#21

868 41 5
                                    













I texted Mika, hindi ko kasi alam gagawin ko eh. I know I should say sorry pero hindi ko alam kung pano. It's 1am pero tinext ko parin sya, bahala na kung mabasa nya ngayon o bukas.

Napunta ako sa music ng phone ko at nagplay nalang. Hindi parin naman ako dinadalawa ng antok, nagtampo na yata eh.





Mika calling...


Biglang nagvibrate yung phone ko at huminto yung music kaya alam kong may tumatawag.


Gising pa kaya to o nagising lang?



"Hello?"


"Hello Ara? Oh ano problema? Sino inaway mo?"


"Hindi ko inaway. Nagalit sya."



"Bakit nagalit? Syempre inaway mo."




"Hindi kasi ano, uhm, ang hirap." I sighed.



"Ano ba kasing nangyari? Bakit ba nagalit si Thomas?


Aba teka? Pano nalaman netong si Torres yung sinasabi ko.

"Pano mo nalamang si Torres?"



"Eh yung lang naman ang pwede eh. Tsaka diba nung tumawag sya, he's making sure na on time ka and I bet hindi mo yun nagawa."


"Talino mo talaga no."



"Thank you for the compliment." She laughed.



"Pero Ye, paano nga?"


"Di ko na itatanong ginawa mo pero kung ano man yun, mali talaga. You said yes to Thomas right? So dapat inuna mo yun."


"Yun nga ang pagkakamali ko at hindi ko na yun ijjustify. Hindi ko lang talaga alam gagawin ko."


"Say sorry. Apologize."



"How?"


"You're old enough Ara. Kaya mo na yan besides hindi ko naman kilala si Thomas. Kung sating dalawa lang lamang ka ng kalahati kasi ikaw yung kasama nya."



"Paano kung hindi nya tanggapin?"




"Then be ready. Kung hindi man nya tanggapin yung sorry mo wala kang magagawa remember it's your fault."



"Natatakot lang kasi ako na baka hindi nya iaccept."




"Hindi ka natatakot Ara, ayaw mong mareject. Kung ngayon nararamdaman mo yan, it's Thomas who felt that first. Tandaan mo na ang alam nya eh lalaki ka at sa mga lalaki word is a word, hindi pwedeng madalian ang pagbabago."




"Sa tingin mo ba masyado akong mahina kumpara sa isang lalaki?"





"Of course Ara, dahil hindi ka naman lalaki. Babae ka."













---

"Hi Tophie. Tatanggapin nya kaya?"

Kinakausap ko ngayon si Mushroom. I named him Tophie, yes malapit sa Tope ni Torres pero okay na yun. Related naman sa kanya since si manang nagbigay.

Napatingin ako sa orasan sa may daan papuntang kusina, 2am na pero wala parin si Torres.

Lumabas nalang ako para magpahangin, madaling araw na kaya malamig ang hangin sa labas. Black panjamas, medyo fitted sya pero okay lang then plain white shirt.

Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now