#36

782 43 5
                                    













Nagising ako ng may nagbuhos sakin ng tubig. Pagkadilat ko ay nakita ko ang anim na lalaki, hindi ko sila makilala dahil may mga takip yung mukha nila.





"Vic Galang." sabi nung isa, mukhang sya yung leader.
"Natatandaan mo pa ako ha?" sabi nya at tinanggal yung takip nya sa mukha.



Teka ito yung isa sa mga nabugbog ahh.




"B-bakit ako nandito?"



Nakatali ako sa isang silya, kamay at paa. Hindi ko alam kung anong lugar to, kung nasan kami pero napakadilim dito at flashlight lang ang nagbibigay liwanag.






"Good question. Ano sa tingin mo?"






"Dahil ba to kina Mika?"





"Hmm. Pwede. Pero hindi iyon."





"Hindi nyo alam ang ginagawa nyo." bulong ko.





"Oh kalma ka lang. Syempre alam namin ang ginagawa namin. Kaya ka nandito ay dahil magbabayad ka na."




"Simulan na natin." sabi nung isa.




"Sandali lang. Kailangan maranasan nya ang bawat hirap na naramdaman ko."








"AHHHH!" bigla nya akong sinuntok sa tiyan ko. Napakasakit nun at halos masuka na ako.







"Sige na. Iparamdam mo sa kanya yung sakit na naramdaman mo." sabi nya dun sa isa at tinapik ito sa balikat.

Teka? Anong gagawin nito?




Lumapit sya sakin at
"AHHHHH" napakasakit ng suntok na yon. Damang dama ko sa mukha ko.
Susuntukin pa sana nya ako ulit kaso ay napigilan sya nung leader nila.







"Tama na, hwag mo munang tapusin yan."



T-tapusin? Anong tapusin? Teka hindi ako pwedeng mamatay dito, ayoko pa.

Bakit ba ngayon pa nangyari to eh, magkagalit kami ni Torres oh. Respeto naman oh.




"A-ano.... bang gusto nyo?" nanghihina na ako sa sakit nanararamdaman ko.





"Gusto? Ang gusto namin, gumapang ka sa sakit. Magmakaawa ka samin."







"Tama na yang daldalan kuya, kating kati na yung kamay ko. Gustong gusto ko na syang sapakin."






Magkapatid sila? Magkapatid yung nabugbog? Eh teka hindi naman nga pala ako yung bumugbog sa kanila eh.







"Hindi naman ako yung bumugbog sa inyo, bakit ako ang ginagantihan nyo?" matapang kong tanong.







"Tumigil ka." sigaw nya at sinampal ako. "Hubaran nyo yan. Kunin mo na."






H-hubaran? Huburan?





Lumapit sakin yung isang lalaki para gawin yung iniuutos sa kanya tapos yung isa naman nakita kong may inabot dun sa leader.





Latigo????





Nung papalapit na yung isa ay kinagat ko sya sa kamay at sinipa.






"Aba talagang" muli akong sinampal nung leader nila kaya napabaling yung mukha ko, pagharap ko sa kanya ay

Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now