"SI THOMAS?" sigaw ng dalawa.
"Anong si Torres?" napatingin ako sa kanila tapos naalala ko yung tinanong ni Kim.
"Ahh. Hindi sya, tumatawag kasi eh. Wait lang ha.""Nanaman? Naku ahh, miss ka kaagad." pang-aasar ni Mika.
I rolled my eyes at sinagot na yung tawag.
"Bakit?"
"Be home before dinner. Okay?"
Hindi ako kumikibo kasi alam kong susupalpalin nanaman ako neto.
"Hello? Be home okay?"
Nagulat ako sa sinabi nya. He's making sure na uuwi ako bago magdinner pero yung boses nya.
Ang lambing. Putek!
Ano inaarte neto?
"Okay?" he said.
"Ah." napatingin ako kina Kim at Mika at napalunok. Nakatingin din sila sakin. "Okay."
"Before dinner."
Hawak ni Kim yung kutsara nya at nakatingin lang sakin tapos tinaasan ako ng kilay.
"Yes. Before dinner." I said.
Lutang ako. Putek!
"Don't be late."
Call ended.
Binaba ko yung phone ko ng pataob tapos diretso kain na ako. Hindi talaga ako ready sa mga pangyayari.
Hindi ako naorient.
"Hala sya. Ano Kim, dalin na natin sa Mental to oh."
"Ano sabi?" Kim asked.
"Umuwi daw ako." tulala kong sabi.
"Tapos?" Mika asked.
"Bago magdinner."
"Oh ano problema don?" Mika said.
Takte! Panira ng moment eh.
Natauhan ako sa sinabi nya."Panira ka ng moment eh no."
"YA? Nagmomoment ka kay Papa H? Victonara haaaa, ginagawa mo ba talaga yung dapat mong gawin don oh gusto mo lang makasa si Papa H?"
"Loka."
Tama naman si Mika. Alam ko na kung sino yung Mr. M namin pero bakit hindi pa ako umalis nung nalaman ko na? I even gave myself a new mission. Di lang isa, dalawa pa.
One week, pag sa loob ng one week hindi naging maganda ang kalagayan ko sa MU. Aalis na ako. That's final.
"Hoy Ara!" sabi Mika at siniko ako.
Tapos na kaming kumain at naglalakad lakad nalang kami sa mall.
"Ano?"
"Ano ginawa mo kahapon? Sunday eh, so walang training." She asked.
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanficHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?