"Vic, pwede ba tayong mag-usap? Yung totoong usap."
Natauhan na ako ng makarating kami sa garden ng MU. Dito yun eh, ito yung lugar kung saan ako nahulog at nasaktan. Ito yung lugar namin ni Ysay.
"Nag-uusap naman tayo ahh." sarkastiko kong sagot. Ayoko kasi nung feeling ko ngayon. Naiinis ako na nag-aalala. Ewan.
"Alam mo yung sinasabi ko." seryoso nyang sabi.
Nakatayo lang kami sa malawak at madilim na lugar nato. May ilaw naman sa poste dito pero bilang lang yun hindi talaga nya nabibigyan ng liwanag yung buong garden.
"Remember the day na sinabi ko sayong komportable ako kapag kasama kita?" He's talking while his hands are on his pockets at nakatingin sakin.
Ako naman ay nakayuko lang, hindi ko sya kayang harapin. I can sense na nakatingin sya sakin habang nagsasalita.
"Sabi ko komportable ako sayo, ang gaan ng loob ko sayo, ang saya ko pagkasama kita. Remember that?"
How can I forget that, that was the day I fell inlove with you.
"I know that this will sound crazy and stupid pero gingulo talaga ako neto eh. I dont know pero,"
Napatingin ako sa kanya dahil huminto sya sa pagsasalita nya.
"Yesterday, when I saw you and Thom together, nainggit ako. Hindi ko alam pero may inggit sakin."
Nabigla ako sa sinabi nya at tinitigan nalang sya. Wala akong masabi, I can't utter a single word even a single letter. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ako makapagsalita.
"Tapos nung humingi ka ng pabor sakin,"
Tumingin ako sa ibang direksyon. Ayokong makita nya yung lungkot sa mata ko. Labag din naman kasi sa loob ko yung pabor na yun eh.
"I..I felt alone." He sincerely said at napatingin ulit ako sa kanya. He smiled then, "Haha. Para kong tanga no. I shouldn't be doing this baka isipin mo nanaman na bakla ako pero I really need to do this talk."
Hindi Ysay, hindi ka bakla. You're just being brave, brave enough na sabihin yan na kahit ang alam mo eh lalaki ako.
"Vic?" nakangiti nyang sabi.
Tinignan ko naman sya sa mata nya.
"Pwede bang ako naman ang humingi ng pabor?"I nodded.
"Pwede bang hindi ko na gawin yung pabor mo? Ang hirap kasi eh." napakamot sya ng batok habang nakangiti.
Natawa naman ako sa kanya, iyon lang pala ang gusto nyang pabor eh.
"Sira ka talaga." I spoke for the first time.
"So bati na tayo?" He asked at kinalabit ako sa balikat na parang bata.
"Nag-away ba tayo? Hindi naman diba?" I said.
"Ehhhhhhh kahit na. Kailangan ng confirmation. Hahahaha"
Takte! Ayan nanaman si confirmation na yan eh.
"Oo na." I smiled.
Naglakad na kami pabalik sa dorm,
"Ang tapang mo ha."
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?