"Vic tara na. Lumabas ka na dyan."
.....
"VICCCCC!!! TARA NAAAAAA!"
.....
Nakahiga ako sa kama, tulala, nag-iisip. Aalis na kami pero hindi parin ako lumalabas dito. Kahit almusal ay hindi rin ako kumain.
I'm starting to think,
Should I stay?
Kaya ko pa kaya?
I still want to be with these people pero hanggang kailan ako magtatago?
Gusto ko silang maging kaibigan, yung totoong ako.
"Si Ara." sabi ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo na. I have to think. Kailangan kong magdesisyon.
Binuksan ko yung pinto at nandun sina Ysay at Ricci, naghihintay sakin na lumabas.
"Okay ka lang ba?" mahinahong tanong ni Ysay.
I nodded.
Hinawakan naman ako ni Ricci sa balikat kaya napatingin ako sa kanya, kitang kita sa mukha nya yung pag-aalala kaya I smiled and,
"I'm fine. Let's go." mahina kong sabi.
Bumaba na kami at nakita ko na naghahanda si Torres ng ilang mga gamit at lumapit naman sa kanya si Ysay para tumulong.
"Uhm. Sandali lang." sabi ko.
Pumunta muna ako sa likod ng bahay ni Torres. May pinto naman dun sa bahay sa likod ng hagdan kaya dun nalang ako dumaan.
At muli, nakita ko yung napakagandang view dito. Yung pinakita sakin ni Torres. Napapikiy nalang ako sa sarap ng hangin. Napakasariwa at lamig nun, sobrang nakakarelax.
"Ahhhhhh ang saraaaaap."
Napadilat ako sa narinig ko.
Nandito si Ricci? Sumunod pala sya sakin.
"Bakit naman nagsosolo ka? Di ka nagsshare ah maganda pala dito eh."
Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Vic? Gusto mo magstay?" tanong nya.
Agad akong napatingin sa sinabi nya. Bakit nya sinabi yon?
"Ditooooo." dagdag nya.
"Ah." huminga ako ng malalim bago sya sagutin. "Oo pero hindi pwede eh."
"Oo nga. Kahit anong gawin natin hindi talaga pwede. Pero pwede pa naman bumalik diba?"
"Pwede. Kaso mas lalo ko lang siguro to mamimiss."
Parang kayo. Mas lalo ko kayong mamimiss pag umalis na ako.
"Hmm." pagsang-ayon nya. "Anong plano mo after summer?"
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?