NAPABALIKWAS ng bangon si Alex ng masinagan ng araw ang kanyang mukha, Nanaginip ba siya, bakit parang kakaiba ang walling ng silid niya.Na ala-ala nga niya kagabi, dinala pala siya, doon ni Jared. Bigla siyang napatayo at lumapit sa bintana, kanugnog pala nito ay terrace lang. Agad niyang binuksan ang sliding door at lumanghap ng sariwang hangin.
Alam niyang nasa gawi sila ng probinsiya dahil mabining amoy ng hangin ang nasasamyo niya.
Agad niyang natanaw ang papasok na Wrangler, sakay nito ang gwapong-gwapong lalaking pinapangarap niya gabi-gabi. Agad siyang kumaway dito. Ngunit tila wala itong nakita man lang.
"Hmp suplado!" anas niya.
Agad na bumalik sa silid at pumasok sa loob ng banyo para mag hililamos at nag sipilyo ng ngipin.
Ilang saglit pa pababa na siya ng hagdan. Suot pa din niya ang kanyang damit, Jacket lamang ang kanyang hinubad.
"Whoa! wala lang man katao-tao dito. Tatayo-tayo ng bahay wala lang naman titira. Yohoo! Saan ba tao dito?" sabi niya. At narinig niyang may kumaka-luskos sa bandang komedor. Nang makalapit siya si Jared pala, may isinasalansan ito sa loob ng Ref.
"Hey! Saan ba tayo sulok ng mundo at wala akong nakikitang tao dito?"
"Nandito ka Laguna, Dito ka muna hanggat hindi pa umuwi ang Kuya mo." Sabi nito at hindi man lang nag abalang lingunin siya.
"Ano? Ikukulong mo ako dito! My god! anong gagawin ko dito!" Nanlalaki ang kanyang mata sa narinig.
"Paano pag inabot ng tatlong buwan si Kuya sa Spain? Ganon mo din ako katagal na ikukulong dito?" Histerya niya rito.
"Pwede ba tumahimik ka na." sabi nito. "Mabuti 'yan nandito kalang at nang pumirmi naman ang mga paa mo sa loob ng bahay, pati ako naaabala sayo!"
"Aba't....Hoy! Magaling na lalaki sinong may sabi sayo na abalahin mo ang sarili mo sa akin!" Duro niya rito.
Nasasaktan na talaga siya sa mga sinsabi nito, at pambabaliwala nito, wala talaga siyang halaga rito. Kahit anong gawin niya dito mukhang hindi e-epekto, sayang lang ang panahon niya dito, dahil nagmumukha na siyang trying hard.
"Ihatid mo na ako sa amin nang hindi ka maabala pa!" padabog na iniwan niya ito.
Napailing na sinundan niya ito nang tingin. Kahit pala magsusungit ito sa kanya ang ganda pa ding tingnan nito lalo na pag naka pout lips ito. At kahit anong sabihin nito, wala siyang paki-alam, kailangan matuto itong pumirmi sa bahay. Na ang matinong babae ay hindi lamang kalye. Mabilis na sinundan niya ito.
"Just stay here! I'll be back, May aayusin lang ako sa opisina."
"Just stay here! I'll be back!" gaya nito
"Will you stop following me?"
"Ganon! What do you want? Anong gusto mong sabihin ko sayo na Okay lang ba, Anong tingin mo sa akin bata, bigyan mo lang ng lollipop magpapaiwan na! I want to go home, may schedule ako bukas."
"Anong schedule! Ang sinasabi mo! You mean naka schedule lahat ng gagalaan mo every day...Kung ganon! You must stay here, don't asked, dahil ganon pa rin ang sasabihin ko sayo, the same, you must stay here! sasakit ang ulo ko sa iyo." salubong ang kilay na sabi nito.
"Sumasakit pala ang ulo mo sa akin... Bakit mo pa ako dinala dito? Anong gagawin ko dito? Iiwan mo kong mag-isa rito?" Pasigaw na sabi niya dito.
"I can't leave in this horrible place! Anong gagawin ko dito? Tumingala sa malaking punong 'yan!" Sabay turo sa malaking Acacia. Mahabang rosaryo niya.
"How dare you! Jared iuwi mo na ako, magagalit si Kuya pag nalaman niya ang ginawa mo."
