#11

999 37 12
                                    

















Umuwi akong may ngiti sa mga labi ko. Hindi parin nawawala yung saya ko nung hindi na awkward ang drama namin ni Ysay.
Hanggang sa pag-aykat ko ay kasabay ko sya since magkafloor naman kami.






"Thank you Vic. Nag-enjoy ako, ikaw ba?" nakangiti nyang sabi.






"More than you know. Haha, pero si Ricci yata hindi eh."






"Ikaw kasi eh." pinatong nya yung kamay nya sa ulo ko. Eto nanamn po sya. "Tinalo mo eh."








Tumunog yung elevator at lumabas na kami. Nagpaalam na sya at ganun din naman ako. Habang papunta ako sa dorm ay nakangiti akong naglalakad at hawak ko yung donut na binili ko para kay Torres.






Torres wag kang magsusungit ha. Maganda mood ko.







Hindi ko inaasahang ganito ang mararamdaman ko dahil lang nagkabati kami ni Ysay. Well to think na hindi naman talaga kami nag-away.







"Torres?"





Nasa loob na ako at dumiretso ako sa kusina para ilagay sa table yung donut pero walang sumasagot.







Nasan kaya sya?





Sumilip ako sa taas pero wala rin akong makita. Ayaw nya rin kasi akong paakyatin eh.






"Torres, may donut akong dala ha. Sayo yun nandito lang sa table." nag-echo lang yung boses ko sa kwarto mukhang wala nga sya.






Naligo na ako at nagbihis na, mukhang masarap ang tulog ko. Fresh na ang prinsesa nyo oh. Pero nasan ba talaga si Torres?






Tinext ko si Ricci since nakuha ko na yung number nya pati narin si Ysay. Sana alam nya kung nasan si Torres baka mag-emote nanaman yun kung saan.






Humiga ako sa kama ko at tsaka ko lang napansin na may sticky note pala sa side table ko.






I'm going out. I'll be back on Monday.
Dont try to go upstairs.







Kahit sa notes masungit sya. So kung umalis sya ako lang dito maghapon bukas.







YEEEEEEEESSSSSSS!! Walang masungit.







Halos magtatalon ako sa kama ko sa saya. Halo narin eh, yung saya ko kanina nung ngumiti si Ysay tapos ngayon na wala si Mr. Sing(Singkit).








Tumunog yung phone ko at nakita ko ang reply ni Ricci.



From: Ricci Rivero
            Nah. Wala syang nabanggit or tinext eh.






Tinanong ko kasi sya kung alam nya kung nasan si Torres. Tapos tumunkg ulit phone ko. Bigla akong napaupo dahil sa nakita ko.










1 New Message
Ysay Marasigan











Emegesh. Kakahiwalay lang text agad. Masyadong miss ha. Char.









From: Ysay Marasigan
       You still up?









Mwuehehehe. Nagpipigil ako ng tawa sa nabasa ko. Takte ano ba to? Kinikilig ba ako?











Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now