch ganap na ika-tatlo na ng umaga, halos tatlong na oras rin siyang naghintay rito.
Mas ninais niyang dito na lang niya ito hintayin kaysa naman isa-isahin niya ang mga bar sa buong kamaynilaan kahit isang linggo siguro niyang gawin iyon ay hindi niya ito makikita. Agad siyang bumaba sa pagkakasampa sa hood ng kanyang sasakyan.
"Saang lupalop ka naman galing!" Galit na sita niya dito.
Parang nagulat ito na nandoon siya. Pulang-pula ang mukha nito ng mahubad nito ang suot na helmet nito, amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na nahahaluan ng nainom nitong alak.
"Hey! What you're bring you here?" Nag stammers na sabi niya dito.
Noon lang niyang nakitang nagalit ito. Hindi man ito galit sinusungitan naman siya. Pero this time nag gagalawan ang mga ugat nito sa noo. Pilit niyang pinanatag ang sarili, kahit pa nanginginig na ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa manubela ng kanyang bigbike
"Alexandra saan ka galing! galit na wika nito at pahiklat na hinila siya pababa sa motor. At hinila siya nito papalapit dito, para siyang sitaw na lantang-lanta ng mga sandaling iyon.
Ga-dangkal lang ang lapit nito sa mukha niya langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito.
"Nasasaktan ako Jared! Let me go!" sabi niya dito.
"Masasaktan ka talaga!" patulak na ipinasok siya sa sasakyan nito.
"Diyan ka lang! H'wag mo kung gagalitin ng husto Alexandra!" duro nito sa pagmumukha niya.
Nakiramdam lamang siya sa mga ikinkilos nito, ipinasok nito ang kanyang Big-bike sa loob ng compound nila.
"Shit! yong cell phone ko nasa U-box ng motor paano ko makukuha iyon!" nandoon rin ang wallet niya, sabay hawak sa pinto ng sasakyan para mabuksan. Ngunit naka lock na ito.
"Shit! Shit! ni lock ng unggoy na 'yon! Pano na?" Bulong niya.
Mamaya-maya lang natatanawan niya itong papalabas na at isinara ang gate nila.
At ilang saglit pa ay kaharap na niya ito.
"Hey! Yong cell phone ko nasa compartment ng motor ko." Sabay hampas niya sa balikat nito.
"Nakakainis ka!"
Walang ano-ano bigla nitong pinaharurot ang sasakyan, bigla siyang napasobsob at napangod-ngod sa dashboard.
Shit!
"Beast! Ano ba! Dahan-dahan naman!" Bulyaw niya rito.
Gigil na gigil siya sa kinauupuan niya. Lintik lang na walang ganti Jared. Mariin niyang bulong sa sarili. Saan kaya siya nito dadalhin? palihim niyang sinusulyapan ito. Matiim itong naka hawak sa manubela.
Dala nang nainom na ilang bote ng San Mig Light ilang saglit pa nakatulog na ito sa kinauupuan. Nilingon niya ito, very clumsy talaga ang babaeng ito. Nakanganga na ang bunganga nito. At naka yong-yong na sa upuan ang ulo nito.
Agad niyang ginilid ang sasakyan at iniayos ang dalaga sa mas komportableng pag kaka-upo nito. Natigilan siya ng matingnan ang medyo naka buka nitong mga labi na likas na mapupula.
Napalunok siya, nang masamyo niya ang mabangong hininga nito, na may halong alak, ngunit hindi iyon kabawasan para dito, bagkus lalo pa iyon ang nagbigay sa kanya ng kakaibang nararamdaman. Para siyang binuhusan ng isang barrel ng gasoline ng mga sandaling iyon.
Hindi niya nagawang pigilan ang sarili na haplosin ang makinis nitong mukha at ilang saglit pa ginawaran niya ito ng isang mabining na halik sa mga labi nito.
Napahilamos siya sa kanyang mukha, at napabuntunghininga.
"Ano ka ba Jared! napakabata pa ni Alexandra para sa iyo. Hindi siya nanababagay sa iyo." Bulong niya
Habang pinag patuloy niya ang kanyang pag mamaneho. At sinong babagay sa kanya? Tanong niya sa sarili?
Ang mga kaedad niya walang alam kundi gumala. Gala dito gala doon ang alam gawin, at magpasarap sa buhay. At pagkatapos what now? Hindi niya papayagan pag nagkataon.
She's mine! mula ng pinasok nito ang sistema niya.
Ilang saglit pa nasa harap na sila ng kanyang Rest House. Agad siyang bumusina at binuksan naman ng kanyang katiwala ang gate. Ganap na alas-cinco na rin naman ng umaga kaya gising na ang mag asawang katiwala. Agad niyang binuhat ang dalaga at dinala sa ika-lawang palapag ng bahay at inihatid sa guest room. At minsan pa niyang nasilayan ang napaka-amo nitong mukha.
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomansaAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!