#33

898 34 2
                                    












Nagising ako ng bandang 2:30 kaya chineck ko si Ricci sa kwarto nila. Tulog narin si Ysay kaya hindi ko na ginising, bukas naman yung pinto kaya pumasok na ako.




"Ricci?" ginising ko sya paea mainom na nya yung gamot nya. Mataas parin kasi yung lagnat nya tapos nanghihina pa. "Inumin mo lang to tapos matulog ka na ulit ahh."



He nodded at lumabas na ako.



Tapos may narinig akong ingay sa baba.




Ano yon?



Dahan dahan akong bumaba sa hagdan para masilip yun. Wala namang tao sa kusina. Tapos pagbaling ko sa kabila, nandun si Torres sa may sofa, nandun sya kanina pa diba magpapaantok lang daw eh dun na natulog.



Dito sya natutulog??




Balot na balot sya ng puting kumot, bakit ba naman kasi dito natulog eh.


Ang ibig sabihin tinitiis nya yung lamig dito??



He groaned kaya lumapit ako sa kanya. Kahit tulog sya ay nakakunot yung noo nya.


Hayaan mo na nga, baka nananaginip lang.



I tried to walk back pero umingit ulit sya tapos yung mukha nya mukhang hindi na nananaginip.




Tinitigan ko muna sya ng ilang segundo tapos ay

"Thom? Thom ang init mo."



Hindi sya sumagot o ano basta nakapikit lang sya at kita sa mukha nya yung sakit na nararamdaman nya.



"Thom. Gumising ka, kailangan mo uminom ng gamot ang taas ng lagnat mo."



He opened his eyes and spoke.



"It's fine."


Kumunot yung noo ko sa sinabi nya, heto nanaman sya ang tigas nanaman ng ulo.




"Kukuha lang ako ng pamunas pati narin yung gamot. Pagbalik ko pupunasan kita." medyo galit ako nung nasabi ko yun.




Tumayo ako para kumuha ng pamunas at yung gamot nya tapos nilagay ko yun sa tabi nya, umakyat muna kasi ako para kumuha ng blanket para sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang iakyat to sa kwarto baka mahulog pa kami sa hagdan.



Dalawa yung kinuha kong kumot tapos ay nagjacket din ako para hindi naman ako lamigin. Pagbaba ko ay nakita ko yung gamot na wala na, nainom na nya.




Tignan mo, iinumin din naman pala hinihintay pang magalit ako.



"Tiisin mo muna yung lamig, kailangan kitang mapunasan." tinanggal ko yung kumot nya at pinunasan na sya.




Habang pinupunasan ko sya ay naalala ko nanaman yung napanaginipan ko. Staring at him, i remebered the dance, his eyes that looks at me ewan parang nagflashback lahat.




"Lamig."



"Ahh. Teka eto na."

Takte ka kasi Ara, titig pa.



Pagkakumot ko sa kanya,

"Thank you."he said

"Magpagaling ka." sabi ko.





Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now