#44

1K 58 18
                                    












Friday morning, pagkagising ko ay may pagkain na sa table at wala ring kaingay ingay. Malamang sa umalis na si Thomas bago pa man ako magising. Hindi ko na rin alam kung anong oras sya bumalik kagabi dahil nakatulog akong umiiyak at ramdam ko yun dahil magang maga yung mata ko. Wala na nga akong makita eh.



May training ngayon kaya naghanda na ako ng mga gamit ko, naligo at nagbihis narin ako ng pangtraining pero wala paring dumadating na Thomas.



Bago ako umalis ay nagiwan ako ng note sa ref,

"Take care and I'm sorry." ang nilagay ko, hindi pa naman ako aalis ngayong araw pero gusto ko yung sabihin kay Thomas.




Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Ysay na nakatayo dun sa dulo. Nakapangtraining nadin sya at mukhang naghihintay nalang. Hindi ko naman sya tinext o ano para maghintay dito.




"Ysay, sino hinihintay mo?" tanong ko sa kanya nung nakalapit na ako.




"Ikaw, sabay daw tayo eh."


Teka anong sinasabi neto?


"Daw?" tanong ko.




"Ah ano. Sabay na kako tayo." sabi nya at naglakad na papuntang elevator.



Pagpasok namin ay tahimik lang sya kaya ako na ang nagsalita.

"Nakita mo ba si Tho---"

bigla nalang akong nailang na sabihin yung pangalan nya. Ewan pero ganitong ganito ako nung una eh.


"Si Thom?" tanong nya.

I nodded.



"Kanina, pero umalis din eh. Di nagsabi kung san pupunta." sagot nya.









Dumiretso na kami sa gym at nandun narin yung ibang kateam namin. Nagsimula ang training namin na wala akong kibo hanggang sa matapos. Nakapaglaro naman ako ng maayos pero wala lang talaga akong kibo.


Hanggang sa dumating na yung basketball team para magtraining. Agad na lumapit samin si Ricci para magyayang kumain pero agad akong tumanggi dahil wala rin naman ako sa kondisyon. Habang nag-uusap sila ni Ysay ay sumilip ako sa iba pang players ng basketball team, nakita ko si Torres. Nakaupo at nagtatali ng sapatos, walang kibo.



Hinintay kong tumingin sya? Oo.
Hinintay ko kahit sulyap lang maibigay nya.




Hinintay kong tawagin nya ako? Oo.
Hinintay ko kahit ngiti lang nya.








Pero kahit alin don.... wala. Diretso lang sya sa ginagawa nya tapos tinawag na nya yung team nya. Parang wala lang ako dito, parang hindi nya alam na nandito parin ako. Parang balewala na ako sa kanya.




Ganun lang ba kadali yon?




Ganun ba kabilis mawala ang lahat ng pinagsamahan namin sa loob ng isang buwan?







Bumalik narin si Ricci sa mga kateam nya kaya nagpaalam narin ako kay Ysay.


"Uhm. Ysay sa dorm na ako magpapalit. Una na ako." binitbit ko na yung bag ko.





"Ha? Matutuyuan ka ng pawis, pwede ko nama---"





"Hindi na. Okay lang, sge na mauna na ako." tumalikod na ako sa kanya at humakbang na pero hinawakan nya ako sa kamay kaya tinignan ko sya.




Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now