#45

1K 44 0
                                    
















"Akala ko kaya bakla ako." sabi ni Ricci.





"Ha? Bakla? Anong bakla? Bakit?" tanong ko.






Hindi sya sumagot at nanatili lang nakayuko dun.





"Riccs?" tanong ni Ysay.






Tumingin sya kay Ysay at pagkatapos sakin.






"Nagkakagusto ako sayo Vic."






.....




Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko rin alam yung reaksyon ko basta natulala nalang ako sa sinabi ni Ricci.






"Uhm."







"Ricci seryoso ka ba?" tanong ni Ysay.





"Bro, sasabihin ko ba to kung joke lang. Akala ko talaga bakla na ako eh, kinakabahan ako." he seriously said.






"P-paanong nagkakagusto ka?" tanong ko.







Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. Tinignan nya ako ng seryoso tapos,

"Vic, lahat ng sasabihin ko makinig ka lang at hwag kang magsasalita. Maliwanag?"






"Ricci ano kas--"





"Basta makinig ka lang."




Napatango nalang ako at binitawan na rin nya ako. Si Ysay naman,

"Vic, tabi tayo."

Hahaha. Tumabi sakin kasi ngangawit na sa pagtayo. Umusog naman ako ng konti kaya nakaupo na sya.








"Nagsimula kasi lahat nung araw na pumayag kang umalis tayo. Nung araw na nanuod ka ng training namin, tanda mo?"






I nodded.





"Noon, hindi ko talaga sya maintindihan eh. Parang bro lang talaga yung turing ko sayo, masaya kang kasama, light lang tapos kaya mong sakyan yung trip ko."





Siniko ako ni Ysay at napatango.
Agree sya kay Ricci?





"Tapos nung niyaya kitang kumain kung mananalo kami at pumayag ka, sobrang saya ko na nun that time hindi ko pa alam king bakit eh. Tapos nung naglaro na si Thomas at nagcheer ka para sakin para akong kinuryente nun."







Naaalala ko nga yun.







"The day we went out, excited talaga ako nun tapos hindi ko alam na first time mo pala magmotor kaya lalo akong natuwa. Hahaha ang weird ko diba, tapos basta parang may magic. Then yung consequence na inisip ko nun, nag-isip talaga ako ng kung paano kita makakasama."





"Ano ba yung naisip mo nun?" tanong ni Ysay.







"Movie marathon." sagot ni Ricci.






"Hahaha talaga ba? Ikaw Ricci ah."







"Eh hindi ko naman alam na babae sya eh, kaya okay lang kako yun kaso may lakad pala kayo ni Thom kaya di na natuloy."







"Tapos nung araw na umalis tayo, sobrang saya ko talaga nun kasi ikaw yung una kong dinala sa resto ko. Ikaw yung unang nakaalam na sakin yun."





Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now