#17

881 28 6
                                    













Nag-alarm yung phone ko na syang dahilan para magising ako, gabi na kami nakauwi ni Torres as in gabi na talaga kaya pagdating ko humiga nalang ako at nakatulog na, ewan ko nalang sya kung natulog agad aligaga kasi nung umuwi eh.





At dahil eto na ang totoong simula ng summer na to kailangan ko ng ayusin lahat, lahat ng plano ko. I'll be more decisive at mas aayusin ko ng ang pagkkwento. (Char😂)






I woke feeling tired, nakatulog ako pero hanggang sa pagtulog ko stressssssss parin ako hindi kasi naging maganda yung pwesto ko. Naligo na ako, kumain at hinihintay ko nalang mag oras ng training.

Walang sign ng Torres sa paligid, baka tulog pa sya. Gumala ba naman ng malalayo ng iisang araw.



After kasi namin sumakay ng frisbee eh nangangatog akong bumaba doon at dinala nya ako sa isang booth na para kang nagsstargazing, after noon dinala na nya ako sa kainan at yung talaga yung hinintay ko. Hahaha nakakagutom kaya tumawa, the whole time na magkasama kami ay inaasar nya ako dahil kalalaki ko raw na tao takot ako sa ride na yun at sigaw pa daw ako ng sigaw.


Kung alam mo lang Torres.







After naming kumain ay may binili lang sya tapos umalis na rin kami. RK talaga eh, daming gastos ng batang to. Pero at least, I got to see his smile in a day at may bonus pa yung tawa nya. Sana lang sa buong two months na nandito ako ganyan talaga si Torres.


Pero nung kinausap ako ni Manang ang sabi nya,


"Hija, alam kong maling humingi ako sayo ng pabor na ganito dahil hindi pa naman kayo ganun magkakilala ni Tope, pero sa loob ng mahabang taon ngayon ko nalang ulit nakita yang bata na yan na may ngiti at bumalik sa pagkabata."



"Okay lang po. Dalawang buwan ko pa naman  po sya makakasama eh makikilala ko naman po siguro sya nun."






"Alam mo kasi si Tope sa ibang tao napakamisteryoso nyan. Yung tipong hindi sya magsasalita kahit na kausapin mo o tanungin mo. Ayaw kasi nyang maging komportable sa ibang tao."





"Bakit naman po? Kahit sa mga kaibigan nya?"






"Hindi ba't nasabi ko sayong lumaki syang mag-isa, natuto syang mag-isa na tanging ako lang at ang ibang mga yaya nya ang tumitingin sa kanya. Lumaki syang kayang dalhin ang sarili at isa pa sigurong dahilan ay nung huli nilang pagkikita ng matalik nyang kaibigan."






"Sino pong kaibigan? Bakit po sila nagkahiwalay?"






"Yung kaibigan kasi ni Tope na yun ay lagi syang pinupuntahan sa bahay nila sa Laguna."




Oo, maraming bahay sina Torres.





"Kaso nung makatapos na sila ng highschool dumalang na ang pagpunta ng kaibigan nya kaya lalong nalungkot si Tope hanggang sa hindi na tuluyang makapunta sa Laguna dahil ang balita ay nagpunta daw ito ng America."





"Ang ibig nyo pong sabihin, kaya ayaw maging komportable ni Torres sa ibang tao ay dahil baka iwanan ulit sya at malungkot?"



"Hindi hija."




"Ha? Eh bakit po, di ba po yun ang dahilan kung bakit loner sya?"






"Haha. Hindi hija, ayaw nyang maging komportable sa isang tao dahil ayaw nyang magtiwala pa ulit. Para kay Tope napakahalaga ng tiwala."





Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now