Gaya ng sabi ni Torres umaga na at hindi na kami makakatulog pa.
Sya naman kasi may kasalanan neto eh kung hindi nya lang...
"AY BWISET!"
"Geudmerning Vic! Buti naman at nakabihis at ligo ka na. Let's go!"
"Ayyyyyy. Ikaw talaga Ricci napakahilig mong manggugulat. Teka anong aalis? San tayo pupunta?" taka kong tanong.
"Psh. Remember kahapon sabi ko sayo aalis tayo ngayon since wala namang sched tsaka para malibang ka itour na din kita sa place." he explained.
Sinabi nya yun nung nagkukwentuhan kami, nakalimutan ko narin sa dami ng sinabi nya.
"Ahh. Eh teka pano ka naman nakapasok aber?" masungit kong sabi.
"Thom let me in. Pinagpaalam na din kita kaya tara na." he smiled.
Pumayag si Torres samantalang kagabi sinermunan pa ako kung bakit daw ako lumabas pa eh di pa daw ako okay tapos pagagalain ako ngayon. Di ko talaga sya maintindihan eh.
"Ano Vic iwan ka na namin dyan?" nasa pinto na sya palabas.
"Eto na. Eto na." Natatawa kong sigaw kay Ricci.
Teka, namin? Sino yun? Kasama ba si Torres?-----
"Hoy napakadaya mo. Di pwede yan ah volleyball ka eh."
"Bakit? Wala akong ginagawa, ikaw may gusto neto diba? Hahaha." pang-aasar ko kay Ricci.
Nandito kasi kami sa arcade sa may mall medyo malayo layo na to sa campus. Nagyaya kasi sya ng basketball eh natatalo ko sya kaya ayan nagmamaktol na parang bata.
"Tumigil ka nga dyan Ricci, para kang bata." sabay batok kay Ricci. "Wala kang magagawa matatalo ka na ni Vic. Haha"
"Wag kang magulo Ysay, konti nalang eh." sabay hawi sa kamay ni Ysay.
Si Ysay yung tinutukoy ni Ricci na kasama namin kanina. Akala ko si Torres eh, pero kung si Torres man yon malamang sa hindi kami mag-eenjoy. Magsusungit lang yun eh.
"Vic oh." Inabot nya sakin yung fruit shake na binili nya. "Oh Ricci kunin mo dito ah, iwan ka na namin dyan." sabay tawa.
Tapos na kasi ako maglaro tapos si Ricci naman pilit tinatalo yung score ko pero di nya nagawa.
"Huy teka lang. Grabe kayo sakin ah." patakbo syang lumapit samin dahil malapit na kami sa labas ng arcade.
"Ang daya mo Vic, bakit ganun?""Sinabon mo naman? Hahahaha." pang-aasar ko sa kanya kaya natawa din si Ysay. Nagpoutlips naman si Ricci.
"Tigilan mo nga yan, di bagay sayo." pagsaway ni Captain.
Naglakad kami ni Ysay habang tumatawa tapos napansin namin na hindi namin kasabay si Ricci nasa likod namin at naka cross arms.
"Nakakahalata na ako sa inyo ha."
nagkatinginan kami ni Ysay dahil sa sinabi nya.
"Umamin nga kayo sakin, anong meron?" seryoso nyang tanong.Napatingin ako kay Ysay na nakangiti lang. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba, hindi dahil baka malaman nyang babae ako wala naman kasi silang alam eh, kundi dahil sa tanong ni Ricci.
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?