ALALANG-ALALA na si Jared kay Alex. Going to nine na nang gabi, patuloy pa rin ang pagbugso ng malakas na hangin at ulan. Dala marahil ng naturang bagyo, kaya halos ang buong Kamaynilaan ay madilim.Pati siya ay naantala sa pag uwi. Dahil halos dalawang meeting ang tinapos niya sa buong mag- hapon. At ngayon kakatapos niya lang ipatawag ang kanyang Board of Directors.
Sinadya niyang palipasin ang ilang araw bago niya ito babalikan si Alex, tinuturuan niya ito ng leksyon kung paano matuto sa buhay ng mag-isa. Lahat ng ginawa niya isinanguni niya sa kanyang kaibigan.
Agad na inimis ang kanyang mga gamit at mabilis na tinungo ang kanyang bagongo-bagong SUV black. At ilang saglit pa palabas na siya ng kamaynilaan, mabuti na lang may short cut na ngayon sa cavite, patungo sa laguna, ganon pa man bumper to bumper pa rin ang trapik, kasi nga naman kasagsagan ng lakas ng ulan, marami pa rin sa mga oras na iyon ang gustong makuwi sa kanilang tahanan, kaya kahit malakas ang ulan, pilit pa ring sinasagasa ng mga motorista.
Kung alam lang niya na sasama ang panahon sana kahapon pa siya bumalik ng Laguna. Ilang saglit pa tinutugma na niya ang daang papasok na ng Laguna, kung saan nandoon si Alex sa kanyang Rest house naghihintay.
"God!" Anong nangyayari na kaya kay Alex" Kinakabahang bulong niya.
Matapos ang medyo may katagalang biyahe dahil madaming balakid sa daan halos inabot siya ng tatlong oras sa tagal, dala ng naturang bagyo ilang saglit pa natatanawan na rin niya ang daan patungong Rest house.
Agad na bumaba ng sasakyan at mabilis na tinungo papasok. Nang nasa terrace na siya, napansin niyang may mga basang damit doon, agad niyang sinino ito. Alam niyang kay Alex ang basang pantalon at damit na iyon. Agad siyang pumasok sa madilim na bahagi noon at tinunton ang silid na inuukupa nito.
"Alex!" Tawag niya nang hindi makita ang dalaga, tinungo ang loob ng banyo ngunit wala.
"Shit! Alex!" Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama dito."
Agad na tinungo ang kabilang silid. Natanawan niyang nakatalukbong ito nang kumot. Agad niya itong ginising.
"Alex! Wake-up!" Nang hindi magising agad niyang tinangal ang kumot nito, tumambad sa kanya ang namumula nitong mukha at magulong buhok. Biglang naalarma si Jared sa kanyang nasaksihan.
"Alex...what's wrong with you?" Gising niya dito. Sabay haplos sa namumula nitong mukha.
"Oh God! Alex! You're burning..."
Napapitlag si Alex at nagising. Mula sa pagkatagilid ay napabalikwas ito.
"D-Don't... t-touch me... I d-don't need your help.... I hate you!"
Biglang nangilid ang mga luha niya. Sumulak ang dugo niya. At ubod lakas na tinulak ito.
"L-leave.... me a-alone!" She was chilling.
"God! Alex! What did you done?"
Saglit pa niya itong tinitigan nito. Wari bang may gustong gawin sa kanya ngunit hindi matiyak kung ano. Ilang sandali pa ay parang ipu-ipong kumilos si Jared. May dalang plangganita na ng tubig na nakikita niyang nilagyan pa nito ng alcohol at isang bimpo. Nahulaan niya ang ibig gawin nito sa kanya.
"D-don't you.... d-dare t-touch me again...h-hindi ko kailangan ang...."
"Don't be so stubborn, Alexandra. Shut up, okay?"
Hinang-hina siya. At mapuwersa naman si Jared. Mabilis nitong hinubad ang malaking T-shirt na suot niya na ipinalit niya sa basang hinubad kanina ay napapikit na lamang siya nang mariin. Matagal niyang nadama ang humiliation. Ngayon marahil ang extreme noon.
Wala na siyang maitatago pa kay Jared. Lahat-lahat sa kanya'y nakita na nito ngayon. Wala siyang suot na bra ng mga sandaling iyon. Parang ibig niyang magwala ngunit alam niyang wala siyang lakas na gawin iyon ngayon.
Pinunasan nito ang buo niyang katawan. Mabilis. Saka siya muling binihisan Gamit ang sarili nitong damit. Parang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos. Pero ang dama niyang pag-iinit ng mukha ay batid niyang may ibang dahilan.
Hubo't-hubad siyang nakita at nahawakan ni Jared! Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ito sa ginagawa. Sa tinamo niyang kahihiyan ay parang gusto na niyang lumubog ngayon sa kanyang kinahihigaan.
"Alex, kahit itong mainit na gatas lang ay ilaman mo sa sikmura mo bago kita painumin ng gamot. Please?"
Please? Tama ba ang narinig niya? Kung tama siya, ngayon lang niya ito naringgan ng ganon.
Dahan-dahan siyang dumilat. Sumunod siya sa sinabi nito ngunit hinding-hindi niya sinalubong ang tingin nito. Ininom niya ang gatas at pati gamot pilit nitong isinubo sa kanyang bibig. Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok. Paghiga niya ay sinabayan niya ito ng pikit. Ayaw niyang makita si Jared.
"How did you feel?" narinig niyang sabi nito.
Nakapikit niyang ibiniling pa ang mukha. Naramdaman niyang ginagap nito ang isang kamay niya. Hinila niya iyong pilit ngunit hindi nito iyon pinakawalan. Hinayaan niya ito.
"Alex... I'm so sorry for what I did... Hindi kita gustong iwan dito, but I have to... and I have so many things to do....." Hinagkan nito ang kanyang mga daliri, wari ba'y parang gusto nitong hilumin ang mga munti niyang sugat na natamo, gawa ng kanyang paglalaba.
Sa halip na sumagot ay nanahimik na lamang siya.
Hindi naman nagsalita pa si Jared. Ngunit hindi nito binitiwan ang kanyang kamay. Kung gaano katagal nitong hawak ang isang kamay niya, hindi na niya namalayan pa.
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomansaAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!