Chapter 25

481 9 0
                                    




HINDI MAPAKALI si Jared, panay ang ikot sa loob ng kanyang sariling silid. Pinauwi na niya si Nicole ng madatnan niya ito sa kanyang condo. Wala siya sa mood maki-pagtalo at pakingan ang mga tantrums nito.

Few days pa lang mula ng hilingin niya ritong kailangan na niya ang kanyang kalayaan mula rito nais na niyang makipaghiwalay na. At malimit niyang napansin na nagiging demanding na ito sa kanya, this fast few weeks, nagiging possessive ito at naging demanding na rin ito.

Bago sila nag simula napag-usapan nilang no string a touch, may kanya-kanya silang buhay. Sabagay hindi niya ito niligawan basta nagising na lang siyang umaga na katabi na ito sa higaan, at iyon na ang simula. Kaya batid niyang tapos na naman dahil hindi niya rin alam kung kailan nagsimula relasyon. Naalala pa ang huli nilang magkausap.

"I hated to say good-bye Nicole but this is for our own good."

Unfair naman rito, kung ipagpatuloy pa nila ang walang kasiguruhang relasyon, maybe he could say their relationship are physically contented but not emotionally involved. Bias lamang siya, magiging kawawa lamang ito sa kanilang relasyon kung ipipilit pa rin nito ang gusto nitong mangyari.

Pakiramdam niya, nasasakal na siya sa company nito. Ngunit pag dating naman kay Alex kahit sandali lang niyang nakasama si Alexandra nagagawa nitong patawanin siya sa munting pag kislot ng mga labi nito, sa mga kilos nitong nakakatuwa, at ang pagiging makulit nito ay nagbibigay sa kanya ng sigla.

Iba ang dating nito sa buhay niya, kahit pa for the fast few years pinilit niyang itinaboy ang umuusbong niyang damdamin dito. Pilit niyang iniwasan ito dahil hindi siya nararapat dito.

Hell! kaibigan niya lang naman ang kapatid nito. Ilang beses ba siyang nagtangkang magtanong o makibalita kay Alex. Ngunit hindi niya iyon ginawa. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay, hindi niya papayagan mapaglaruan siya nito. Malamang na challenge sa kanya ang dalaga ng husto.

Puro na lang Alex! Alex! Alex! Bakit si Alex ang laging pumapasok sa isip niya. Napa hit-hit buga siya ng kanyang sigarilyo. Naka ilang stick na nga ba siya? mag mula kanina. Diba nga kanina nagbibigay na ito ng hint sa kanya. Ngunit binaliwala niya lang ito. Damn that woman!

Hindi ganito uri ng babae ang nanaisin niyang makarelasyon, A bully and a revel. Kung may pagkakataon pa siyang mamili mas gugustuhin niyang isang mongha na lang yong tipong nasa bahay lang hindi laging nasa labas, mahilig sa party at bar hopper ang isang ito.

Animo may balat ito sa talampakan at walang ginawa kundi magbilang ng poste ng Meralco sa buong kamaynilaan. Pero may magagawa ba siya, pinipigilan niya nga ang sarili para hindi makalapit rito, pero anong nangyayari para siyang mawawala sa sarili.

Agad siyang tumayo, hindi na siya nag aksaya ng oras at panahon agad niyang kinuha ang kanyang Jacket at lumabas. Ilang saglit pa pinaharorot na nito ang sasakyan gusto niyang tiyakin kung nakauwi na ang dalaga ng mga sandaling iyon. Bukod sa kanya ibinilin ng kanyang Kaibigan ang dalaga, mas higit pa ang nais niya rito, gusto niyang makausap ito ng masinsinan.

ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon