***
"Hi baby. Wake up na, aalis pa tayo diba."
Minulat ko yung mga mata ko at nakita kong may tao na nasa tabi ng kama ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" bigla naman akong napaupo kahit nahihilo pa ako hindi ko sya makilala kasi malabo pa yung paningin ko.
"Shh. Halika rito sumandal ka, mahihilo ka nyan eh." hinila nya ako palapit sa kanya. Nakasandal kasi sa sa may bandang ulunan ng kama.
"Ba--"
"Sorry kagabi ha. Hinayaan kitang masaktan ng ganun. Hindi ko dapat hinayaan yun."
I could slowly feel the tears forming on my eyes. Sincere yung mga salita nya.
"Promise that won't happen again. Will you forgive me?"
And it fell.
"Forgiven." ramdam ko yung yakap nya sakin, na kinocomfort nya ako.
"Thank you." I could sense his little smile.
Nagrest muna ako sa bisig nya, hinayaan nya lang din ako dahil alam nya yung sakit na naramdaman ko kagabi. Ilang minuto pa ay minulat ko ang mga mata ko at alam kong malinaw na ito, tumingin na ako sa kanya.
***
"TORRES?"
"Day dreaming huh?"
Nasa harapan ko si Torres, nakatayo. Ako naman nakahiga pa sa kama.
Nanaginip nanaman ako. Panaginip nanaman lahat. Pati ba naman yung comfort panaginip nalang din."Get up. We're gonna be late."
Aalis kami. Gaya ng sa panaginip aalis kami pero sure akong hindi si Torres yon. Hindi ko naman din maconfirm kung si Ysay nga yon. Pero humihingi sya ng sorry dahil hinayaan nyang mangyari yun eh. Sino kaya? Hindi ko kasi nakita yung mukha nya eh. Azar.
Nagkape lang ako. Adik ba? Hahaha. Kape kasi ang nagcocomfort sakin palagi, walang palya yun. Pagkatapos ko magkape ay ginawa ko na ang dapat. Kanina pa kasi nakaligo si Torres, maaga syang nagising eh kaya magbibihis nalang sya.
Bago kami umalis ay pumunta muna ako sa ref para uminom ng tubig. At pagbukas ko ay nakita ko yung box ng donut na bigay ko sa kanya. Sinilip ko ito para tignan kung nabawasan na ba ulit nya.
"Aba, dalawa na ang bawas ha." kagabi kinain nya yung isa, tapos kanina lang nya siguro kinain yung isa.
"Hurry." sumigaw si Torres na papalabas na ng pinto.
"Nandyan na."
Magkasabay naman kami sa elevator pero walang kumikibo saamin. Lutang pa yata ako eh, tsaka yung panaginip ko kanina, sino kaya yon?
Tumunog yung elevator, bago pa man kami lumabas ay may itinaas si Torres na brown bag.
Tinignan ko yun at saka napatingin sa kanya. Tumingin din naman sya sakin pero mabilis nyang inalis ito.
"Ano?" I asked at tinignan ulit yung bag.
"You haven't--" napahinto sya. "Just take it." tapos bigla nyang binigay sakin at lumabas na ng elevator.

YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?