#5

1.1K 28 2
                                    












"AAAAAARRRR-----" biglang tinakpan ni Kim yung bibig ni Mika para hindi na nya maituloy pang sumigaw.




Nakalapit na ako sa kanila. Hindi na sumunod pa sina Ysay at Torres pero nandun sila sa isang bench. May mga upuan naman kasi dito tsaka malamig rin kasi maraming puno kaya dito nalang kami.






"Hwag ka ngang maingay Mikang. Hindi sya Ara dito, Vic sya." I heard Kim said. Medyo mahina lang para hindi madinig nung guard at dahil malapit na ako narinig ko narin yun.





Naupo kami sa isang bench at may table dito. Katabi ko si Mika at sa harap naman namin si Kim.





"Huy ano balita?" Mika said.





"Ha? Edi ba kakatawag ko nga lang kanina. Oo nga pala bakit napasugod kayo dito?" I asked.




"Eto kasing Inang Reyna hindi mapakali kanina nung sinabi mong nasa clinic ka. Kaya ayan hinila ako dito, pinagdrive ko."






"Yie. So sweet naman this gurl." I teased Kim who's looking away. Sinundan namin ang tingin nya at nakita ang dalawa.




"Kim. Huy. Inang Reyna." I called her pero hindi parin kumikibo at tumitingin. "Hala sya oh. Nanigas na."






Binulungan ko si Mika para magsagawa ng plano kay Kim. Tumango naman sya at ginawa nga namin ito.






"YIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" both of us teased her. At tsaka ng sya napatingin samin.






"Hoy ano ba kayo? Tumigil nga."






"Eh kung makatitig ka kasi dun eh. Malulusaw na oh. Kawawa naman." pang-aasar ni Mika kay Kim.





Napatingin ulit ako sa dalawa pero nung tumingin ako papaalis na si Ysay at may kasama. Pinapatawag nanaman siguro sya. Naiwan na don si Torres.





"Hey Ara, bakit ka nasa clinic kanina?" nagsimula na si Ina.







"Ahh. Yun ba, wala sinamahan ko lang yun." sabay nguso sa direksyon ni Torres. "Nainjured kasi kanina eh I feel guilty kaya sinamahan ko na tsaka s----"







"Teka? Bakit ka naman maguguilty? Ikaw ba may gawa nun sa kanya? Binugbog mo ba?" buong pagtataka ni Kim.




"Oo nga." Mika said.





"Ano kasi..." hindi ko pwedeng sabihin kay Kim na masungit to. Mag-aalala sakin yun eh pero ayoko din naman itago sa kanya yun kasi nangako ako sa kanya bago ako pumunta dito na sasabihin ko lahat sa kanya, sa kanila.





Tumaas yung kilay ni Kim at tinuloy ko na ang pagsasalita.





"Medyo masungit sya tapos mag-isa lang sya lagi, hindi sya sanay na may kasama. Tapos naasar ako kasi ang bossy nya tas tinawag akong stupid kaya pagsasabihan ko na sana kaso nun aakyat na ako nasa likod ko pala sya kaya nagkabungguan kami natumba tapos nakasapo yung kamay nya sa ulo ko eh namisplace yung arm nya kaya ayon."






"Teka eh bakit naman kayo magkasama?" Kim asked.




"Oo nga." Mika said habang busy sa phone nya.






"Roommates kami." I clearly said.






"WHAAAAT????" biglang sigaw ni Mika. Si Kim naman kalma lang na syang ikinagulat ko.






Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now