#6

1K 32 1
                                    












"Hala! Ba-bakit ganyan?" gulat kong tanong kay Ysay.





"Hindi na sana kita tatawagin kaso nga ganyan eh kaya dapat nandito ka. Umamin naman sila kaya lang ayaw nilang sabihin kung sino gumawa nyan." he explained.





Panong hindi ka magugulat, bugbog yung dalawang sumusunod sakin kanina. Di naman grabe mabubuhay pa naman sila. Char.






"Oh, pumirma nalang kayo dito. Nakakarami kana Ysay ha." sabi ni ma'am sa desk. Ngumiti lang si Ysay.






Ayan na guguilty nanaman ako, nadagdagan pa problema ni Ysay dahil sakin. Busy sya maghapon tapos dagdag pa na madalas syang ipatawag tapos akong kay bago bago dumagdag pa.



"Sorry." I whispered.




Napatingin sakin si Ysay at halatang nagulat. "Ha? Bakit ka nagsosorry?"






"Pati ito problema mo pa. Ang busy busy mo na nga eh." I sincerely said.






"Hahahaha." Seryoso tumawa lang sya. Pumirma na rin yung dalawang nabugbog. "Sa tennis team daw sila kaya okay na, wala kasi yung team capt nila kaya tinawagan nalang. Humihingi ng sorry sayo."





Napapikit ako dahil ang daming nadamay dahil sakin.






"Huy okay ka lang?" tanong nya. "Ano ka ba? Wag mo ng isipin yon. sabay akbay sakin, teka totoo ba to? Naglakad na kami palabas ng dept.
"That's nothing, mas mahalaga hindi ka nila nasaktan  diba. Pero kung mangyari man ulit to wag kang mahihiyang lumapit sakin ha."







Napatango nalang ako dahil hiyang hiya na talaga ako sa kanya. Ang dami kong utang dito.






"Bumawi ka nalang bukas." sabay hawak sa dalawang balikat ko. Hindi ko kinekeri to eh masyadong clingy. Char. "See you sa training ha."








Pumasok ulit sya sa dept dahil may aayusin pa daw sya pero bago yon nag-insist muna sya na ihatid na ako sa dorm medyo malayo rin yon dito eh mga dalawang building ang layo. Ang lawak naman kasi netong school nila. Samin din naman kaso kasi walang ganitong mga pangyayari don mababait kaya kami. Si Mika lang hindi. Char.






One time kasi may pinagtripan yun at senior pa namin, nilagyan kasi yung locker nya ng box ng patay na daga kaya ayun gumanti ang prinsesa hindi na nagpapigil samin ni Kim. May manliligaw kasi yung senior namin ilang beses na nya yung binasted pero matyaga tas nung huling basted hindi na ulit nagparamdam kay senior yun pala kay Mika na nagpaparamdam, may itsura din yun ah sa B.U naman yun nag-aaral isa pang all boys school dito. Kaya nga galit si senior kay Mika, gunduh kasi ng prinsesa namin eh. Kanino pa ba magmamana yon edi sa Inang Reyna.









Naglakad na ako pabalik sa dorm. Nanggilid lang ako sa mga building, natatandaan ko naman na yung daan pabalik dahil itinuro yon ni Ysay sakin nung papunta palang kami. Lumiko ako sa kanto ng building ng dept at laking gulat ko ng may taong nakatayo dito, nakahoody sya.







Napalunok ako, baka isa nanaman  to sa mga kamalasan ko ngayon. Pero kung may balak to di ba dapat nagtatago sya. Lumakad lang ako ng diretso kunwari di ko sya napansin tapos bigla nyang hinawakan yung braso ko.








"Ano ba? Bitwanan mo nga ako." matigas kong sabi para lalaki ang dating pero hindi sya bumitaw.
"Bitawan mo ko sabi eh." Imbis na bitawan ako ay binaba nya yung hood nya at nakita ko ang mukha nya.

Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now