NAKATULOG na siya mula sa pagkaka-upo niya sa sopa kanina, napansin niyang yakap na ng dilim sa labas, mahaba rin kung ganon ang tulog niya. Parang nagugutom naman siya.Nang mapagawi siya sa komedor naghagilap siya ng makakain.
God anong kakainin ko, naghagilap siya sa ref, madami naka frozen, merong fruits apple grapes at meron din red ribbon cake, hmmm parang pinaghandaan ng lalaki iyon ah...
Hindi niya natatandaan dumaan sila sa supermarket kagabi, sabagay madali naman para dito ang lahat.
Pero hindi niya feel kumain ng mga iyon gusto niya iyong medyo mainit naman sa sikmura. Anong gagawin niya, she can't cook, haller....
Nag hagilap muli siya sa cup board, mabuti na lang may instant noodles, she read the instruction its easy and quick, lalagyan lang ng boiled water and presto she can eat na!
Lahat ng cupboard tiningnan niya, kumpleto lahat parang ne-ready ni Jared lahat ng ito ah. Planado ba ang pag stay niya rito? Muling tanong niya sa sarili, Ang daming tanong ang pumapasok sa kanyang ulo ngunit hindi niya rin ito masasagot.
Bakit ba niya ako ikukulong dito? Pano niya makakausap ang mga friend's niya, ang Kuya niya pag tumawag papano. Si Mr. Villegas papano niya maipapaliwang rito kung bakit hindi siya makakapasok sa class niya, sino kaya ang pweding isingit para pumalit sa kanya.
Shit! talagang magagalit ang dati niyang couch dahil hindi siya nagpa-abiso lalo't may kompormiso siya araw-araw. At hindi niya alam kung kailan siya maaring balikan ng damemonyong iyon, nasa liblib na lugar pa na iyon. Papano kung isang buwan siyang itingga nito.
Katulad ng sinabi nito sa kanya kanina... Hindi siya papayag! Papano na? Walang hiyang lalaking iyon! ginawa siyang mongha! San da-makmak na mura ang ibibigay niya rito pag nagkita silang muli. Lintik lang ng walang ganti talaga.!
God anong ginawa ni Jared binigyan siya nito ng problema. Sabagay ang alam lang nito sa kanya eh magpasarap sa buhay, maglamyerda, gumastos at magbigay ng sakit ng ulo sa kapatid niya.
Ang akala nito sa kanya isa siya sa mga walang pakinabang na tao sa bansa nila. Sabagay she won't mind any more para ano pa? para gumanda pa ang papel niya rito.
Hindi nga ba't mas gusto nito ang mga "older woman" so bakit pa siya magpapaliwanag diba.... hindi na kailangan.
Hindi naman kalabisan rito kung sabihin niyang may naghihintay siyang trabaho. Baka pati paglapit niya rito bigyan pa nito ng kahulugan. Kahit naman sabihin niya ritong merong pakinabang naman siya kahit papano, may magbabago ba?
Tinik sa lalamunan pa rin ang tingin nito sa kanya. Soo... bakit pa diba siya magpaka-effort para mapansin naman nitong may nagawa naman kahit papano..
Kaya nga kahit nasa kanya na yong credit card nito at credit card ng Kuya niya ay hindi niya man lang ginalaw. Hindi naman ganon ka nipis ang face niya. Sobra-sobra na man ang kita niya sa pag tuturo, lalo't nadagdagan pa ngayon at pumasa sa taste ng isang designer shopped ang gawa niya.
Kinukuha nga nito ang kanyang serbisyo at binibigyan pa siya nito ng mataas na offer basta magkaroon lang sila ng kontrata. Hindi nga lang siya pumayag na pumirma ng kontrata, mas nais niya lang maging freelancer siya, dahil pag nagustuhan ng tao ang gawa niya, magtatayo siya ng sarili niyang shopped manghihiram siya ng puhunan sa Kuya niya, para masimulan niya ang kanyang venture. Patutunayan niya kay Jared na may pakinabang rin siya dito sa mundo.
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomanceAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!