"Who cares! Kahit magsumbong ka pa! Para kang bata! Magalit na kung magalit, darating ang araw he owe me for this!" sakrastikong sabi nito sa kanya.
"Brute! Please ihatid mo na ako, wala akong gagawin rito!"
"Madami kang pweding gawin dito, maglinis ka ng bahay, dahil pinag bakasyon ko yong care taker ko.
"What! So gagawin mo pa akong katulong, kaya mo pala ako dinala dito!"
"May green house d'yan, madami akong Orchids na breed d'yan, pag nag stay ako dito, pwede mong tingnan at diligan na rin, medyo matagal ko na rin hindi nagagawa iyon. Mula nang mamatay ang Mama wala ng tumitingin doon." Malungkot na sabi nito.
"Wala akong paki-alam basta uuwi ako right now!"
Napahilamos siya ng mukha, sa sobrang stubborn at kulit nito.
"Just stay here! Okay." Matigas na sabi nito sa kanya.
"But!"
"No more buts!" angil nito sa kanya
"Just stay here!" At tumalikod na ito.
"But I can't do that, I want to leave! I want to go home! I need my cell phone, my God Jared what your doing!" Habol nito sa lalaking pasakay na ng sasakyan.
Ngunit mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan, malayo layo din ang gate sa kanyang kinatatayuan.
"I hate you!" Sigaw niya dito.
Kitang-kita niya kung papano nag bumukas at sumara ang malaking gate na iyon. Na ginamitan ng electronic operated.
Bwesit na bwesit siya sa nangyayari sa kanya. Anong gagawin niya sa malaking Rest house na ito. Oo nga maraming bulaklak at halaman sa paligid nito, kung titingnan mo napaka ganda, habang inikot ng kanyang paningin ang buong paligid. Lintik lang ng walang ganti sa lalaking iyon.
"Grrrrr wala akong hilig sa bulaklak!" Bulong niya sabay pasok sa loob.
Naghahagilap siya ng makakain sa lamesa. May lutong bacon at fried egg, biglang kumalam ang kanyang sikmura sa gutom. Kagabi pa ang huling kain niya.
"Hay!" eleven o'clock naman, kaya pala gutom na gutom siya.
Agad na nilantakan ang mga pag kain nasa harap niya. Mamaya na siya mag isip kung papano, makakaalis sa lugar na iyon. Kailangan lamnan muna niya ang kanyang kumukulong sikmura, ng makapagisip siya ng maayos.
Nang makakain, tinambak lang niya ang kanyang plato sa lababo, at tumuloy sa living room ng rest house na iyon.
Masyadong malaki ang rest house para sa kanya masasabi niyang parang bahay na nila ito kalaki. Hindi naman kasi mansion ang bahay nila, two story lang, kahit kaya na ng Kuya niya magpatayo ng ganon mas pinili nilang doon na lang sa bahay na kinalalakihan niya, nandoon halos ang ala-ala ng mga magulang nila. Napansin niyang isang wall clock lang at isang painting na malaki ang nakasabit sa wall ng rest house na iyon, wala na siyang ibang napansing kakaiba. Very Simple, panlalaki taste, hindi magarbo.
Nang mapagawi muli siya sa kusina napansin niyang nakatambak ang mga hugasin. Mga kitchen utensils, mga pinag gamitan siguro kanina ni Jared, wag nitong sabihin kaya itinimbak nito ay siya ang paghuhugasin nito.
Should I? Eh sino naman ang gagawa? Tanong niya sa sarili
Ohh god what's happening, paghuhugasin talaga siya ng lalaking iyon.
Aminado siyang saksakan siya ng tamad, lumaki siyang may katulong silang magkapatid bukod pa nand'yan rin ang Nay Minda niya na asikasong-asikaso siya.
But she can't ignore that? Hindi naman siya sanay na makalat at marumi. Unti-unti niyang sinimulan hugasan ang lahat ng nakatambak. Naging magaan ang pakiramdam niya ng makitang malinis muli ang lababo.
BINABASA MO ANG
ALEXANDRA THE BRAT ( COMPLETED )
RomanceAlexandra The Bratenella! Jared the king of Ice Men! Conquer the love!