#7

1.1K 31 0
                                    














Nagising ako ng five am, napakaaga ko pa para sa training namin na seven o'clock pa. Tumayo na ako at naligo na. Hindi naman na kasi ako makakatulog nito kaya naligo narin ako. Tahimik lang ako sa pagkilos baka magising pa si Torres sungitan nanaman ako.




Nakaligo na ako at nakapagbihis narin. Eto naka training shorts ng MU. Binili ko ito bago pa man ako pumasok dito para hindi na ako mahirapan pa sa damit pati yung ibang jersey nila dati pinatahi ko o di naman kaya ay kakulay lang. Kinopya ko yung kay Teng since wala naman sya dito. Wala namang uniform dahil summer, ginaya ko nalang para hindi ako mahirapan.

Paikot ikot na ako dito sa kwarto at ngayon ko lang napansin na may mangkok pala sa lamesa. May takip yun kaya hindi ko makita yung laman may kutsara din na katabi. Baka pagkain to ni Torres, teka kailan naman kaya nya to inilagay dito? Kaninang madaling araw pa kaya? Bakit di nya kinain at tinulugan nalang?



Lumapit ako at nakita ko ang isang sticky note.



Eat this for breakfast. I dont know what kind of food you eat, just buy yourself some goods. After your training go to the convenience store along the street.



Ay wow naman. Ang bait ni Torres ah. Gumising ba talaga sya para lang ilagay to dito? Masyadong alaga baka maspoil ako nyan.



Tignan mo tong si Torres okay naman pala eh may pasungit effect pa sya nung una, may rules rules pa mabait naman pala. Agad akong napatingin sa taas, mukhang tulog pa sya ahh.


Bago ko umakyat sa taas ay tinext ko muna si Kim.

To: Inang Reyna

Hi I-na. 😅 Gooooodmorning po. Guess what? Ang bait sakin ni Torres since last night after nyong umalis. Well actually after the incident lang, oh hwag ng sumugod dito ha? Nagkagulo kasi kahapon eh hindi daw kinaya ng boys ang gandang Kim Fajardo. Mga fans mo eh. (Yieee haba hair. Hahaha)

To: Inang Reyna

Nga pala I-na. First training namin today. :)




Umakyat ako sa higaan ni Torres, well hindi naman talaga ako umakyat mismo sa taas sa hagdan lang kita naman kasi dun yung kama nya eh. Magpapasalamat sana ako sa kanya kaso...

"Teka wala sya? Ang aga naman nun."




Pumunta ulit ako sa kusina at tinignan yung laman.
Wow! Champorado. Favorit ko, lakas ni Torres hindi nya daw alam ang tipo ng pagkain ko pero alam nya yung fave ko. Hahaha. Baka naman natyempo lang.




Natapos akong gumayak at nahugasan ko narin yung pinagkainan ko. Tutal maaga pa naman wala pa ganong estudyante sa labas maglilibot muna ako. Haha lakas ng loob eh no parang hindi wanted kagabi ah.

Dala dala ko yung papers na ibinigay sakin ni Ysay kagabi nung nasa dept kami. Ito yung sinasabi ni Torres na kukuhanin namin para malaman ko yung lugar nato tsaka yung rules. Madaming builings ang MU. Ang main campus nila ay malapit sa main campus namin kaya nagkakabalitaan din ang students. Nakahiwalay ang sports center ng MU pati narin itong dorm, bali nahahati sya sa dalawang grounds. What I mean is malaking place to na hati sya kasi may daan sa gitna. May bridge naman na nagdudutong sa dalawang building, hindi kasi palaging open yung gate 2 at 3 kaya doon dumadaan paglilipat ka.



Yung main campus medyo malayo. Tapos may dalawa pang campus sa di kalayuan bali lima lahat ng campus grounds ng MU. Dalawa yung sakop ng sports center kabilang yung mga dorm. Yung dorm ng vball at bball magkasama sa isang building, mga 10 minutes of walking nasa sports dept ka na, medyo malayo rin kasi nasa gate 1 kami eh, gate 2 yung dept tapos sa kabila na ng kalsada yung gym.


Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now